Red’s POV “Sweetheart, stop staring at me like that.” biglang pahayag ni Kalix kaya napabalik ako sa huwisyo. Nakatulala na pala ako habang nakatitig sa gwapong mukha niya. “Bawal ka bang titigan ng ganun?” taas kilay kong tanong. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinaplos iyon ng marahan. “Pwedeng pwede, sweetheart but.. it makes me want to kiss you kapag tinititigan mo ako ng ganun. Ayos lang din bang halikan kita bigla?” nakangiti niyang sagot. “Sus! Para paraan ka din eh.” asik ko sabay irap at sinubukang tumayo. Mabilis niya akong inalalalayan para bumangon mula sa picnic blanket. Kanina pa kami kumakain ng mga prutas at kung anu-anong niluto niya, pero mas higit kong kinagigiliwan ang mga biro at kabaliwan niya. At ngayon, ramdam ko na ang paglubog ng araw. Pagling

