Tahimik ang kwarto, pero hindi katahimikang nakakapagbigay ng ginhawa. Isa itong katahimikan na parang naghuhudyat ng bagyo. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Mama, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa malamig niyang kamay. Ang oxygen mask ay mahinang bumubuga, tunog na siyang naging musika ng takot ko buong oras na iyon. Bawat ikot ng makina, bawat pagpitik ng linya sa monitor, pakiramdam ko ay tinatadtad ang dibdib ko ng libo libong karayom. Hindi ako makahinga ng maayos. Tumingin ako sa kanya. Maputla ang balat niya, mahina ang bawat paghinga, pero ramdam kong lumalaban pa rin siya. Kung ako ang tatanungin, gusto kong ilipat sa akin lahat ng sakit niya. Huwag lang siya. Kung pwede lang eh. “Mama…” mahina kong bulong, pinisil ang kamay niya. “Kapit lang, please. Hindi ka pwedeng sumuk

