Chapter 19 Kalix’s POV “Putangina, ang bigat pala ng matandang ‘to!” reklamo ni Lucas habang nakakunot ang noo ay l buhat buhat ang kalahati ng katawan ni Alvarez. “Ano ba, baka mabitawan mo. Gusto mo bang madurog ulo niya bago pa tayo makarating?” iritadong saad ni Sancho habang hawak niya ang kabilang braso ng walang malay na Marco Alvarez. Napatawa si Ethan, kahit pawisan na rin sa pagbubuhat. “Kung ako sa inyo, huwag nang mag reklamo. Isipin niyo na lang, free workout ito. Oh, Lucas, baka lumiit pa muscles mo kung puro reklamo.” “Sus! Asa ka namang liliit tong muscles ko eh habang buhay na to no!,” sagot ni Lucas na mas lalong hinigpitan ang kapit sa ex-senador. “Chill ka lang, Ethan. Sanay na kami sa ganto. Hindi ka nakasama nung panahon na halos araw araw kaming may ganito

