Chapter 20 Natasha’s POV Mulat na mulat na ako nang tuluyang sumilip ang liwanag sa labas. Nakaupo ako sa gilid ng kama at nakaupo lang sa may terrace ng kwarto namin. Hindi ako makatulog. Halos buong magdamag ay gising ako at inaalala si Kalix. Kanina pa kumakabog ang dibdib ko. Ang orasan sa dingding ay parang mas lalo pang bumabagal ang pag andar. Hindi ako mapakali. Ilang beses na akong tumayo at uupo naman. Papasok sa kwarto tapos babalil na naman sa terrace para sumilip sa driveway ng Casa, baka sakaling dumating na si Kalix. Pero wala. Wala pa rin kaya mas lalo akong kinakabahan. Hanggang sa may narinig akong mahinang ugong ng sasakyan na pumarada sa labas. Patakbo akong nagtungo sa terrace, halos matalisod pa sa pagmamadali para makasilip lang. Nang makita ko ang isang sasa

