Kanina pa sila nag-aagawan ni Evo sa bisikleta dahil pareho silang walang tiwala sa isa't isa. Halos inabot na sila nang isa't kalahating oras dahil sa pag-aagawan ng bisikletang dala-dala nito. Ayaw niya kasing ito na naman ang magmaneho. Ayaw rin naman nito na siya ang magmaneho dahil hindi naman daw siya marunong pero sa huli ito rin naman ang nagparaya. Laglag ang mga balikat nito ng ibigay sa kanya ang bisikleta. "F-fine! Just be careful, okay? I-i don't want to die yet! Marami pa akong pangarap sa buhay! D-do you know how to use a b-bicycle, Queen? You know what? I can handle this! Okay lang na mapagod ako! Don't you worry about me because everything is under control," parang takot na takot nitong sabi sa kanya. Pati yata itlog nito umurong na rin dahil sa sobrang takot. Ano ba

