Episode 3

1746 Words
"So, it's settled then," pinal nitong pahayag. Isa lang ang ibig-sabihin nito. There's no turning back! "Yeah," bored niyang sagot sa ama. Matapos ang pag-uusap nilang mag-ama nagpaalam na kaagad siya dito dahil pakiramdam niya hindi siya makahinga. Tapos dinagdagan pa ni Evo na nasa tabi niya na walang tigil sa kakatawa. Parang gusto niya tuloy magbigti ngayong araw. 'Yon nga lang sa puno ng kamatis. Nayayamot siya ng husto. May biglang pumasok na magandang ideya sa isipan niya. Ano kaya kung kumuha na lang siya ng taong papalit sa kaniya? At pagkatapos 'yun na lang ang tatanungin niya sa bawat kilos ni Villaflor? What a brilliant idea, isn't it? "Are you okay?" pukaw sa kaniya ni Evo. Ewan ba naman niya kung bakit sumabay pa ito sa kaniya. Naputol tuloy ang maganda niyang pinaplano sa isip! Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. "Mukha ba 'kong okay?" tanong niya na halata sa boses ang kaniyang pagkainis. Nakita niyang may pinipigilan itong ngisi sa pangit nitong mga labi. Buwesit! "Huwag ka nang malungkot, Love naman kita, eh," pag-aalo nito sa kaniya pero alam niyang tuwang-tuwa ang kaloob-looban nito ngayon. "Mainit ang ulo ko ngayon, Evo, kaya hindi mo ako mauuto!" angil niya sa makulit na kumag. "Eh, bakit ka nakangiti? May pinaplano kang masama, 'no? Ano 'yun ha? Share mo naman para dalawa tayong masaya," pangungulit nito sa kaniya. Kilalang-kilala talaga siya nito. Ultimo yata pag-utot niya alam na alam ng kaibigan. Wala talaga siyang maitatago rito. "Ano 'ko baliw? Bakit ako ngingiti kung mainit ang ulo ko, ha?" "Aba, malay ko sa'yo! Sarili mo 'yan, kaya bakit ako ang tinatanong mo?" "Paano mo nalaman na may plano ako?" usisa niya rito. Nakita naman niyang umiling-iling ito. "Because," pabitin nitong sagot. "Because?" tanong niya habang nakaismid. Hinihintay kung ano ang idudugtong nito. "You're crazy! F*cking crazy!" dugtong nito. Dahil sa sinabi nito binatukan niya ito nang pagkalakas-lakas at pagkatapos ay sinipa niya ito sa pagitan ng mga hita nito. "Tang*na!" pagmumura nito habang hawak-hawak ang junior na nasaktan. Hindi naman masyadong malakas ang pagkakasipa niya para umarte ito ng ganito. Napaismid tuloy siya. "Baliw! Sarap mong patayin, eh. Alam mo ba 'yun, ha!" "Baka baliktad ata," saad nito habang kagat-kagat ang mga labi. Gross! "Baka patayin sa sarap ang ibig mong sabihin," pagpapatuloy nito. Mukhang naka-recover na sa sipa niya dahil nagagawa na ulit nitong mambuwesit. "Bakit masarap ka ba?" pang-aasar niya. Titingnan niya kung ano ang magiging reaksiyon nito. Tumikhim ito. "Sobra! I can...you know, Pump, Pump! Pump up to the base," "What?" tanong niya na may kasamang pagdududa. Alam niyang may ibig-sabihin 'yun lalo na't may nakapaskil na ngisi sa mga labi nito. Alam niyang malandi ang kaibigan. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na habulin ito ng mga babae. Who wouldn't be? He has looks and money. That's why. Kahit nga umupo lang o ito o tumayo ay agaw pansin pa rin ang kaguwapuhan nito pero para sa kaniya isa itong pangit na nilalang. "Wala! Narinig mo naman na kumakanta lang ako, eh," mabilis nitong sagot habang nakangiti. "Pump it up! Pump out, pump in. Here I comes," pagpapatuloy nito. Kuminding-kinding pa ito na parang t*nga! Ni hindi niya nga alam kung totoong kanta ba ang lumalabas sa bibig nito o gawa-gawa lang. Napanganga siya. Goodness! Nakakadiri! Dahil nakakaagaw pansin na sila sa ibang agent na naroon kaya nauna na siyang maglakad at iniwanan ito habang sumasayaw. "Hey, wait!" pasigaw nitong tawag sa kaniya. "Manahimik ka nga, Evo! Sigaw ka nang sigaw para kang bata!" sita niya ng makahabol ito sa kanya. Tinaasan lang siya nito ng kilay at hinatak papasok sa sasakyan niya. "Get in," maawtoridad nitong utos sa kanya. "Hindi pa 'ko uuwi, Evo. May pupuntahan pa 'ko." Tumingin ito sa kaniya na tila tinitimbang kung nagbibiro ba siya o nagsasabi ng totoo. "At saan naman?" usisa nito sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "D'yan lang sa tabi-tabi." "Sama 'ko! Tara na!" pag-aaya nito. Kita mo 'to sasama na naman! Nauna pang pumasok sa loob ng sasakyan niya. "Teka nga, sasakyan ko 'to, ah! Wala ka bang sasakyan?" Umiling ito. "Nasa shop." "Ang dami-dami mong sasakyan, Evo! Huwag mo 'kong lokohin!" sita niya rito. Hindi bababa sa sampu ang sasakyan nito kaya imposibleng wala itong magamit kahit isa. Ano 'yun sabay-sabay na nasira? "Okay," nakangiting sagot ni Evo na lalo niyang ikinaasar. "Ano'ng okay?" "Na hindi kita lolokohin," seryosong pahayag nito. "Nabagok ba 'yang ulo mo? Alam mo malala ka na talaga! Mukhang kailangan mong magbakasyon, Evo. Magpahinga ka nang matagal, ha. 'Yong medyo matagal-tagal sana," mahaba niyang litanya sa kaibigan. "Siguro nga. Tagal na rin kasi akong walang exercise, e. Siguro mga two weeks na," anito na tila nag-iisip pa kung tama ba na dalawang linggo na itong walang exercise. "Mag-exercise ka bukas para pagpawisan ka, Evo, dahil nilalamon na rin ng taba 'yang utak mo," suhestiyon niya habang tinatapik-tapik ang pisngi nito. "At saka ang pangit mo na sa paningin ko. Mukha kang aso na maraming galis," dugtong niya habang inaanalisa ang pagmumukha nito. Nandito sila ngayon ni Evo sa VNight Bar. Nagbibiro lang naman siya kanina na gusto niyang mag bar-hopping sineryoso naman ng kumag. Well, hindi na rin masama dahil siguradong matatagalan na naman siya bago ulit makapasok sa ganitong lugar. Bukas na bukas mag-uumpisa na ang totoong laban niya kaya naman ngayon pa lang susulitin niya na ang pagiging malaya dahil bukas certified janitress na siya. Iniisip pa lang niya na magwawalis at magkukuskos siya ng pader nai-stress na kaagad siya. Paano pa kaya kapag nando'n na siya mismo sa lugar na 'yun? Baka talagang doon na siya matigok. Napangiwi siya ng malasahan ang tequila na in-order ni Evo. Bumungisngis ito at tila aliw na aliw sa hitsura niya habang umiinom. Sumimangot siya at sinita ito. "What?" "Wala naman akong sinasabi, ha. Masyado ka yatang maselan ngayon," defensive nitong tugon sa kanya. Uminom siya ng isa at nasundan pa nang nasundan. Lumapit ito sa kaniya at bumulong. "Kaya mo pa ba?" "Oo naman," mayabang na sagot niya. Ang totoo parang gusto niya ng sumuka pero hindi niya 'yon gagawin sa harap ni Evo dahil malakas itong mambuska. Natawa ito. "Sabi mo, eh. Baka lasing ka na, ah." "Matino pa ako, 'no? Ano'ng akala mo sa 'kin, weak?" pagyayabang niya pero ang totoo nahihilo na talaga siya. Tumango-tango ito. "Restroom muna 'ko, Queen. Ikaw ba?" "Okay lang ako, Itlog, Go…" Bumungisngis siya halatang may tama na kaya naman nagdadalawang-isip ito kung iiwanan ba siya o isasama na lang. "Okay lang ako, Baby. Go na..." pagtataboy niya dahil para itong poste na nakatayo na lang sa tabi niya. Habang naglalakad palingon-lingon ito sa gawi niya. Akala siguro mawawala siya. Mayamaya ay may umupo sa tabi niya. Hindi niya iyon gaanong pinansin dahil hindi naman nito inokupa ang puwesto ni Evo. Ang tagal naman yata ng kaibigan niya. Masundan nga. Nang akma siyang tatayo pakiramdam niya ay matutumba siya kaya napahawak siya sa damit ng lalaking umupo malapit sa puwesto niya. "Sorry," paghingi niya ng paumanhin na halos pabulong na lang. Tumawa ito nang pagak. "B*tch, nowadays!" Walang pag-aatubiling hinarap niya ito at hinatak ang kuwelyo ng suot nitong damit pagkatapos ay hinalikan ito nang mariin. Pinakawalan niya lang ang mga labi nito ng kapusin na siya ng hininga. "Tawagin mo 'kong b*tch kapag nilandi kita, ah. Akala mo naman ang guwapo-guwapo mo. Hoy! Para malaman mo ikaw na yata ang pinakapangit na lalaking nakita ko!" nanggigigil niyang sabi rito. Humalakhak ito. Sumimsim muna ito ng alak bago naaaliw at matamang tumingin sa kaniya. "F*cking idiot!" angil nito sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito ng malanghap niya ang mabangong hininga nito na may halong amoy ng alak. "Mister, whoever-you-are 'wag kang magyabang dahil unang-una hindi ka naman masarap halikan!" malakas niyang bulyaw rito. "Pangalawa, hindi ka marunong humalik," dagdag niyang komento rito. Wala siyang pakialam kahit may ibang makarinig sa kaniya na malabong mangyari dahil maingay naman ang lugar. "Hey, baby? What's wrong?" pukaw sa kanya ni Evo. Kailan pa siya naging baby nito? Kumindat ito kaya alam na niya ang ibig-sabihin nito. Ang makaiwas s'ya sa gulo! Napatingin ito sa kamay niyang hanggang ngayon nakahawak pa rin pala sa lalaki. Bigla tuloy siyang nahiya kaya naman marahas niyang tinulak ang lalaki. Kung kanina tumatawa ito ngayon naman seryoso na. Lasing na nga talaga siguro siya dahil hindi niya maaninag ang totoong hitsura nito. Binalingan niya si Evo na gano'n din ang awra ng mukha. "Evo, tara na! Antok na ko," aya niya sa kaibigan. Marahan namang tumango ito. Dinukot nito ang wallet at nag-iwan ng bayad sa counter. "Kargahin mo na lang ako, Evo. Pakiramdam ko kasi bubulagta ako anumang oras, e." Halatang naiinis na ito sa kaniya. Bago humakbang palayo si Evo nilingon niya pa ang lalaki at nakita niyang nakatingin din pala ito sa kaniya, kaya nag-iwas siya ng tingin. Pero dahil naalala niyang sinabihan siya ng b***h kanina. Tumingin ulit siya sa direksiyon nito and mouthing him the words "Ang pangit mo at hindi ka masarap humalik." Pilit niyang sinusupil ang isang ngiti na nais kumawala sa mga labi niya lalo na't nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito. Bumaling naman siya sa kaibigan na seryoso pa rin ang pagmumukha. "Galit ka ba ha, Evo?" inosenteng niyang tanong rito. Buhat-buhat siya nito na akala mo bago silang kasal. Sa totoo lang kaya naman talaga niyang maglakad ang problema tinatamad siyang humakbang. "Pasalamat ka kasama mo 'ko dahil kung hindi baka nagahasa ka na ngayon," sermon nito. Tiningala niya ito at nakita niyang nagtatagis ang mga ngipin nito. Ano daw? "Excuse me, kahit naman lasing na lasing ako kaya ko ang sarili ko, 'no? Malakas kaya ako," pagyayabang niya rito. "Hindi sa lahat ng oras kaya mo ang sarili mo kaya 'wag kang mayabang!" sermon nito sa kaniya. Ano ba'ng nangyayari rito? Ang alam niya sa field lang ito seryoso, ah. "May problema ka ba, ha. Evo? Pagkagaling mo sa banyo nagkaganyan ka na," aniya sa kaibigan. "Hala! Baka nasapian ka! May naiba talaga sayo," nanlalaki ang mata niyang saad dito kunwari. Natawa ito. "At paano namang may naiba? ha! Aber?" "Kasi naging guwapo ka, eh. Doon ka na lang kaya sa banyo habangbuhay." Umirap ito sa hangin. Akala mo naman bagay. Lagi silang ganjyan ni Evo simula nang mga bata pa sila. Magbangayan man silang dalawa araw-araw sa huli ang isa't isa pa rin ang nagiging sandalan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD