Chapter 1

1536 Words
"S-Sorry.. naapakan ko kasi yung dulo ng gown—" "Hindi ko sinabing mag explain ka." Masungit niyang putol sa sinasabi ko. Kinuha niya ang aking kamay at ipinalibot iyon sa braso niya. "Walk, woman. Hindi ka naman siguro statwa diyan." inis niya pang asik kaya napasimangot ako. Ang sama naman ng ugali ng lalaking to! Ma attitude! Tinalo pa ang babaeng may regla! "Ang panget ng ugali mo." Hindi natatakot kong usal habang naglalakad kami sa aisle. Napatigil siya at mukhang di inaasahan ang sinabi ko. "What did you just say?" inis niyang tanong sa akin. Napangisi ako. "Ang sabi ko, ang gwapo mo pero sayang ka. Masama na nga ang ugali, bingi pa. Hayss.." Pang iinis ko pa sa kaniya. Natuwa naman ako ng makita ang inis na pinipigilan niya. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. "Sana pala matanda na lang yung ikinasal sa akin. Mas kaya ko pang pakisamahan yun!" bulong bulong ko pa na alam kong rinig niya. Pero sa loob loob ko ay nagpapasalamat akong hindi siya matanda. Ang sarap sa mata ng mukha niya promise! "The audacity.." gigil niyang sikmat. Napangisi ako ng marinig iyon. "Pikon." natutuwa kong bulong bago kami tumigil sa harapan ng pari. Napalunok ako habang nakatingin sa altar. Lord, sorry talaga. Kailangan ko lang ng pera kaya ko to ginagawa huhu. Mahal mo pa naman ako lord diba? Iyon ang pumapasok sa isipan ko habang nagsasalita ang pari. "We gather here today to witness the union of these two people infront of us. The union of Kalix Antonio Vasquez and Natasha Gomez." pahayag ng pari. Nakagat ko ang ibabang labi ng marinig ang pangalan ng mapapangasawa ko. Jusko lord! Sinong nagpangalan sa kaniya? Ayos na sana yung Kalix eh, dinugtungan pa ng antonio HAHAH Gustong gusto kong humalakhak pero pinigilan ko talaga iyon. Napatingala ako nang maramdaman ang mahinang pagsiko niya sa akin. "Ilabas mo yan. Para kang natatae diyan." masungit niyang asik. Napayuko ako dahil talagang hindi ko na napigilan ang pagtawa. s**t naman! Sunod sa daloy ng mga pangyayari lang ako. Ni hindi ko nga alam kung saang banda na ng seremonya eh. Napansin ko lang kung saang banda na kami ng inilapit na ng pari sa akin ang mic para sa wedding vow ko. Matamis akong ngumiti at tinitigan sa mata ang mapapangasawa ko. "I, Natasha Gomez vows to support you, to believe in you and to never stop choosing you— in good days and hard ones. I vow to love you with patience, kindness and with all of me. From this day forward, I am yours— completely and forever." madamdamin kong usal habang nakangiti. Scripted iyon dahil memorize ko na talaga ang vow na yun bago ako magpunta sa islang ito. Pero kahit na scripted ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pait. Dapat sinasabi ko ito sa lalaking mahal ko eh. Lord, tama ba talaga tong desisyon ko sa buhay? Argh! Bahala na nga! Napabalik lang ako sa wisyo ng makarinig ng tikhim sa microphone. It's his turn na pala na sabihin ang vow niya. Napalunok ako ng tumitig siya sa akin ng sobra. Tila ba binabasa niya ang iniisip ko habang hawak ang microphone. "I, Kalix Antonio Vergara vows to give you my heart completely. I promise to love you without conditions, to respect you and stand beside you in every season of life. I vow to support your dreams, celebrate your victories and hold your hand through every challenge. From this day forward, I am yours— completely and forever." Napangiti ako ng matapos ang pagsasalita niya at mailagay niya na ang singsing sa aking kamay. Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng bigla niyang halikan ang likod ng palad ko kung nasaan ang singsing. "One rule, woman." pasimple niyang bulong sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?" mataray kong tanong. Ngumisi siya. "Don't fall in love with me. I am just doing this for abuela. I'm inlove with someone else." wika niya pa. Umikot ang mga mata ko sa narinig. "Deal." mabilis at walang ka abog abog kong tugon. Halatang nagulat siya pero agad ding nawala iyon ng magsalita ang pari. "By the power vested on me, I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride." Nakarinig ako ng palakpakan pagkatapos nun. Hindi naman masigabo dahil kaunting tao lang naman ang nandito. Dahan dahang itinaas ni Kalix ang veil ko. May ngisi sa labi niya at nakakainis iyon dahil para siyang tanga. "Swerte mo ah." sikmat ko pa. Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "Mas maswerte ka. Alam mo ba kung gaano karaming babae ang gustong matikman ang labi ko?" mayabang niyang bulong habang dahan dahang inilalapit ang mukha niya. "Alam mo din ba kung gaano karaming lalaki ang gustong matikman ang labi ko?" mayabang ko ding asik. Unti unting nabura ang ngisi sa labi niya at huminto pa sa paglapit. Kainis! Pinapatagal pa talaga to! Dahil gusto ko ng matapos ang seremonyang ito ay hinila ko ang batok niya at ako na mismo ang humalik sa kaniya. Mabilis na halik lamang iyon. Smack at kaunting dila sa malambot niyang labi. "Ang bagal mo eh. Bakla ka ba?" nang aasar kong asik ng matapos ang halik. Bahagyang umawang ang labi niya sa gulat. Nakangiti akong humarap sa bisita naming nagpalakpakan. Nangunguna doon si donya Clarita. Nagulat na lamang ako ng may humawak sa bewang ko at mabilis akong inikot. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang malambot na labi ng asawa ko 'kuno' sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko at kusang kumabog ng husto ang aking dibdib. Pakshet. Humawak ako sa dibdib niya para sana itulak siya pero mahina akong dumaing nang kinagat niya ang ibabang labi ko at mabilis na ipinasok ang dila sa loob ng aking bibig. "Oh my gosh!" rinig kong bulalas ni donya Clarita. Habol ko ang hininga nang bumitaw siya sa akin. Agad na pumaskil ang ngisi sa labi niya ng makita ang reaksiyon ko. Hayup! Ang gwapo niya talaga lord! Hindi ako nagpatalo at ngumisi na din. "Ang sarap siguro ng labi ko kaya ka nabitin sa unang halik no?" nakangisi kong usal bago naunang bumaba sa altar at nilapitan si donya Clarita na may malapad na ngiti sa labi. Mabilis namang nakasunod ang ASAWA ko at tumabi agad sa akin. Hindi pa nakuntento at humawak pa talaga sa bewang ko! "Congratulations mga apo! Bagay na bagay kayong dalawa talaga! It makes me think that I'm a great match maker!" tuwang tuwang bulalas ng donya. "Thank you, abuela." sabay naming sagot ni Kalix. Lumapit din sa amin ang ibang bisita na nandoon sa simbahan. Nagulat ako ng malamang mayor pala iyon ng lungsod na ito. Kasama niya ang asawa niyang maganda! Bigla tuloy akong nahiya ng maisip na natumba ako kanina. Napapabusangot na ako dahil sobrang tagal matapos ng pag pipicture! Ilang litrato ba ang dapat kunin?? Nagugutom na ako! Tanghali na din kasi tapos wala pang matinong umagahan kanina! "Fix your face. Wag ka ngang bumusangot diyan. Baka sabihin ni mayor na napilitan ka sa kasalang ito." pabulong na asik ng ASAWA ko. "Hmp! Napilitan naman talaga." sobrang hina kong bulong. "Tsk. Ang dami mong arte. Alam kong matagal ka ng may gusto sa akin." sikmat niya naman. Napangiwi ako sa narinig at gulat na napatingin sa kaniya. "Anong matagal na. Hindi nga kita kila—" Napatigil ako sa pagsasalita ng mapansing nadadala ako at nakakalimutan kong nagpapanggap ako dito. "Whatever." maarte ko nalang na saad. "Alright! Tara na sa bahay at alam kong nagugutom na kayong lahat." nakangiting bulalas ni abuela kaya sumilay ang malapad na ngiti sa labi ko. "So true, abuela!" walang hiya kong sang ayon. Nawawala talaga ang hiya ko kapag pagkain na eh. Sasabay sana ako sa paglalakad kay abuela pero bigla akong hinila ng asawa ko kaya masama ko siyang tiningnan. "What the hell are you doing? Sasabay ka dapat sa akin." inis at stressed niyang bulong. Umikot lang ang mga mata ko at sumabay na sa kaniya palabas ng simbahan. "Paki hawak naman ng damit ko oh. Ang bigat kasi." reklamo ko sa kaniya. Kunot noo niya akong tiningnan at napabuntong hininga pa bago sinunod ang sinabi ko na labag sa loob. Pagkalabas ng simbahan ay nakita ko ang karuwaheng sinakyan ko kanina kaya agad akong lumapit doon kahit mabigat ang suot. "Hindi tayo diyan sasakay." mabilis niyang asik kaya ngumuso ako. "Dito ako sasakay." pagmamatigas ko pa at mabilis na umakyat pasakay sa karuwahe. Hinila ko ang damit at pinagbuhol buhol iyon para kumasya sa loob. "Damn it! Woman!" inis niyang singhal. "Sakay na, ASAWA KO. Ang arte mo!" pang aasar ko pa. Narinig ko ang mahinang tawa ni manong driver ng karuwahe. Napalingon ako ng may dumating na kotse sa likod ko. Napanganga ako dahil sa kintab niyon. Mukhang iyon ang kotse niya. Mabilis akong bumaling kay manong. "Kuya, let's go." excited kong pahayag. Nagdadalawang isip pa si kuya pero umayos din naman siya ng upo at papatalbuhin na sana ang kabayo pero biglang pumasok sa loob si Kalix kaya napangisi ako. "Yann. Sasakay ka din naman pala nag iinarte kapa." matagumpay kong sikmat habang nakatingin sa hindi madrawing niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD