Episode 5

3534 Words
Huminga siya nang malalim at sinalubong ang titig ng lalaki ng mag-angat ito nang tingin. Iminosyon nito ang isang bakanteng upuan na nasa harapan nito. Sumenyas ito na iabot niya ang hawak n'yang resume kuno. “So, you’re Yna?” tanong nito habang binabasa ang kanyang resume na ginawa ni Evo. “You seem familiar. Have we met before?” Tinitigan nito ang picture niya na nakalagay sa resume niya. "Yes and No." "What do you mean by 'Yes and No?'" usisa nito na ngayon ay nakasandal na sa swivel chair habang titig na titig sa kanya. Bigla tuloy s'yang na-conscious sa hitsura niya. Pasimple niyang inilagay ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga at ngumiti ng malapad. "I am Yna, Yes. But, we haven't met before. Familiar? I don't think so. Ni hindi nga po ako lumalabas ng bahay namin," nakangiting tugon niya sa kaharap. At saka ano naman kung nagkita na sila? E, hindi naman ‘yon ang ipinunta niya rito. Iba yata ang napasukan niya. Sa dami ng tao sa mundo matatandaan niya pa ba 'yon? 'Yan talaga ang mga linyahan ng mga lalaki na pamilyar ang mukha ng isang babae para makapuntos. "How often do you go to the bar?" seryosong tanong nito sa kan'ya habang may hawak itong ballpen na pinapaikot-ikot nito sa mga daliri. Interview tungkol sa trabaho napunta sa bar ang usapan. “Hindi ko pa po na-try na pumunta sa bar.” mabilis niyang sagot. "Hindi nga po ako lumalabas ng bahay namin kaya imposibleng nagkita na po tayo, Sir," sagot niya rito na medyo may kaunting diin pa. Alangan naman kasi na sabihin niya na kagagaling lang niya sa bar kagabi. Baka mamaya isipin pa nito na party girl siya. Nagkibit-balikat ito at mukhang naniwala naman. “Based on your resume nagtrabaho ka nang tatlong taon sa isang sikat na kompanya sa Makati bilang isang janitress. So, why did you leave? Kilalang-kilala ko kasi ang kompanyang pinanggalingan mo. At kilala ko rin ang may-ari no'n.” Para siyang niregaluhan ng bomba sa sobrang gulat dahil sa sinabi nito. Hindi niya na kasi binasa ang hawak-hawak niyang resume kuno dahil may tiwala naman siya kay Evo dahil ito nga ang gumawa no'n. Malaki ang tiwala niya sa gunggong na ‘yon sa pag-aakalang hindi siya ipapahamak! Ang linaw ng sinabi niya na ilagay sa work experience niya na ito ang kauna-unahang kompanya kung saan papasok siya bilang janitress. Na sana bigyan siya ng chance makapagtrabaho sa malaking kompanya nito. Hindi niya sinabing ilagay nito sa resume niya na nagtrabaho na siya bilang janitress dahil baka mag-expect ang mga ito sa kan'ya. Tatlong taon? Baka akalain nito expert na expert s'ya sa paglilinis. “Mamaya ka lang Evo. Mapapanot ka pag-uwi ko!” naiinis niyang wika sa sarili. Lintik lang ang walang ganti! “Opo, nagwork nga po ako sa Makati, the benefits and the salary are good kaya lang medyo nalalayuan na po kasi 'yong asawa ko kaya po nagbaka-sakali po ako na mag-apply dito sa kompanya n'yo. Malaki po ang sinasahod ko sana sa kompanyang 'yon kaya nga lang mahal naman po ang pamasahe. Sampung sakay po kasi ako balikan kaya 'yong sinasahod ko po napupunta rin po sa pamasahe,” dire-diretsong paliwanag niya rito na hindi niya alam kung kumbinsido ba ito sa mga pinagsasabi niya. Habol niya rin ang kanyang hininga ng matapos siyang magsalita. At siyempre bawat sagot niya ay may kalakip na paggalang kahit na nga naiinis siya sa lalaki. Mabuti na lang talaga guwapo ito kaya medyo nababawasan ang nararamdaman niyang inis sa mga binabato nitong tanong sa kan'ya. “Are you sure?” paniniguro nito. "Yes," walang gana niyang sagot. Kaunti na lang talaga aamin na siya na nagsisinungaling lang siya. Hirap palang magpanggap. Lalo na kung 'yong kausap mo non-stop kung magtanong. "So, where are you last night?" usisa nito na labis niyang ipinagtaka. Ano ba'ng trip ng lalaking ‘to? "In my house," aniya kahit nagtataka ay sinagot na lang niya. "Didn't you go to the bar last night for a drink with a guy?" tanong nito. "And kissing some random guy?" dagdag pa nitong tanong na kanina pa hindi maka-move on. Ano siya malandi? Paulit-ulit? Hindi maka-move on? Nakakaasar na sa totoo lang! "As I said earlier, Sir. I didn't go out if It's not important. And going to the bar? Hindi ko pa po 'yon nararanasan." "I saw you last night." deklara nito na akala mo siguradong-sigurado na siya talaga ang nakita nito. "Is that you?" "Aba! Malay ko sa 'yo! Tusukin mo 'yang mata mo dahil kung ano-ano 'yang nakikita mo! Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw naman ang nakakita sa sinasabi mo!" naiinis na bulong ng isipan niya. Malumanay at punong-puno pa rin ng paggalang sa tuwing sasagot siya sa kaharap kahit na nga kaunti na lang mabibigwasan na niya talaga ito. "Probably not, Sir. Pagkatapos ng trabaho ko umuuwi nga po ako kaagad para mag-asikaso sa asawa ko at sa mga anak namin." Para siyang nagpapaliwanag sa isang batang paslit. Umismid ito. "I saw you kissing another guy at the bar last night." Pinasadahan pa siya nito na lalo niyang ikinainis. Ano daw? Teka! Paano nito nalaman na may hinalikan siya? Posible kayang siya 'yong hinalikan n'ya? Saglit siyang nag-isip kung ito nga ba ang lalaking hinalikan niya. Matangos ang ilong ng hinalikan niya kagaya ng kaharap niya ngayon. E, ano naman kung ito nga 'yong lalaking hinalikan niya sa bar? Kiss lang naman ang ginawa n'ya at hindi naman niya pinagsamantalahan. "Silence means yes," deklara nito ng hindi siya kaagad makasagot. Bigla siyang nataranta at bahagya pang napaatras ng bigla itong tumayo. "Gagantihan ba siya nito ng halik dahil sa ginawa niya rito kagabi? Puwede naman kaya lang 'yong wala sanang taong makakakita sa kanila. Hindi naman siya papalag kung saka-sakali," bulong niya sa sarili. Pagtayo nito lumipat ito sa gilid niya. Itinaboy nito ang lalaking nakaupo roon at nagpalit ang dalawa ng puwesto. "Last night there's a girl who's mocking me that I'm not a good kisser. Ah! Hindi pala, hindi raw ako masarap halikan." Ang dami pa naman niyang binato na pang-iinsulto sa taong hinalikan niya kagabi. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Ang lapit na rin kasi ng mukha nito sa kan'ya at mukhang nananadya pa talaga pero siyempre kailangan niya tatagan ang loob at magpanggap na walang alam. "Ha? Naku! Siyempre hindi! Wala! Wala akong hinalikan! Hindi ako 'yon, Sir!" Kapag nahalata nitong kinakabahan siya siguradong magdududa ito. Bakit ba kasi ang ganda ng mga mata nito? Mata pa lang parang mapanganib na. 'Yong puso niya tuloy mukhang apektado na. Bulagin niya kaya ang mga mata nito? Kaya lang sayang naman dahil wala na siyang makikitang guwapo. Tumikhim siya at umupo ng tuwid pero 'yong kamay niya halata ang panginginig nito. "At saka kung may hinalikan man po ako malamang asawa ko po 'yon, Sir. Hindi po ako basta-basta humahalik sa mga taong hindi ko kakilala lalong-lalo na kung hindi ko naman po asawa. Itong mga labi ko lumalapat lang po 'to sa mga labi ng asawa ko. Kaya hindi po talaga ako 'yong tinutukoy n'yo. Malabo po talaga," kumbinsi niya sa lalaking kaharap habang nakangiwi. Hindi niya alam kung ito ba ang kinukumbinsi niya o sarili niya mismo. Nagsalubong ang mga makakapal nitong kilay. Isa na lang talagang tanong hahalikan na niya talaga ito. "Are you sure?" Napakamot siya sa ulo. Pakiramdam niya nagkaroon siya ng maraming kuto! Huminga siya ng malalim. "Kalma lang, Yna! Kalma lang!" paulit-ulit niyang paalala sa sarili. Tumingin siya sa mata nito ng diretso para kunwari totoo ang mga sinasabi niya kahit alam niyang mahirap makipagtitigan sa mga kagaya nito. "Look! Every person accused of any crime is considered innocent until proven guilty," aniya sa lalaking matiim na nakatitig sa kanya kaya ang layo tuloy ng sagot niya. "And last night? I'm with my husband we're talking about our love story during high school days. Kaya malabo talagang ako 'yong tinutukoy mo, Sir. Sobrang labo po talaga!" Guwapo sana kaya lang ang hirap paliwanagan. Hindi maka-gets kaagad! Ang slow niya! Sobra! "Kaunti na lang lilipad na 'tong upuan sa mukha mo kapag nagtanong ka pa!" pagbabanta ng isipan niya. 'Yong isip niya pagod na. 'Yong kaluluwa niya alanganin na dahil sa mga kasinungalingan niya. "Do you have any proof that you're with your husband last night?" Tangna naman talagang buhay 'to, oh! Humirit pa nga! Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Ang layo ng mga tanong. Wala naman kinalaman sa trabahong papasukan niya! Napabuga siya ng hangin at hindi na niya napigilan pa ang nararamdaman niyang inis para rito. “Don't ask me stupid questions, Sir! I'm here in front of you for an interview and not to talk about something else which is not related to the job that I’m applying for.” "You don't tell me what to do. I'm the boss here! Lahat ng tanong ko sagutin mo! And that's an order!" maawtoridad nitong saad sa kan'ya. Oh, e. 'di ikaw na! Wala naman siyang sinasabi na siya ang boss. "Fine! Okay lang po ba na huwag n'yo akong tingnan ng masama? Wala akong pinatay na kamag-anak mo, Sir. Huwag niyo po akong titigan ng ganyan!" pahayag niya sa kaharap. Kanina pa siya naiilang sa titig nito. Ang lalaki kasing kaharap n'ya kung hindi sa mukha niya nakatingin sa dibdib niya. Ang kasama naman nilang lalaki ay mahinang tumatawa kaya napatingin siya rito. Tinuro naman nito ang magazine na parang sinasabi na may nakakatawa sa isang article na nakasulat doon dahilan para matawa ito. Napairap siya sa kawalan at ibinalik na ang tingin sa kaharap. Kung bakit ba naman kasi hindi na lang ito mag-suot ng salamin naiilang talaga siya sa mga titig nito. Ang mga mata nito ay parang nang-aakit. Mukhang mapanganib ang magiging boss niya lalong-lalo na siguro kapag nakasama na niya ito sa kama. Ang laki ng muscles nito. Pumuputok iyon sa suot nitong office suite! Bumaba pa ang tingin niya sa dibdib nito. Parang gusto niya tuloy makipag-one night stand dito... Erase! Erase! Mukhang hindi nito tatantanan ang isang babae pagdating sa kama hanggang sa hindi dumudugo ang hiyas nito damay na pati ang puwet. Tangna! Ano ba naman 'tong mga pumapasok sa isip niya?! Her body was a virgin but her mind was not. "Women are all the same," sabi nito dahilan para makaramdam siya ng hiya. Hindi na lang siya umimik dahil totoo naman na 'women are all the same'. Gano'n talaga magkakapareho ang mga babae pero kung may sinabi ito na masama na ihahambing siya sa ibang babae dahil sa ibang aspeto aba'y hindi siya papayag. Tiningnan niya ulit ang lalaking na kunwa'y busy sa pagbubuklat-buklat ng magazine kanina pa kasi ito tumatawa. He's cute at mukhang mabait din ang isang 'to kumpara sa kausap niya ngayon. Hindi matapos-tapos sa pagbubuklat nito tapos tatawa. Halatang nakikinig lang naman ito sa kanila ng boss niyang may saltik yata sa utak. "Puwede na po ba akong umuwi, Sir?" tanong niya pagkuwan. Kung kanina puro personal matter ang mga itinatanong nito ngayon naman nakatitig na lang sa kanya habang nakahalukipkip. Gusto na niyang umuwi dahil baka mahalikan niya ito nang wala sa oras. “Are you in a hurry?” tanong nito sa kanya na ngayon ay nakataas na ang mga kilay. “Yes! Because I have eight children and they’re waiting for me at home,” pagsisinungaling niya. Baka sakaling huminto na ito sa pagtatanong sa kanya. “Are you serious?” Halos umangat ang puwet nito dahil sa ipinagtapat niya. Gulat na gulat? Narinig niya naman ang malakas na pagtawa ni Evo na rinig na rinig niya dahil sa suot niyang earpiece. “Wala na ba kayong itatanong? Kailan ako magsisimula? Anong mga benefits ko? Kailan ang day off ko?” sunod-sunod niyang tanong dahil wala naman yata itong balak magtanong kung hindi tingnan na lang siya. "Kung wala na po puwede na po ba akong magpaalam, Sir?" Nakatingin lang ito sa kanya habang nakahalukipkip. ‘Yong lalaki naman na kasama nila mukhang aliw na aliw dahil nakangiti ito kahit wala namang nakakatawa. "Sir!” Kumaway siya sa harap ng mukha nito. 'Yong mga titig kasi nito parang tumatagos na sa buo niyang pagkatao. “Alam kong maganda ko, Sir. huwag n'yo naman pong ipahalata masyado. Sabagay naiintindihan ko po kayo.” Sa pagkagulat niya biglang humagalpak ang lalaking kasama nila sa loob ng opisina nito. Bakit ba kasi hindi pa ito lumayas, e! “Do you think you’re beautiful?” suplado nitong tanong sa kanya. “Naman!” “Who told you?” “Marami na! Teka! wala ka bang itatanong sa ‘kin? Like? Tell me something about yourself? Why should I hire you? Why did you apply to this company? Ano ganyan ka na lang? Tititig ka na lang ba talaga sa ‘kin?” Pinangunahan niya na ito dahil mukhang wala naman itong balak magsalita. Para lang siyang nakikipag-usap sa hangin. Napabuga siya ng hangin. “Ano na? Anak ka ng kabayo, oh! Ano, ganito na lang tayo maghapon? Mabuti sana kung babayaran mo ako sa kakatitig mo, e!” “Do you know how to cook?” tanong nito matapos ang ilang segundong katahimikan. Kanina tinanong siya kung pumunta ba siya sa bar tapos napunta sa buhay niya. Ngayon naman kung marunong siyang magluto baka sa susunod ang itatanong nito kung marunong siyang pumatay. Napakurap-kurap siya bago sumagot. “Yes. Of course!” mayabang niyang sagot kahit hindi naman talaga siya masyadong marunong magluto. “How about household chores?” Nagtataka man ay sumagot na lang siya “Yes!” Kahit wala naman talaga siyang alam gaano. Puro na lang 'Oo' para matapos na. “Good! Now you’re hired, woman!” sabi nito habang tumatango-tango pa. Hindi niya maintindihan kung bakit ang layo ng mga tanong nito sa katotohanan. Wala siyang alam sa gawaing bahay. Puro basic lang ang alam niya. Itlog at hotdog nga lang ang alam niyang lutuin, eh. Mayaman sila at maraming katulong sa mansiyon nila na para sa kanya mala-mansiyon lang. Malaki nga pero malungkot. Malaki pero may kulang. Kung bakit kasi wala siyang kapatid man lang. Napakahina ng daddy niya. At dahil marami silang kasama sa bahay alangan naman na makisawsaw pa siya? At saka lagi rin naman kasi siyang wala dahil nga lagi silang nasa misyon ni Evo. Medyo alanganin talaga siya sa household chores na 'yan. Napaisip siya bigla. Anak naman talaga ng tokwa! Oo! “Huwag mong sabihin na gagawin mo akong housemaid mo?” tanong niya habang nanlalaki ang dalawa niyang mata. Kapag nagkamali ito ng sagot ay baka masipa niya ito sa mukha! “You are dismissed, woman!” sa halip ay sagot nito dahilan para mapanganga siya. Hinawakan niya ito sa braso kaya napatitig ito sa kamay niyang nakahawak doon. "Teka! Ano ako all-around sarsa? Na puwede sa lahat? Janitress lang ang kaya ko. Kaya dapat 'yon lang din ang magiging trabaho ko. Ayoko maging housemaid mo dahil wala akong alam sa mga gawaing bahay, Sir," pag-amin niya na may kasamang pagpapaawa. Kung kanina matapang siya ngayon binabawi na niya. "You have eight children plus a husband right? A mother should know how to clean a house, washing clothes, and cook, right?" "Pero kasi hindi tala–" "No, buts! And I hate liar people!" Dahan-dahan siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa braso nito. Karma hits her! Ito na ba ang kapalit ng pagsisinungaling niya kanina? Parang nawalan siya ng lakas para tumayo. Tiningnan niyang muli ang kausap at nakita niyang may sumungaw na ngiti sa mga mapupula nitong labi. Hindi niya alam kung ngiti ba iyon o ngiwi dahil bigla na lang itong sumimangot. "Oh, wait!" pigil nito sa kanya. "Get your resume, I don't need this." Abnormal! “Oh, by the way, You’re hired. So, it means tomorrow morning will be your JO and signing of the contract.” Tumango na lang siya at hindi na nagsalita pa. Anong klaseng kontrata? Na bukod sa janitress siya sa kompanya nito personal alalay pa siya ng sira-ulong 'to? Kinuha niya ito sa ibabaw ng lamesa nito ang walang kuwenta niyang resume at halos lamukusin niya iyon. Daig niya ang hindi pinakain ng isang buwan dahil sa labis na panghihina. Para siyang ginahasa dahil lulugo-lugo siyang humakbang palabas ng opisina nito. “What happened to you, Miss Yna?” nag-aalalang tanong sa kanya ng secretary na naghatid sa kanya sa office ni Villaflor kanina. Lumabas kasi siyang magulo ang buhok niya at hindi makapaglakad ng maayos. Pakiramdam niya mapapanot na siya dahil sa kakasabunot niya sa sariling buhok. “Nanghihina po ako. Ano nga po ulit ang pangalan n’yo? Kanina pa po kasi tayo nag-uusap pero hindi ko pa po kayo kilala. Unfair naman po yata na ako kilala n'yo tapos kayo hindi ko po kilala, 'di ba?” Ngumiti ito sa kanya. “I’m Rosemarie, you can call me, Ate Rosie.” Tumango-tango naman siya. Pansamantala muna siyang umupo sa bakanteng upuan na naroon. “Anong nangyari sa interview mo, Miss Yna?” tanong nito sa kanya habang may inaayos na papeles sa ibabaw ng desk nito. “Yna na lang po, Ate Rosie,” sansala niya rito. Nakakailang kasi ang miss parang tunog kagalang-galang. “Hindi ko po alam, Ate. Wala po akong idea. Tingin ko po baliw ‘yong lalaking nag-interview sa ‘kin, e!” “D-don’t tell me na ginahasa ka ni Sir E-Ethan?” nanlalaki ang mga mata nitong tanong sa kanya. Natawa siya nang malakas. “Paano niyo po nasabi, Ate Rosie? Rapist po ba si Sir Ethan?” “Huh? E, kasi may lumabas na babae no'ng nakaraan tapos sinabing ginahasa raw siya ni Sir pero panay naman ang balik sa opisina ni Sir Ethan.” “Rapist po ba siya?” tanong niya ulit dito sa pabulong na tinig. "Baka po magaling manggahasa kaya binabalik-balikan." Napapantastikuhan itong tumingin sa kanya pero hindi na ito nakasagot pa sa tanong niya dahil tumunog ang telepono na nasa harapan nito. Habang may kausap ito ay sa kanya ito nakatingin. Puro lang naman ‘Yes Sir’ ang sagot ni Ate Rosie sa kausap. Akmang aalis na siya ng sumenyas ito sa kanya. She saw her mouthing the words ‘Wait! Don’t go.’ “Sabi ni Sir Ethan i-tour na daw kita ngayon. Dadalhin na daw kita sa stock room kung saan nakalagay iyong mga gagamitin mo bukas para daw alam mo na kung saan ka didiretso,” imporma nito sa kanya ng maibaba nito ang telepono. Akala niya makakapagpahinga na siya hindi pa pala. Sakit lang talaga sa ulo 'tong pinasukan niya. “Talaga po?” kunwa’y excited na tanong niya. “Start na po ako bukas?” Tumatalon-talon pa siya sa tuwa para kunwari masayang-masaya siya dahil sa wakas natanggap na siya sa trabaho. Alam naman niya kasi na bukas siya magsisimula dahil 'yon ang sinabi ni Ethan bago siya lumabas mula sa opisina nito. Tumango naman ito. At kagaya niya mukhang masaya rin ito para sa kanya. “So, paano? Tara na?” Lulugo-lugo siyang sumunod dito kung puwede nga lang gumapang siya ginawa na niya, e! Sa tuwing lumilingon ito sa kanya ay ipinapakita niya kung gaano siya kasaya. Nariyan ang tumatalon-talon pa siya. Sumisipol. Kinikiskis pa ang mga palad na akala mo nanalo siya sa lotto. Hindi niya alam kong saang floor siya dinala ni Ate Rosie dahil wala doon ang buong atensiyon niya. Itatanong na lang niya ang mga iyon kay Evo dahil alam niyang bawat sulok ng gusali ay alam nito. “Heto na siya, Yna. Dito ka kukuha ng mga gagamitin mo. At kapag wala nang stocks ng mga bleach, solvent, detergent o kahit na ano, sabihin mo lang sa ‘kin, ha?” “Opo!” masigla niyang tugon. Para ipakita rito na tuwang-tuwa siya kunwari. “Halika at ililibot pa kita. Wala pa naman akong gagawin, eh.” “Dito na lang po ako, Ate Rosie. Gusto ko pong masiguro na maayos ‘yong mga gagamitin ko bukas. Iwanan niyo na po ako rito at titingnan ko muna ang mga ito isa-isa. Alam ko naman po kung paano bumaba, e.” Sasakay lang naman siya sa elevator. Nagtataka man ay tumango ito. “Sige, maiwan na kita. Pagkatapos nito puwede ka nang umuwi dahil maaga ka pa bukas.” Ngumiti siya ng malapad. “Opo!” “Galingan mo, ha? Kapag may mga tanong ka huwag kang mahihiyang magtanong sa ‘kin. Ituring mo na lang ako na nanay mo o kaya'y ate.” Tiningnan niya ito sa mata. Siguro kung nabubuhay pa ang mommy niya magka-edad lang siguro ang mga ito. “Good luck, Yna. Maiwan na kita,” paalam nito sa kanya pero parang nagdadalawang-isip ito na iwanan siya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito ng lumingon ito sa kanya at kumaway pa. Kaya naman tinanguan niya ito at nag-thumbs-up pa siya para iparating dito na okay lang siya at huwag itong mag-alala. Nang mawala si Ate Rosie sa paningin niya ay nanghihina siyang napadausdos sa dingding. Pakiramdam niya hinigop nito ang lahat ng lakas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD