"Miss Dimaloko!" tawag sa kan'ya ng taong kilalang-kilala n'ya. Walang iba kundi si Ethan. Hindi niya ito nilingon dahil wala siya sa mood makipagtalo ngayon. Pagod na pagod siya sa totoo lang! Halos maghapon kasi siyang nag-pump ng baradong kubeta. Hayop na Villaflor na 'to may pera naman, kung bakit hindi ito tumawag ng pozo n***o-plumbing services. Kahit nasusuka siya panay pa rin ang ngiti n'ya! Hayop na buhay 'to, oh! Tapos ngayon nandito na naman ang hayop na 'to! Utang na loob naman! Sa ngayon ang pinakamasayang yugto ng buhay n'ya ay kapag oras na ng uwian. "Yna!" ulit nitong tawag. Nagkunwari siyang hindi ito naririnig. Uwian na kaya wala na siyang pananagutan pa. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad. Maglalakad na lang siya pauwi tutal malapit lang naman ang apa

