Kalix’s POV “Pare, ang dami mong binaril kanina, parang ikaw yung bida sa John Wick!” natatawang banat ni Sancho habang ibinubuhos ang beer sa baso niya. “Gago, ang dami rin namang tinamaan ng suntok mo,” balik ni Lucas, nakataas ang kilay, pero halata sa ngiti niya na relaxed na siya ngayong tapos na ang lahat. Nasa paborito naming tambayan bar kami ngayon. Tahimik, pribado, at para lang talaga sa amin. Isang mahabang gabi na naman ang natapos, hindi lang basta gabi, kundi laban. At ngayong natapos na ang gulo, ang natitirang misyon lang namin ay ubusin ang laman ng mga alak sa mesa. “Cheers!” sabay sabay naming sigaw, sabay salpok ng baso. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan silang lahat. Si Sancho, na walang kupas sa pagpapatawa. Si Lucas na seryosong nagtatago pero pa

