Episode 4

3772 Words
Nang makarating sila ni Evo sa kaharian nila ng daddy niya ay pasalampak siyang umupo sa sofa. Kaharian na ang ibig niyang sabihin ay bahay nilang mala-mansiyon kasama ang hindi bababa sa sampung kasambahay na mahal na mahal niya. Wala siyang ina kaya naman lahat ng babaeng kasama nila sa bahay ay mommy ang tawag niya. Si Evo, kaunti na lang tatawagin na rin niya itong mommy. Daig pa kasi ang isang ilaw ng tahanan kung pagalitan siya nito minsan. ‘Yong daddy niya nga kapag pinagsasabihan siya malumanay lang. ‘Yong tipong galit pero niyayakap pa rin siya at hinahalikan pa sa noo. Samantalang si Evo na kaibigan niya lang naman kung makasigaw sa kaniya wagas tapos kulang na lang kainin siya ng buhay. Sa biyahe pa lang hindi na maipinta ang pagmumukha nito. Sabagay pangit naman kasi talaga ito sa paningin niya. Kung umasta ito akala mo naman may ginawa siyang hindi maganda. Simpleng halik lang naman 'yon at saka hindi naman matagal 'yon parang dampi nga lang, eh. Ano ba'ng ikinagagalit nito? Wala pa naman siya sa mood makipagtalo. Siguro kailangan niya munang mag-inarte ngayon dahil alam niya ang kahinaan nito. Magpapanggap na muna siyang masakit ang lahat sa kaniya. Idadamay na rin niya pati puso niya. Kapag kasi may iniinda siyang sakit nag-aalala ito sa kaniya. Minsan nga kahit nasa malayo si Evo, talaga naman kulang na lang lumipad ang kaibigan niya mapuntahan lang siya. Gano’n siya kahalaga kay Evo kaya lang minsan naiinis din siya sa presensiya nito, lalo na ngayon. Sana lang gumana ang pag-arte niya para makalimutan nito ang nangyari sa bar kani-kanina lang. “Sh*t! My head hurts!” kunwa’y reklamo niya pero hindi naman talaga gano'n kasakit ang ulo niya. Nahihilo siya, Oo. Pero hindi gano’n kalala. Laging ganiyan ang teknik niya kay Evo lalo na kapag nakakagawa siya ng kalokohan. Magpapaawa lang at mag-iinarte tapos bibigay na ito. Mabilis din naman kasi itong maniwala sa kaniya. “Kanina ang yabang-yabang mo! Muntik ka pang mapaaway! What's wrong with you, Queen?” Haist! Kaya nga siya nag-iinarte na masakit ang ulo niya dahil siguradong sermon ang aabutin niya rito, eh! Mukhang hindi yata tumalab ang pag-arte niya ngayon, ah. “Ang sakit talaga ng ulo ko! Parang pinokpok ako ng sampung martilyo! Ouch! Sakit sobra!” reklamo niya pa kunwari na sinabayan na rin nang paghilot-hilot sa kaniyang sentido. Mas ginalingan niya pa ang pag-arte para naman kahit papaano ay maawa ito sa kalagayan niya. Kesehodang magmukha siyang baliw sa hitsura niya ngayon huwag lang siyang makarinig ng sermon mula rito. Kilala niya ‘tong tao na ‘to. Marami munang kuda pero hindi naman siya nito kayang tiisin. “Kanina ang yabang mo! 'What do you think of me, weak?’" panggagaya pa nito sa sinabi niya kanina sa bar. "Ang yabang mo! Tapos paglabas ko naman galing sa comfort room may kaaway ka na!" Kaaway? Wala siyang kaaway, 'no! Medyo nakakainis kasi 'yong lalaki kanina sa bar. Tawagin ba naman siyang 'b*tch' alangan naman na matuwa pa siya? Dapat ba magpasalamat pa siya? “Thank you for calling me a b*tch! It was my pleasure! Ganda! Ikaw pa lang ang tumawag sa ‘kin niyan and it was great!” Alangan naman na gano’n pa ang maging reaksiyon n’ya sa sinabi ng lalaking ‘yon?! Ginaya pa talaga nito ang sinabi niya kanina no’ng nasa loob sila ng Vnight Bar with action pa. “Huwag ka nang magalit, please? Bukas hindi na tayo gaanong magkikita dahil may panibago na ‘kong trabaho, ‘di ba? Mamimiss mo rin ako, loko ka!” aniya kay Evo na parang nagpapaawa. Para naman makaramdam ito ng kaunting konsensiya. “Ano hindi mo na kaya? Hindi mo na ba kayang tumayo? Lumpo ka na rin ba ngayon dahil sa alak?” sa halip ay sabi nito. Tinangka niya kasing tumayo para sana yakapin ang kaibigan para naman kumalma na. Baka sakaling kumalma kapag naramdaman nito ang mainit na yakap niya na may kasamang pagmamahal. Ang ingay kasi lalo na't gabi na baka kasi magising pa ang daddy niya at ang mga kasama nila sa bahay na alam niyang pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho. Natawa siya. “Siyempre kaya ko! Parang hindi mo naman ako kilala niyan, Evo! Wala ka na talagang tiwala sa ‘kin, e. ‘no? Hays! Nakakalungkot naman! 'Yong nag-iisa kong kaibigan wala na pa lang bilib sa 'kin,” malungkot niyang saad pero lihim naman siyang natatawa. Kung bakit ba naman kasi kapag nagagalit ang kaibigan niya lumalaki pati ang butas ng ilong nito. “Maligo ka na! Mag-toothbrush ka ng sampung beses!" Grabe naman 'to sa sampung beses? Baka mamaya wala na siyang ngipin at gilagid na lang ang matira paglabas niya sa banyo dahil napudpod na ang mga ngipin niya. Samantalang alam niya na kumakain ito nang tahong na buhay pero hindi naman naging ganito ang reaksiyon niya dati. "Hindi mo naman kilala 'yong lalaki tapos hinalikan mo! You’re gross!” anito na tila sobra-sobra ang pandidiri sa kaniya. Ito nga nakipagtalik na sa iba’t ibang babae pero hindi naman niya pinandirihan. Unfair talaga ang buhay. Kiss lang pinandirihan na siya. Nakakapanghina. Anong masama sa halik? 'Yong iba nga hindi lang halik ang ginagawa. Kagaya na lang no'ng couple na nasa gilid niya kanina kulang na lang sipsipin lahat ng parte ng katawan. Wala pang ligo dahil pawis na pawis ang dalawa pero tuloy pa rin ang paghahalikan. Ni hindi nga nahiya sa mga taong naroon. Pagkatapos maghalikan narinig niya pang tinanong nang lalaki 'yong babae na 'Your place or mine?' siyempre ang kasunod alam na. Langit sa ibabaw ng kama. Nakakapagtampo naman ang kaibigan niya. Hindi man lang supportive sa kan'ya. “Sinabihan n'ya kasi ako ng masama! Kaya hayun hinalikan ko!" katuwiran niya. "In fairness guwapo naman siya kaya hindi na rin masama. At saka mabango rin naman ang hininga niya kahit na lasang alak 'yong laway niya. ‘Yong mga mata niyang mapupungay na para bang lagi kang yayayain pumunta sa paraiso na kayong dalawa lang ang puwedeng makakita. Feeling ko nga in love na ako sa kaniya, eh.” Hinampas siya nito ng throw pillow sa ulo. “What?!” sigaw nito na akala mo naiskandalo. “Bakit hindi mo na lang sinipa? O kaya naman sinuntok sa mukha?” dagdag pa nitong tanong sa kanya. "Bago 'yon, ha? Halik talaga?" Inirapan niya ito. "Hindi ako basagulera, Evo. Mabait 'tong kaibigan mo at alam kong alam mo 'yon!" "Ha-ha-ha! Is that a joke?" Bakit ba ayaw nitong maniwala? Nagbago na kaya siya. Hindi na siya ganoon ngayon. "Sabihan ka nga lang ng pangit halos umusok na 'yang ilong mo, eh. Kulang na lang balian mo ng buto at kung minalas pa sila ng kaunti baka nga napatay mo pa! 'Yon pa kayang sabihan ka niya ng b*tch?" Sabagay totoo naman din ang sinabi nito. Dati kasi may isang grupo ng mga bida-bida sa lansangan na sinabihan siyang bakekang. Ayos lang sana kung bakekang lang. E, ang kaso nga habang sinasabihan siya ng bakekang pinagbabato pa siya ng mga baliw na 'yon kaya naman hindi na siya nakapagtimpi pa. Kaagad niyang sinugod ang mga ito at isa-isa niya itong pinagsisipa sa iba't ibang parte ng katawan para naman magtanda. Grabe naman 'to si Evo sa kulang na lang daw balian niya ng buto. Sinipa lang naman niya ang mga iyon at saka hindi naman masyadong malakas kasi nga nakatayo pa ang mga loko at kalaunan ay nakatakbo pa palayo. Parang dinampi niya lang naman 'yong paa niya sa mga katawan ng mga bida-bida nabalian na raw kaagad ng buto. Sa laki ng katawan ng mga ‘yon, mabalian? Kung makapintas pa akala mo mga guwapo samantalang nakita niya ang iilan sa mga ito na wala naman mga ngipin. Malakas lang talagang mang-asar ang mga sira-ulong ‘yon. Kung hindi pa siguro siya inawat ni Evo no'n malamang umuwi 'yong mga 'yon na malala ang bangas sa mukha at baka nga nabalian ang ilan sa mga ito. Alam kasi nito na kapag nakarinig siya ng masama mabilis uminit ang ulo niya at hindi niya titigilan ito hanggat hindi humihingi ng pasensiya. Pasalamat na rin siya dahil siya ang napiling pag-trip-an dahil kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Hindi kagaya ng mga ordinaryong tao na baka kung ito ang pinagbabato ng mga g*gong 'yon na walang magawa sa buhay baka umuwing duguan o di kaya’y isinugod pa sa ospital. Pero do'n sa pogi kanina hindi niya alam kung bakit imbes na saktan niya aba'y hinalikan niya pa. Napangiti siya sa sinabi nito. Dahil parang stress na stress sa sa kaniya si Evo kaya mas lalo siyang ginanahan na asarin ito. “Hindi ko nakita ng husto 'yong mukha niya pero sa palagay ko talaga ang guwapo niya!" pahayag niya at umarte pa na akala mo kinikilig ng husto. "Guwapo siya, 'di ba?" “Yeah! I saw his face! At mukha siyang aso na nagkatawang tao!” malamig nitong tugon sa kaniya. Natawa siya dahil sa naging sagot nito. “Weh? Maniwala ako sa ’yo! Siya pa nga lang ‘yong lalaking nakita ko na pinakaguwapo sa buong mundo, eh!” Inaasar lang naman niya ang kaibigan pero parang gusto na nitong manakit. Galit na galit kasi ito kapag may pinupuri siyang ibang tao maliban dito. Ang totoo kasi niyan hindi niya gaanong nakita ang lalaking hinalikan niya kanina. Medyo lasing na rin kasi siya at nahihilo na pero alam niyang guwapo 'yon. Nang hawakan niya kasi ang mukha nito nasagi niya ang matangos nitong ilong kaya alam niyang guwapo ang lalaking 'yon. Kung hindi sana siya nito ininsulto hindi rin naman sana niya iyon hahalikan. Tinaasan siya nito ng kilay. “Maligo ka na! Kulang ka lang sa tubig! Hugasan mong maigi ‘yang mga mata mo dahil baka puno na ng alikabok 'yan!" Umiling-iling pa ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Pangit na ang tingin mo sa guwapo. At guwapo na ang tingin mo sa pangit. Ibang klase! Maligo ka na nga at magbabad ka na sa bathtub mo! Tapos bukas magpasukat ka na rin ng salamin!" “Evo,” untag niya sa kaibigan. “Hindi ko yata kayang maging janitress. Baka do'n na ako mamatay. Tapos ‘yong uniform ko hindi pa pang-sexy. Parang ayoko na talaga! Tingin ko talaga, do’n na ‘ko malalagutan ng hininga,” seryoso niyang ani kay Evo pagkuwan. Tama na muna ang kalokohan. Hindi niya talaga kaya! Sa buong buhay niya baril na ang hawak-hawak niya. Sa totoo lang hindi pa siya nakahawak ng walis man lang pero siyempre alam niya naman kung paano gumamit ng walis. “What the hell! Wala pa akong nabalitaan na namatay sa ganiyang trabaho, Queen! Puwera na lang kung tatalon ka sa building na lilinisan mo! Baliw ka pa naman kaya hindi malayong tumalon ka talaga!” sabi nito sa kaniya na halos mamilipit na sa kakatawa. "Ano'ng gusto mo? Habang nagma-mop ka naka-gown ka? Fine! Bibilhan kita bukas ng maraming gown! 'Yong mga pangmalakasan at panlaban sa red carpet ang mga datingan!" Parang gusto niyang ihagis ito palabas! Kabagan ka sanang lalaki ka! Kung makatawa wagas! “Lapit ka rito, Evo. May sasabihin ako sa ’yo.” Nagdududa itong tumingin sa kaniya. “Wala akong gagawin sa ’yo, ‘no,” paniniguro niya para hindi ito matakot. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya na tila takot na takot pa. “W-why?” anito na umiilag na kaagad wala pa man siyang ginagawa. Parang t*nga! “Wala akong gagawin sa ’yo!” paniniguro niya ulit. “I don't believe you!” “Bilisan mo na! Maaga pa akong mag-a-apply bukas bilang certified janitress!” "Sabihin mo na kasi! Ano ba kasi 'yon?" Kung umasta ito akala mo papatayin n'ya. Sira-ulo! "Lumapit ka nga kasi dahil may sasabihin akong importante. It's a secret," malumanay niyang wika para lumapit na ito sa kaniya makaganti siya sa pang-aasar nito. Ang guwapo kasi ng kaibigan niya pero para itong t*nga dahil uurong tapos susulong ito kaya naman lalo siyang nainis. Pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya ay hinatak niya ito paupo sa sofa at kinurot niya ito sa singit nang malakas at pinong-pino. “What the hell! Baka hindi na ako magkaanak!” reklamo nito. Akala mo naman itlog nito ang kinurot niya. Singit lang naman. Umismid siya rito. “Itlog mo ba ‘yong kinurot ko?” Nag-isip siya kunwari. “Teka, may itlog ka nga ba? O, baka naman puro buhok lang ‘yan?” tanong niya habang nakanguso sa isang bagay na nakatago sa ilalim ng pantalon nito. “Ah, gano’n? Gusto mong ipakita ko sa ’yo na malinis 'tong nasa paligid ng itlog ko? Wala ‘tong kahit isang damo, uy!” At dahil pinatulan na siya ng kaibigan niya ay siya na ang kusang sumuko dahil hindi siya mananalo sa mga usaping itlog at hotdog. Lalo na't may kalandian pa naman itong taglay. “Umuwi ka na, Evo. Maliligo na pala ako tapos matutulog na ako. Kailangan bukas magandang-maganda ako at fresh! Alam mo na, para sa pagsok ko bukas.” Sumenyas pa siya na lumabas na ito. "Lock mo na lang ang pintuan baka kasi pasukin ako sa kuwarto ko." “Sino naman ang magtatangkang pasukin ka? Wala naman makukuha sa 'yo. Lugi pa nga sila sa 'yo dahil bukod sa pangit ka malakas ka ring kumain!" Pasmado talaga ang bibig nito. "Sige na! Maligo ka na! Bukas ihahatid kita sa magiging trabaho mo, Queen,” presinta nito. “Hindi puwede! Baka mamaya may makakita pa sa ’kin na sumakay ako sa magarang sasakyan, eh! Pagdududahan nila ako at baka hindi pa ako matanggap sa trabaho. At kapag wala akong trabaho wala akong suweldo. At kapag wala akong suweldo wala akong pera. At kapag wala akong pera magiging pangit na ako!” mahabang paliwanag niya kay Evo. “Dati ka ng pangit kaya okay lang ‘yan. Wala namang mawawala sa ’yo kasi dati ka ng wala,” natatawa nitong sabi sa kaniya. "Ang dami ng pera mo kaya malabong magutom ka! At saka hindi mo naman hahayaan na magutom 'yang sarili mo dahil sobrang takaw mo! Malamang manghihingi ka sa mga kapitbahay mo kung sakali! Makapal ang mukha mo, e!" Anong akala nito garapal siya? Pangit siya? Sarap din pumatay minsan ng mga taong pasmado ang bibig, e! Umigkas ang mga kilay niya. “Talaga? Pangit ako? Weh? Hindi nga? Patay-gutom ako? Ikaw diyan ang matakaw dahil lagi ka na lang nakikikain dito sa bahay namin.” “Oo nga pangit ka saka matakaw! Ayaw ko lang na sabihin sa ’yo kasi baka masaktan ka!” Buti sana kung totoo ang mga pinagsasabi nito sa kaniya kaya ayos lang na prangkahin siya ni Evo, ang kaso nga puro kasinungalingan lang ang mga lumalabas sa bibig nito. Akala mo talaga totoo, e! Kahit nga ipis napapahinto dahil sa kagandahan niyang parang isang diyosa! Kaya sa sobrang pagkatulala ng ipis inaapakan na niya dahil ayaw ng umalis sa harapan niya. “Why are you smiling?” tanong sa kaniya ni Evo. Lagi na lang ganito 'tong taong na ito. Bigla na lang sumasabat sa tuwing may naiisip siyang maganda. “Bakit masama na bang tumawa ngayon, ha? Masama? Sabihin mo, masama ba?” paulit-ulit niyang tanong. Umiinit kasi talaga ang ulo niya kapag sinabihan siya ng pangit, lalong-lalo na nitong Evo na ‘to! “I need a small apartment, Evo, dahil pansamantala hihiwalay muna ako kay Dad.” Tumango naman ito. Back to serious mode na silang dalawa. “Okay, I will find you one.” “Hanapan mo ako bukas maghapon. Dalhin mo na rin mga gamit ko bukas sa apartment na makikita mo. Dahil do’n na ako tutuloy pagkatapos ng interview ko kay Villaflor.” “Alright, what else?” tanong nito sa seryosong tinig. “‘Yon lang muna, Evo. Tatawagan na lang kita kapag na-bored ako,” aniya saka kumindat rito. “Oh, paano? Kailangan na muna nating maghiwalay. Go home and see you tomorrow! Love you, Itlog,” pagtataboy niya sa kaibigan. Ngumiwi naman ito habang umiiling. Hindi siya nito sinagot. “Ouch! Wala bang I love you too?” panloloko niya pa rito. “Tigilan mo ako! Kilala kita! Hindi mo ‘ko maloloko! Kapag sinabi kong I love you too, ano'ng kasunod? Na magiging tayo? Tapos ano? Mabubuntis mo ako? No! Never! Lugi ako! Guwapo ako tapos ikaw ang pangit-pangit!” Nakatingin lang siya rito habang marami itong sinasabi tungkol sa kaniya. Kung saan ito masaya ay pagbibigyan niya na lang dahil kawawa naman! “Tapos ka na? Umuwi ka na!” nakaismid niyang sabi rito. “Ba-bye pangit! Sana paggising ko bukas gumanda ka naman sa paningin ko!” Pagkasabi noon ay nagtatakbo na ito palabas. Akala siguro nito hahabulin niya. Baliw! Pag-alis ng kaibigan ay tumayo na siya at pumunta sa sariling kuwarto para maligo. May sarili kasi siyang banyo sa loob ng kan'yang kuwarto. Nang matapos siyang maligo. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama at tumingala sa kisame. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya kinabukasan. Hindi siya kinakabahan sa misyon niya kung hindi sa magiging paraan ng paglilinis niya. Kinabukasan maaga siyang gumising. Kailangan niyang maging responsableng manggagawa kaya sisimulan niya iyon ngayong araw. Sumakay siya ng taxi para makarating sa kompanya na pag-aari ni Villaflor. Nang makarating siya sa kompanya nito ang una niyang ginawa ay tumingala at binilang kung ilang palapag ang lilinisan niya at ilang oras ang igugugol niya para malinis ang mga iyon. Bakit naman niya lilinisan ng maayos ‘yon kung puwede naman pahapyaw lang? Para lang masabing naglilinis siya. Kaya lang sayang naman ang ibabayad sa kan'ya kung hindi naman niya gagawin ng maayos ang trabaho niya. This is it! Wala na talagang atrasan! Humugot muna siya ng isang napakalalim na hininga pagkatapos ay marahas niya rin itong ibinuga. Wala pa man siyang ginagawa pero pakiramdam niya pagod na pagod na siya. Pagpasok niya sa loob ng Vnet ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Sino ba naman ang hindi? Sobrang ganda niya, e! Pero magugulat ang mga ito dahil baka bukas o makalawa pagtitinginan siya nito dahil may hawak-hawak na siyang mop o kung ano pa man na akma sa trabaho niya bilang janitress. Akala niyo office staff apply-an niya? It’s a prank! Janitress lang po siya! Ang O.A din naman kasi ng daddy niya, e! Mababantayan din naman niya si Villaflor kahit nasa malayo siya. At saka wala naman kaso ang unggoy na 'to kaya bakit kailangan niyang bantayan? Ang labo talaga! Kung bakit ba naman kasi naisipan nitong pag-apply-in siya bilang janitress. Makakita lang talaga siya ng mga taong panay ang kalat habang naka-duty siya hahampasin niya talaga ito kaagad sa mukha ng walis o 'di kaya'y mop. 'Yong tipong palakad-lakad lang na wala naman talagang nilalakad. Ay naku! Humanda talaga sila! Pipilayan n’ya talaga ang mga ito. Hindi na bale na matanggal siya sa trabaho. At dahil nga magaling ang kaniyang ama kaya inaasahan ng mga ito ang pagdating niya. Kailangan niya pa raw kasing dumaan sa mismong may-ari ng kompanya para sa kaniyang walang kuwentang interview. Akala mo naman sa mataas na posisyon siya mag-a-apply. Puwede naman na HR na lang. Ang daming dama ng may-ari! “Miss Yna? Are you, Miss Yna?” tanong sa kanya ng ginang na nasa mid-forties na yata. “Yes, Madam,” magalang niyang sagot dito. “Welcome to Vnet, Miss Yna,” masayang bati nito sa kaniya na kahit may edad na hindi maikakaila na maganda pa rin ito. Ito siguro ang secretary ng magiging boss niya. “Follow me, Sir Ethan is expecting you,” anito habang nakangiti. Tang*na! Parang kinakabahan na tuloy siya dahil sa sinabi nito. Palinga-linga pa siya sa paligid. Tiningnan niya ang bawat sulok dahil balak niyang maglagay ng hidden camera para kahit naglilinis siya kitang-kita niya kung anong pinaggagawa ni Villaflor sa buhay nito. At siyempre mayroon siyang suot na invisible earpiece at nakakonekta iyon kay Evo na pangit. Si Evo ang magiging mata niya at siya ay taga-sunod lamang. Lahat ng nangyayari ay nakikita nito dahil isa itong halimaw. Magaling talaga si Evo kaya naman pupusta siya na wala pang isang buwan malalaman na nila kung sino ang pumatay sa mga magulang ni Villaflor. Pinatay ba talaga o aksidente lang ang lahat? “Pasok ka na, Miss Yna. Just be yourself, Kayang-kaya mo ‘yan!’’ sabi nito na tila tinutulungan siya para lumakas ang loob niya. "Aalis na ko, bye." Ngumiti pa ito sa kaniya. Para itong takot na takot dahil nagmamadali pa itong umalis. Bakit naman siya kakabahan? Ang ikinakakaba niya ‘yong maglilinis siya araw-araw sa loob ng ilang buwan. Pagpasok niya may isang lalaki na naka-upo sa swivel chair at nakatalikod ito mula sa kanya. Bukod sa lalaking nakatalikod, may isa pang lalaki na nakaupo sa harap ng desk na abala sa pagbubuklat-buklat ng magazine na nakapatong sa ibabaw ng desk na parang naglalaro lang. "Good morning," masayang bati niya sa mga taong naroon at para makuha na rin ang atensiyon ng dalawa na mukhang magkaiba ang mundong ginagalawan. Napatingin sa kaniya ang lalaking nakaupo sa harap ng desk at nginitiaan siya nito ng tipid. Dahan-dahan namang pumihit paharap ang lalaking nakatalikod na nakaupo sa swivel chair. And she saw the most beautiful man in her twenty-two years of existence on earth! Napakurap-kurap pa siya. He looked dangerously handsome and overflowing with s*x appeal! Ang lakas tuloy ng t***k ng puso niya! Kakaiba kasi ang dating ng presensiya nito sa kanyang sistema. "Done eye raping me, Miss?" Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. Parang pamilyar ang lalaki! Ang boses nito parang narinig na niya kaya lang hindi niya matukoy kung saan niya nga ba ito narinig. Ganoon na ba siya katagal na nakatitig dito? 'Done eye raping daw?' Wala pa ngang isang minuto siyang nakatitig sa mukha nito. Suplado! "Magpokus ka nga, Yna! Isipin mo na lang may unggoy sa harapan mo! Huwag kang tumingin sa mga mata n'ya para hindi ka maakit," dikta niya sa sarili. Tumikhim siya nang malakas. "Ow! I'm sorry, Sir! What is it again?" Pinagmasdan siya nito sa loob ng ilang segundo bago ito yumuko at bahagya pang umiling-iling. Mukhang pinagtatawanan siya nito. Pasalamat ang lalaking 'to dahil mukhang itong tao at medyo lamang lang siguro ito kay Evo ng isang paligo. Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib niya kaya naman sinuntok-suntok niya iyon ng mahina dahil pakiramdam niya nawalan siya ng supply ng hangin sa katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD