SINASABING ang pagtulog ay para makapagpahinga ang isang tao ngunit paano kung ito rin ang maging daan upang maranasan mo ang isang pangyayaring magbibigay sa iyo ng bangungot habangbuhay? Ako si Marlyn at ito ang aking kwento ng kababalaghan... ANG kwentong ito ay halos isang taon na ang nakakalipas. Meron akong pinsan na nagngangalang Jessica. Parehas kaming eighteen years old that time. Si Jessica ay kilala bilang matatakutin sa aming magpipinsan. Hindi ko alam kung paranoid lang ba siya o sadyang malikot lang ang kanyang imagination. Ako kasi, personally ay hindi naniniwala sa mga multo, aswang at kung anu-ano pang mga bagay na para sa akin ay hindi naman kapani-paniwala. Magkalapit lang ang bahay namin kaya naman madalas ay tumatambay siya sa amin kapag naiiwan siyang mag-isa sa kan

