Episode 2

1354 Words
Her dad knew that she was already there through the security cameras outside his office. Halos lahat ng sulok ay punong-puno ng camera para sa kaligtasan nilang lahat. Kulang na nga lang pati banyo lagyan nito ng security camera. "Daddy," masayang bungad niya sa ama pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi. "Hija, don't tell me nagpunta ka dito para lang d'yan?" Turo nito sa dala-dala niyang pagkain na galing sa kilalang fast food. "Mukhang maganda yata ang araw mo," dugtong pa nito na halatang nagdududa. Nilingon niya ang taong dahilan kung bakit siya bumili ng pagkain. Nakaupo ito sa sofa habang nakangiting nagtitipa sa cellphone nito. "Hoy! Bayaran mo 'to, ha! Limang libo ang lahat ng 'to!" pukaw niya sa atensiyon nito. "W-what? Ginto ba 'yang pagkain na nabili mo? Ang mahal naman n'yan!" reklamo nito. Nakita niyang pati butas ng ilong nito lumaki na dahil sa sobrang gulat. Ang mahal ba naman ng singil niya, eh. "Kung ayaw mo, huwag mo! Bumili ka ng pagkain mo!" malakas na bulyaw niya kunwari. Tumayo ito sa pagkakaupo at humakbang palapit sa kaniya. Tiningnan nito ang pinamili niyang pagkain. Napangiwi ito ng makitang puro burger ang laman ng paper bag. "What the f*ck! Ano 'to?" turo nito sa pagkain na nasa loob ng paper bag. Obvious naman na burger tinanong pa talaga. "Burger?" sagot niya dito pero patanong ang tono ng kaniyang pananalita. "Oo, alam ko na burger ang mga 'yan! Bakit burger ang binili mo?" tanong nito habang nakanguso. "No choice, eh. Ubos na kasi 'yong iba saka 'yan na lang daw ang stock nila," giit niya rito. Sino'ng niloloko niya? Paborito niya lang kasi ang burger kaya bumili siya ng sampung piraso. Binalingan niya ang ama na kanina pa pala nakamasid sa kanilang dalawa ni Evo. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ng desk kung saan nakaupo ang ama. "Dad," panimula niya. Tumingin ito sa kaniya na may kasamang pagdududa. "Yes?" tanong nito habang nakatitig sa mga mata niya. "Puwede ba akong magbakasyon kahit isang taon?" tanong niya sa ama habang kinikiskis ang kanyang mga palad. Tumango-tango naman ito habang nakangiti kaya naman napasigaw siya at napatalon-talon na dahil sa sobrang saya. "Yehey! Ang dami ko ng plano, Dad! I love you," natatawang saad niya sa ama. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. "Papayag ako pero sa isang kondisyon," pahayag nito sa kanya. Biglang napawi ang kasiyahang nararamdaman niya at napalitan ito ng pagkadismaya. Hindi kaagad siya nakapagsalita sa naging pahayag ng ama. Was this guy for real? Kailangan pa talaga may kondisyon? "What is it, Dad?" walang gana niyang tanong sa ama. Laglag ang balikat na bumalik ulit siya sa upuan na nasa harapan ng ama. Iron Ariza was her father. He was a good man pero halimaw ito pagdating sa labanan. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay ibinibigay nito dahil nag-iisa lang siyang anak kaya nagtataka siya kung bakit may kondisyon pa. Kainis! Mapupurnada pa yata ang mga plano niya! He spoiled her, that's why she loves her dad so much. Mahal na mahal niya ito higit pa sa sarili niya. Ayon sa kuwento ng daddy niya namatay raw ang mommy niya noong araw na ipinanganak siya. Nawala ang mommy niya pero siya naman daw ang pumalit kaya naman madali raw itong nakausad mula sa pangungulila sa yumao niyang ina. She was twenty-two years old now. Sa loob ng dalawampu't dalawang taon niya rito sa mundo hindi niya naramdaman na nagkulang ang ama. Her father was also her mother at the same time. Her father was fifty-two years old pero hindi halata dahil matikas pa rin ang pangangatawan nito. Marami pa nga ang mga babaeng nagkakagusto rito pero ayaw na nitong patulan dahil kontento na raw ito sa kaniya. S'ya lang daw ay sapat na at mananatili raw siyang prinsesa at reyna ng buhay nito. Nagulat siya ng may bigla na lang tumawa nang malakas. Pareho silang napalingon sa pinanggalingan ng tawa na walang ibang salarin kundi si Evo. "Wow, just wow!" wika nito habang natatawa sabay pumalakpak pa ng mga kamay. "Ano'ng nakakatawa? Basagin ko kaya 'yang mukha mo?" pagbabanta niya rito. Hindi nito pinansin ang sinabi niya dahil alam nitong nagbibiro lang siya. Napatingin ulit siya sa ama nang may iabot itong folder sa kaniya. "Ethan Villaflor," basa niya sa pangalan na nakalagay sa folder. "He's your new assignment, Yna. Keep an eye on him." Napabuntong-hininga siya. "Dad, ano po ba'ng kaso nito?" nanghihina niyang tanong sa ama. Napatingin naman siya sa kaibigan at kagaya kanina tuwang-tuwa pa rin ito sa galak. Abnormal talaga! "Wala naman." Mabilis siyang napatingin sa ama. "What? So, ano'ng gagawin ko rito kung wala naman pala 'tong problema?" iretable niyang tanong dito. "Namatay ang mga magulang niya tatlong buwan na ang nakakaraan. Hindi nila alam kung ano ang dahilan dahil wala naman daw itong natatanggap na death threat o nakaaway man lang. Ayon sa mga anak nito mabait daw ang mag-asawa kaya nagulat sila kung bakit ito pinatay." mahabang paliwanag nito. "Mga anak?" usisa niya. So, kung may mga anak pala ang mga ito bakit ito lang ang babantayan niya? "Dahil siya ang tagapagmana ng Vnet TV ang isa sa mga nangungunang TV station sa bansa." Marahil ay nabasa nito ang iniisip niya. "Dalawa silang magkapatid pero adopted lang ang isa," dagdag pa nito. Ang kaninang maingay na si Evo ay tahimik na at mataman na rin itong nakatitig sa folder na hawak-hawak niya. Mariin siyang napapikit at pagkatapos ay tumingala siya sa kisame bago tinanong ang ama. "So, ano'ng dapat kong gawin, Dad? Bantayan ko siya twenty four hours?" Her father let out an amusing smile. "You're right, hija! Bravo! Manang-mana ka talaga sa 'kin." Bumagsak ang mga balikat niya dahil sa panlulumo. Paano na ang mga plano niya? Goodbye vacation na ba? Sumubsob siya sa desk nito habang inuuntog-untog ng mahina ang kanyang noo pero agad din siyang nag-angat ng tingin at nakangiting tumingin sa ama. "Dad, si Evo na lang po, please?" suhestiyon niya rito. Nakita naman niya sa mukha ng kaibigan ang mariin nitong pagtutol. Kaasar! "What the hell! Ano ka pinagpala?" May bahid na kaagad ng iritasyon sa boses ni Evo nang marinig nito ang sariling pangalan. "Why not? Ikaw na lang ang mag-apply na janitor do'n! Ikaw na lang, Evo, hmmm?" paglalambing niya sa kaibigan baka sakaling makalusot. "No, way! Ayoko! Kahit bigyan mo pa 'ko ng isang milyon! No f*cking way! Ayoko nga! Never!" bulalas nito. Lahat na sinabi parang t*nga! Tumikhim ang kaniyang ama. "Last na 'to tapos puwede ka ng magbakasyon. I promised!" Itinaas pa nito ang kanang kamay na akala mo nanunumpa. "Fine! Kailan ako magsisimula para bantayan si Villaflor?" "Bukas na bukas din. Gumawa na rin ako ng paraan para makalapit ka sa kaniya. Ang kailangan mo lang ay mag-apply bilang janitress sa kompanyang pag-aari niya." Janitress talaga? Hindi ba puwedeng secretary na lang? Halos lahat na yata nagamit niya para sa misyon. Wala na ba talagang bawian? "Is that your final answer, Dad?" tanong niya sa ama habang natatawa. Napabaling naman ang dalawa sa kaniya. "What do you mean?" pag-uusisa nito. "What I mean is, Janitress talaga ang trabahong papasukin ko? Final na?" Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Unang-una, ekis na talaga ang pinapangarap niyang bakasyon. Pangalawa, magiging janitress siya na hindi niya alam kung ilan bang palapag ang lilinisan niya. Pangatlo, gutom na gutom na siya. "Oo nga!" Magkasabay pang sumagot ang dalawa kaya naman napairap siya sa hangin. Seryoso nga! "Fine!" pagpayag niya kahit labag sa loob ang gagawin niya. Sarili nga nilang bahay hindi niya malinisan, eh. Tapos, heto siya magtatrabaho bilang janitress? Ano 'to lokohan? "Just kill me now!" mahina niyang kausap sa sarili. Huminga siya ng malalim at nahulog sa malalim na pag-iisip. Mas gugustuhin pa niyang makipagbarilan kaysa maglinis ng napakatayog na gusali. Kaya lang, anong magagawa niya? Daddy niya na ang nag-utos kaya wala siyang magagawa kundi sundin ang utos nito kahit ayaw niya. Gagawin niya ang utos nito hindi dahil sa takot siya sa ama kundi mahal na mahal niya ito ng higit pa sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD