"Okay ka lang ba diyan? Para ka namang matatae!" natatawa kong tanong sa asawa ng makita ang hitsura niya habang umaandar na ang karuwahe.
"Damn it! Bakit pa baa ko sumakay dito!" inis niya pang Singhal at madiing ipinikit ang mga mata. Napahalakhak ako dahil sa sinabi niya.
"Ngayon ka lang ba nakasakay sa ganito? Sabi sa akin kanina ni manong ikaw ang nag request na ito yung sakyan ko eh." Nakangisi kong pahayag. Inirapan niya lang ako kaya mas natawa ako.
"Manong, pakibilisan po please. Nagugutom na ako eh." Kunwari ay reklamo ko pa. Sinunod naman ni manong ang sinabi ko at bahagya pang pinalo ang kabayo kaya mas bumilis ang pag andar ng karuwahe.
"f**k it! Mang Adoy wag niyong bilisan nahihilo ako!" bulalas pa ni Kalix. Sinilip ko ang mukha niya at nanlaki ang mga mata ko ng makitang namumutla siya!
"Takot ka ba sa ganito?"Kyuryoso kong tanong. Hindi niya ako pinansin kaya hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan siya.
"Namumutla ka. De bale malapit naman na tayo oh." Sambit ko pa. Wala akong maramdamang pag aalala sa kaniya. Mas natatawa pa nga ako eh sa hitsura niya.
Ano ka ngayon? Nasaan ang sungit niya?
"Let go." Mahina niyang pahayag pero ngumisi lang ako at kinurot ang pisngi niya.
"ouch! Damn it, woman!" Inis niyang daing at hinawakan ang kamay ko bago iyon inilayo sa mukha niya.
"Ang kinis Talaga ng mukha mo no? Para kang koreano! Parang si Jungkook eh! Pero syempre mas gwapo si Jungkook kesa sayo hehe." Sambit ko pa. Unti unting tumigil ang karuwahe kaya napatingin ako sa labas at napangiti ng matanaw ang mansion nila.
"Oh, nandito na tayo!" Natutuwa kong pahayag. Pero napatigil ng hindi gumagalaw sa pwesto ang asawa ko. Nakatitig lang siya sa akin.
Kinabahan ako lalo na ng kumunot ang noo niya habang titig na titig sa mukha ko. Baka kasi mamukhaan niyang hindi pala ako ang totoong Natasha.
"B-Bakit?" Nauutal kong tanong sa kaniya.
"Who the f**k is that Jungkook?" Inis niyang tanong. Umawang ang labi ko.
"Ahh! Hehe.. Akala ko kung ano na. Basta! Gwapo siya at sobrang hot. Hindi mo siya kilala!" Sagot ko naman at nginuso ang mansion nila.
"Labas na Kalix, kanina pa ako nagugutom eh!" Sikmat ko na naman at bahagya siyang itinulak.
"I wanna see that Jungkook kung talagang mas gwapo nga kesa sa akin. Tsk." Masungit niyang asik bago agad na bumaba sa karuwahe at iniwan ako!
"Hoy!" sigaw ko sa kaniya kaya napalingon siya.
"Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga bisita mo kapag nakita ako nilang nahihirapang maglakad aber?" Sikmat ko pa kaya mabilis siyang bumalik at tinulungan akong makababa.
"Sino ba kasing nagsabi sayong magsuot ng ganito ka bigat na dress—"
"Nanay mo!" Mabilis kong sagot sa tanong niya. Natahimik siya at napabuntonghininga na lamang. Nang maka apak ako sa lupa ay muntik na namang mitumba dahil sa gown.
"Pakshet!" Wala sa sarili kong bulalas. Mabilis kong tinakpan ang bunganga ko dahil kanal humor iyon.
"I didn't know that alam mop ala ang mga ganoong salita." He said. Napalunok ako.
"Uhm narinig ko lang iyon no!" pagpapalusot ko agad.
"Ang bagal mong maglakad." Asik niya at napatili ako ng bigla niya na lamang binuhat na pang bagong kasal talaga.
"Hoy! Oh my god!" bulalas ko pa at mahigpit na lang na napakapit sa kaniyang leeg dahil baka mahulog pa ako at lumagapak pa sa lupa. Ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi ng maamoy ko ang mabango niyang amoy.
Oh my god talaga! Ang gwapo ng amoy niya. Siguro kahit di ko siya makita, maamoy ko lang siya makakapagsabi na akong sobrang gwapo niya talaga.
"Oh wow! How sweet!" mabilis akong napatingin sa harap ng marinig ang boses na iyon ni senyora. Pumapalakpak pa siya habang pinapanuod kaming papasok sa bahay.
"Don't blush. Hindi bagay sayo." masungit na bulong niya sa akin kaya napasimangot ako agad.
"Eto naman panira ng delulu moments! Ini imagine ko lang na ikaw yung crush ko eh!" pabulong kong sikmat.
"Diretso na muna kayo sa room para makapagpalit ng damit itong si Natasha. I bet she's tired because of that." pahayag pa ni senyora.
"Thank you so much, abuela." Mahina kong pahayag. Makahulugan siyang ngumiti sa amin.
"Always welcome, dear. Sige na. Don't mind the visitors okay? Kahit magtagal pa kayo sa kwarto niyo ayos lang." dagdag niya pa kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Tsk. Stop that, abuela. You're making her uncomfortable." biglang saad ni Kalix bago naglakad paakyat sa hagdan at dinala ako sa kwarto.
"Hoyyy!" malakas akong napasigaw ng inihagis niya lang ako sa kama pagkapasok namin sa kwarto.
"Arghh ang bigat mo!" bigla niyang reklamo at nag inat inat pa talaga.
"Kapal naman ng gwapo mong mukha! Ang liit ko nga eh!" inis kong asik at sinubukang bumangon sa kama.
"Maliit ka nga, mabigat naman." tugon niya naman. Nagtagis ang bagang ko. Ayaw ko talagang sinasabihan ako ng ganon.
Insecurity ko ang katawan ko dahil alam kong hindi ako masyadong sexy. Medyo chubby kasi ako pero 5'2 naman ang height ko.
Inis kong itinapon sa kaniya ang unan. Nagulat siya sa ginawa ko at kumunot pa ang noo.
"Lumabas kana nga letse ka!" singhal kobat muling nagtapon ng unan sa kaniya.
"What the—" usal niya pa pero mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng mahawakan ko ang alam clock na nasa side table. Napabuga ako ng malalim na hininga bago umalis sa kama at agad na napakamot sa ulo ng mapagtanto kong hindi ko maabot ang zipper ng gown sa likod ko.
"KALIX!" malakas kong sigaw. Agad namang bumukas ang pinto at sumilip siya doon.
"Pabukas nga dali!" utos ko sa kaniya. Labag sa loob siyang pumasok sa kwarto at lumapit sa akin.
"Damn. Walang nakakapag utos sa akin ng ganoong boses, babae." usal niya pa na ikinairap ko.
"Share mo lang?" pabalang kong sagot. Bahagya akong napaigtad ng maramdaman ang kamay niya sa aking likod. Agad niya namang hinila pabukas ang zipper ng gown at mabilis akong humarap sa kaniya ng maramdaman kong lumuwag na ang gown sa katawan ko.
"Labas na." utos ko naman.
"Wow. Wala man lang thank you?" mangha niyang pahayag.
"Thank you!" inis kong asik bago siya itinulak palabas at isinarado ang pinto ng kwarto.