Nang magising ako ay inilibot ko ang sarili ko sa paligid at nasa kwarto na ako rito sa bahay na tinutuluyan namin. Nakita ko naman ang natutulog na si Ethan. Nakaupo siya sa upuan sa tabi nitong kama habang nakayuko sa kama na hinihigaan ko. "Ethan," paggising ko rito. Kaagad namang umangat ang ulo niya na ikinagulat ko. "G-gising ka na pala," natutuwang sabi niya at kaagad na kinakapa ang noo ko at leeg ko. "Anong ginagawa mo?" napahinga naman ito nang maluwag nang tanggalin niya ang kamay niya sa noo ko. "Akala ko may lagnat ka, nag-aalala na ako sa'yo sabi ng doktor pagod na pagod ka lang daw kaya ka nahimatay, kaya ka nandito," paliwanag ni Ethan. Marami kasi akong enerhiyang nagamit dahil sa engkanto na iyon. Sobrang lakas kasi nito at kinailangan ko pang manghiram ng enerhiya sa

