Red’s POV Nakapikit akong umungot at napasinghap nang maramdaman ko ang init ng araw na tumatama sa mukha ko. Ang lamig ng aircon sa kwarto pero ramdam ko pa rin ang sikat ng araw na pilit na pumapasok sa kurtina. Pagmulat ko ng mga mata, bumungad agad sa akin ang gwapong mukha ni Kalix. Nakaharap siya, nakapikit at mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Parang ayaw akong pakawalan kahit na tulog siya. Napangiti ako. Diyos ko! Paano ba ako hindi mahuhulog lalo sa lalaking ‘to? Kahit sinong babae kikiligin kapag nakita siya eh. Plus, ngayong unti unti ko siyang nakikilala eh mas lalong nakakabighani siya. Bagama’t may pagkamasungit, sweet din siya at mabait. Lord, tulungan niyo naman ako dito oh.. after two months kakayanin ko bang iwan to at saktan?? Maya-maya lang ay

