"We're not yet done! Makakaganti rin ako," mahinang bulong nito na akala mo hindi niya naririnig. "Pasok na tayo, Evo. Tara na! Buksan mo na," nakangiti niyang utos sa kaibigan na akala mo pinagsakluban ito ng langit at lupa. Wala naman kasi sa kan'ya ang susi kundi na kay Evo pa. Napatingin siya sa paligid. Madaling-araw na pero mayroon pa ring mga tao sa labas at nag-uusap ang mga ito. Ilan sa mga ito ay napatingin sa gawi nila ni Evo. "Evo," mahinang tawag niya sa kaibigan. Agad naman siyang nilingon nito. "Yes?" "Bakit dito ka naghanap ng bahay? Mukhang maingay dito at tampulan ng gulo ang lugar na ito, ah. Balak mo ba akong ipahamak?" Tiningnan siya nito na parang hindi ito makapaniwala. "You said, 'Evo, find me an apartment that is near to Vnet where I will be working'

