Chapter 4

1637 Words
Inis kong winaksi ang kamay niya kaya bigla siyang napatigil sa paglalakad. Nilagpasan ko siya at dumiretso ako sa table na nakahanda para sa amin. "Dito ka, Nat! Ayos lang bang tawagin kang Nat?" pahayag ni Mara sa akin sabay tapik sa bakanteng upuan na katabi niya. Napangiti ako at tumango bago umupo sa tinapik niyang upuan. "Ayos ka lang ba? Mukhang inis ka kay Kalix ah." Pabulong namang tanong ni Aza sa akin. "Ayos lang naman ako." sagot ko naman kaya hindi na sila nagtanong pa. Naramdaman ko ang pagtabi ni Kalix sa akin pero hindi ko siya nilingon at nagkunwaring busy sa pagkuha ng pagkain. Nagugutom na din talaga ako eh. "Mara, paabot naman please." pakiusap ko kay Mara sabay turo sa chicken curry na malapit sa kaniya pero bigla iyong kinuha ni Kalix kaya mas lalo akong nainis sa kaniya. Kaunti na lang masasapok ko na ang lalaking to. Pero nagulat ako ng nilagyan niya ng ulam ang plato ko. "Dagdagan ko pa ba?" marahan ang boses niyang tanong kaya tumaas ang kilay ko. "Okay na yan." saad ko at kumuha pa ng ilang ulam. Hindi pa ako nakakakain ng biglang magsalita iyong Sancho. "Gago ang sarap naman nito! Kalix, sinong nagluto nito para ma hire ko." sikmat nito sabay subo ulit. "Patay gutom ka talaga, Sancho." biglang komento ni Mara na ikinagulat ko. Wow. Walang filter ang bunganga ni Mara. Parang nakikita ko ang sarili kong ugali sa kaniya. Magkakasundo kami nito eh. "Mag iinom ba tayo?" napalingon ako kay Sancho ng magsalita na naman siya. Parang gusto ko ang sinabi niya. Kaso wala naman akong ka close talaga dito. "Umiinom ka ba, Nat?" tanong ni Aza sa akin kaya mahina akong tumango. Kunwari mahinhin. "Ay di kami pwedeng magpagabi dito. Hirap pa namang suyuin ang anak kong si Blaire." wika naman ni Mara. "May anak din naman ako, pero nandun kasi kila mommy ayaw ibigay sa amin kaya nakapunta kami dito ni Lucas." natatawa pang pahayag ni Aza. "Mag stay na muna tayo dito. Walang kakilala si Nat eh. I'm sure kapag nakauwi tayo, aakyat to sa kwarto niya." pamimilit pa ni Aza kay Mara. Ngumuso si Mara at nilingon ang asawa niya. Napangiti ako dahil sobrang attentive ni Logan sa kaniya. "Gov, pinipilit ako ni Aza. Wag daw muna tayong umuwi agad." saad niya sa asawa. Nagtaka tuloy ako dahil Gov ang tawag niya. Gobernador ba ito? "Wag kang mag iinom. Ayaw ko sa amoy alak na babae." Napaigtad ako ng bumulong si Kalix malapit sa aking tenga. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Desisyon ka? Nanay ko nga di ako napipigilan sa mga ginagawa ko sa buhay eh." asik ko. Kumunot ang noo niya. "Asawa mo ako, Natasha." madiin niyang pahayag kaya mahina akong natawa at inirapan siya. Ayaw mo pala ng babaeng amoy alak ah. Pwes, mag aamoy alak ako sa araw na to! Napangisi ako sa naisip. Edi kapag amoy alak ako, hindi siya tatabi sa akin mamayang gabi, walang mangyayari sa aming milagro, makakaligtas ako! "Do you want to stay, wife?" rinig kong marahang tanong ni Logan sa asawa. Napatingin si Mara sa akin bago tumango. "Okay. We'll stay. I'll call mom para sabihing gagabihin tayo sa pag uwi." mabilis na saad ni Logan kaya napangiti kaming tatlo. Pagkatapos ng lunch namin ay naglakad lakad kaming tatlo sa dalampasigan. Hindi naman na masyadong mainit pero sumisilong silong padin kami sa mga lilim ng puno. "Salamat sa inyong dalawa. Alam niyo naman sigurong, arrange marriage lang to." pahayag ko sa kanila. "Well, ang alam namin ay may gusto ka kay Kalix. Gusto kitang balaan, Nat. Bilang kaibigan na din, babaero yang si Kalix." diretsong saad ni Mara. "Oh yes, true. Silang dalawa ni Sancho." sang ayon naman ni Aza. Hindi ako kumurap dahil wala naman akong pake kahit gabi gabi pa siyang mambabae. Mas pabor nga iyon sa akin dahil gabi gabi din akong hindi najujugjug. Kasama kasi sa kontrata namin ng totoonh Natasha ang pagpapa iyot sa asawa. "Saan niyo nakuha ang balitang gusto ko ang Kalix na yun? Jusko, kahit gwapo siya hindi ako magkakagusto dun! Ang panget ng ugali!" asik ko at nalukot pa ang mukha. "Wehh? Wag kang magsasalita ng tapos, Nat! Naku, tayong mga babae pa naman mabilis lang tayo mahulog lalo na kapag palagi nating kasama ang isang lalaki." sikmat pa ni Mara. Naupo kami sa nakahilig na puno ng niyog. Napatingin ako kay Aza na mataman akong tinitingnan. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at napabuntong hininga. "Nakausap at nakasama ko na si Natasha dati sa isang event. Matagal na pero.." Bigla niyang pahayag kaya kinabahan ako ng sobra. "Ha? Anong ibig mong sabihin, Aza?" tanong naman ni Mara. Napaayos ako ng upo at napaiwas ng tingin. "H-Hindi ko maalala, Aza. Baka kasi matagal na kaya—" "No. I can still clearly remember how she talks. Kanina ko pa napapansin eh. Maarte si Natasha. Ni ayaw nga nun ng nasisinagan siya ng araw. She's a Guerero, mayamang pamilya kaya understandable na maarte at maldita siya. Umamin ka na, girl. Hindi ka naman namin ijujudge eh." pahayag pa ni Aza. Napakagat labi ako at napayuko. Isang araw palanh ako dito, may nakaka alam na agad ng totong pakay ko. "And I'm sure as hell you're not 25. Maybe 22? Or 23?" dagdag pa ni Aza. Napapikit ako. Mukhang mababait naman sila.. Dapat ba akong magtiwala? "Aza, hindi kita maintindihan—" "Kapag di ka umamin magagalit kami sayo, sige." seryosong sikmat ni Mara kaya napatigil ako at napabuntong hininga. "Kailangan ko lang naman kasi ng pera. Hindi ko naman gustong manloko ng tao eh." mahina kong usal. "So, what's your real name?" Tanong ni Aza. Pagtingin ko sa kaniya ay nakangiti na siya. "Red." simple kong sagot. "Red as in kulay Pula?" tanong ni Mara na tinanguan ko. "Red Alexandria." saad ko sa pangalan ko. "Wow. Ang gandang pangalan." manghang komento ni Aza at inakbayan pa ako. "So ilang taon ka na?" tanong na naman ni Mara. Sasagot na sana ako pero hindi natuloy dahil nakita ko si Kalix sa hindi kalayuan at may nakasunod sa kaniyang babae. Kahit nakatalikod siya ay kilala ko parin siya. Sinundan nina Aza at Mara ang tinitingnan ko. "Is that Kalix?" tanong nilang dalawa ng sabay. "Yan ba yung babaeng mahal niya? Kilala niyo?" tanong ko. Naningkit ang mga mata nila. "Babaeng mahal? Ang daming babae ni Kalix eh, imposibleng may mahal yan!" sikmat naman ni Mara. "For sure isa yan sa mga naka fling niya." wika naman ni Aza. "Maki chismis tayo?" nakangisi kong anyaya. "Huh? Are you sure?" gulat na tanong ni Aza pero nauna na akong naglakad papalapit sa pwesto nila Kalix. Paglingon ko ay nakasunod pala sila sa akin kaya natawa ako at mabilis na nagtago sa mayabong na tanim na malapit sa kanila. "s**t. Ang kati dito, Nat." reklamo ni Aza. Mabilis ko siyang sinenyasang manahimik. "But Kalix.. how about me? How about us?" Rinig naming pabebeng usal ng babae. Infairness maganda siya ha. May taste pala itong Kalix na to. "There's no us, Paula." Napanganga ako ng marinig ang sinabing iyon ni Kalix. Walanghiya. Ang sakit nun ah kung ako si Paula. "But.. I thought we were something and you even praise me that night!" sikmat pa ng babae. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sa kaniya. "And so? Hindi ibig sabihin nun may tayo na. Mas mabuti pang umuwi ka na. At wag na wag kang mag eeskandalo dito. I'm married kaya tigilan mo na ako." matigas na sambit ni Kalix bago namin narinig ang lagapak ng pag sampal ng babae sa kaniya. Napabaling siya sa kaliwa dahil sa lakas niyon bago siya iniwan ng babae. "Deserve." bulong kong asik at mabilis na itinago ang ulo ng bumaling siya sa banda namin. "Nakita yata tayo." biglang bulong ni Mara. "Ha? Sure ba?" pabulong namang tanong ni Aza. Sisilip na sana ako ulit pero may dalawang sapatos na tumigil sa harapan ko. Mabilis kaming tumayo ng makitang si Kalix iyon at masungit pa ang awra nito! "Anong ginagawa niyo diyan?" strikto ang boses nitong saad kaya napalunok ako. "Oh, nandun lang sila oh." rinig naming boses ni Sancho sabay turo sa amin. Mukhang hinahanap ng mga asawa nila ang dalawa kong kasama. "Ha? Ah ano. May hinahanap lang kami. Yung singsing ko! Hehe nahulog kasi kanina kaya—" pagpapalusot ko pa. Lumapit sina Lucas, Logan at Sancho sa amin kaya agad na lumapit sina Aza at Mara sa mga asawa nila. "Nauuhaw ako. Nat, inom lang ako ng tubig ha?" palusot ni Mara sabay hila sa asawa niya. "Iihi lang ako saglit, Nat. Kanina pa ako naiihi." palusot naman ni Aza sabay hila kay Lucas at Sancho kaya naiwan kaming dalawa ni Kalix. "You're a terrible liar, Natasha." asik niya kaya napayuko ako at napaikot ang mga mata. Lalampasan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Ano na naman?" asik ko. Mahina siyang natawa. "Wow. Ikaw pa ang may ganang mainis?" mangha niyang tanong. "Ano bang kailangan mo, Antonio?" tanong ko sabay ngisi dahil natatawa ako sa pangalan niya. Pero agad na nawala ang ngisi ko dahil biglang dumilim ang ekspresyon niya at nagtagis ang bagang. Madiin niyang hinawakan ang braso ko kaya napangiwi ako sa sakit. "Don't f*****g call me that." Madiin at galit niyang asik. Napapikit ako dahil sa sakit ng hawak niya. Parang maiiyak na ako. Kinagat ko na lamang ang ibabang labi at nakahinga ng maluwag ng padaskol niya iyong bitawan at nag walk out. Agad kong ininda ang sakit sa braso. Napatingin ako doon at nakitang namumula iyon at bumakat agad ang kamay niya. Bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili. Nakakatakot siya. Napahawak ako sa dibdib at napaupo na lamang sa buhangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD