"E-eduardo?" tanong ni Lilia sa amin. Tumango ako sa kaniya upang sabihin na totoo ang sinasabi namin. "N-nasaan siya?" tanong nito habang nagsisimulang umiyak. "Dadalhin ka namin sa kaniya," sabi ni Ethan. "M-may sumpaan kami at hindi ko iyon natupad," bulong niya sa sarili at muling humagulhol. Hinaplos ko ang likod niya upang kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Ilang sandali pa ay hindi namin napansin na nasa harap na pala kami ng bahay nila Lolo Eduardo. Binuksan namin ni Ethan ang pintuan nitong kotse upang makalabas kami at pumunta naman ako sa kabilang side upang buksan ang pintuan ng kotse kung nasaan si Lilia habang si Ethan naman ay kaagad tumakbo papunta sa harapan ng pinto. Kinatok ni Ethan ang bahay at kaagad naman iyong binuksan ni Aling Anna. "Oh Ethan, gabi na ah

