"That woman is a pervert!" naiinis na wika ni Ethan habang nagmamaneho siya pauwi. Imbes na sa condo unit s'ya uuwi ngayon ay napilitan siyang umuwi sa bahay nila baka kasi masundan s'ya ni Yna. Hindi lang siguro mangkukulam ang babaeng 'yon dahil baka may lahi din 'yon na manananggal. Sino ba naman kasi ang hindi magdududa sa pagkatao nito kung mabilis itong kumilos? Lalo na kanina dahil hindi niya namalayan na nasa harapan na niya ito kaagad at sapilitan siyang hinuhubaran kaya nasira tuloy ang butones ng suot n'yang pantalon. Habang nagmamaneho patingin-patingin s'ya sa side mirror ng kanyang sasakyan dahil baka bigla na lang itong lumitaw mula sa kung saan. Isang kamay lang din ang gamit n’ya sa pagmamaneho dahil ang isa ay nakaproteka sa alaga n’ya. Anuman ang mangyari ay kail

