Tahimik lang kaming dalawa habang bumabyahe. Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko rin alam ang sasabihin kaya nakatingin lang ako sa bintana nitong kotse. "Stella are you okay?" tanong ni Ethan kaya lumingon ako at tumango at nginitian siya para hindi siya ma-ilang. "Okay look." Hininto niya ang kotse kaya napatingin ako sa kaniya. Tumingin din siya sa akin habang halata sa kaniya ang pagkabahala. "Stella please just forget what I said, wala lang ako sa sarili ko kaya ko iyon nasabi. Patawad kung binigla kita at umamin ako sa'yo nang biglaan. Nadala lang ako ng damdamin ko kaya patawad," sabi nito. Halata rito ang pangamba sa kung ano ang magiging reaksyon ko. "Sorry, I'm very sorry pero sana hindi magbago 'yung pagkakaibigan natin, pakiusap," dugtong niya. Hatala sa kaniya ang pagkapa

