Chapter 5

1539 Words
KALIX's POV "Are you okay, apo?" Napalingon ako ng marinig ang pagtatanong ni abuela. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. "Abuela, dapat nagpapahinga na kayo ngayon." saad ko imbes na sagutin siya. "Nagpapahinga naman talaga ako, nagpunta lang dito sa kusina para uminom ng tubig." sagot niya naman sabay hawak sa balikat ko. "You looked tensed up, hijo. Anong nangyari? Nasaan si Natasha? Nag away ba kayo?" Sunod sunod niyang tanong. Kinuha ko siya ng tubig at agad niya naman iyong tinanggap. "Nasa labas po siya, abuela. Don't worry about it." simple kong sagot sabay halik sa pinsgi niya. Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. "I know you don't like this idea, apo. Pero gusto ko lang masiguradong maayos ka bago ako mawala sa mundong to. I'm so sorry, apo." malumanay niyang pahayag. I held her hands too. "I know, abuela. Stop worrying. I love you." malambing kong usal at dahan dahan siyang niyakap. My grandmother is sick. Hindi ko kayang hindi siya pagbigyan sa gusto niya. Bata pa lang ako ng mawalan ako ng magulang dahil sa isang aksidente at si abuela at abuelo ang tanging nandiyan para sa akin. Maliit na bagay lang ito na gagawin ko para sa ikakasaya niya kumapra sa ginawa nila ni abuelo para sa akin. And besides, I don't have a girlfriend kaya wala akong sabit. Ang problema ko na lang talaga ay ang babaeng iyon. Abuela said she's from a prominent family pero bakit parang ugaling kalye siya? Tsk. She's pretty, inaamin ko iyon pero nakakainis kasi yung bibig niya. She's not the kind of woman I expect to marry! Naudlot lang ang moment namin ni abuela ng dumating si Mayla, ang pinagkakatiwalaan kong bantay kay lola. "Ah sir, nandito po pala kayo. Senyora, tayo na po sa kwarto niyo, ready na po ang mga gamit niyo." saad naman ni Mayla kaya tumango ako. "Salamat, Mayla." saad ko bago sila umalis ni abuela. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ulit ng bahay at harapin ang mga kaibigan ko. Nagsiuwian na ang mga bisita ni abuela kaya ang mga kaibigan ko na lamang ang naiwan . Kumunot ang noo ko ng hindi ko makita si Natasha na kasama nila Mara. Dahan dahan akong lumapit at tinanong sila kung nasaan ang magaling kong asawa. "Huh? Eh diba kayo yung huling nag usap kanina?" sagot naman ni Mara. I looked at Aza at nagkibit balikat lang siya. "Natasha is a good woman, Kalix." biglang pahayag ni Mara kaya napatigil ako. Tahimik lang ang mga kaibigan ko habang nakikinig. "True. I think bagay kayo." dagdag naman ni Aza. Umiling iling lang ako bago nagpaalam sa kanila at hinanap si Natasha. Papalubog na ang araw pero hindi ko pa siya nakikita. Naiinis ako. Ang purwesyo ng babaeng ito. Pinuntahan ko siya sa dalampasigan kung saan kami huling nag usap pero wala naman siya dun. Saan na kaya yun nagsususuot? Tsk. "Nasaan na kaya siya?" Nag aalalang tanong ni Aza. Napahilot na lamang ako sa sintido dahil sa inis. "Oh no. Kailangan ko ng umalis, pare. Pinapatawag ako ni dad." biglang pahayag ni Sancho kaya agad akong tumango. "Kung ganun ay sasabay na lang din kami. Alam mo namang hindi kami pwedeng wala sa bahay dahil may mga anak na." saad naman ni Mara. "Us too. But if we have free time, bibisita kami dito, Kalix ha?" Usal ni Aza. Tinanguan ko silang lahat at nagpasalamat sa kanilang pagdalo. Humingi na din ako ng dispensa dahil mukhang nagtago na ang asawa ko. Hinatid ko sila hanggang sa kanilang mga sasakyang nakaparada sa labas ng gate namin at napabuntong hininga ng tuluyan silang makaalis. I looked at the time sa wrist watch ko at nakitang alas singko y medya na. Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kwarto para magbihis ng damit na pambahay. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha. "Good afternoon, attorney. Remind ko lang ang flight niyo bukas is 9am. At yung event ay 7pm sa Hawkins' Hotel." saad ng secretary ko. "Yes. Yes. Thank you, Martha." sagot ko naman bago pinatay ang tawag at pabagsak na nahiga sa kama. I'm not just a lawyer. May malawak na tubuhan si abuelo na iniwan sa akin kaya ako ang namamahala doon. Ako lang ang nag iisa nilang apo kaya wala akong choice kung hindi pamahalaan ang nga iniwan ni abuelo sa akin. Hindi naman hectic ang trabaho ko sa firm ng daddy ni Sancho at mga kaso lang ng kamag anak o malapit na kaibigan ang napupunta sa akin kaya marami akong oras para sa ibang ari arian. Mabilis kong idinial ang numero ng secretary ko dahil may ideyang pumasok sa utak ko. "Yes attorney?" tanong niya agad pagkasagot ng tawag. "I have company. Paki arrange ang flight ko." saad ko sa kaniya. "Uhm, can I get her name sir please?" tanong niya pa. "Natasha Marie Guerero Vergara." I calmy said. My lips twiched. Ano kayang magiging reaksiyon ng babaeng yun kapag nalaman niyang sasama siya sa'kin bukas? Naiimagine ko na ang naiinis niyang mukha. Wala sa sariling napadako ang tingin ko sa full body mirror na katabi ng vanity at mabilis kong inayos ang mukha ng makitang nakangiti ako. What the f**k? Tumikhim ako. "Can you arrange it, Martha?" Seryoso kong tanong sa secretary ko. "Done, attorney. Wag lang po kayong malelate bukas." sagot niya pa kaya napangisi ako bago pinatay ang tawag. Tumayo na ako at naisipang hanapin ang babaeng iyon dahil padilim na. Hindi pa naman nito kabisado ang Casa Vergara. Tsk. Sakit talaga sa ulo ang mga babae eh. Medyo madilim na sa labas kaya agad akong naglakad papuntang dalampasigan. Tumigil ako ng may makitang puting damit sa buhanginan. Pinulot ko iyon at napagtantong kay Natasha nga ang damit na iyon. Napatingin ako sa dagat. Mukhang naliligo siya. Marunong bang lumangoy ang babaeng yun?? Hinubad ko ang suot na tsinelas at inupuan ko iyon. Dito ko na lang siya hihintayin. Teka. Bakit ko naman siya hihintayin? Ano bang ginagawa ko? Argh! Inis akong tumayo ng mapagtantong hindi ko dapat to ginagawa. Baka mamaya lumaki ulo ng babaeng iyon at isiping gusto ko siya. Paalis na sana ako sa pwesto ng bigla siyany umahon sa tubig. "Anong ginagawa mo diyan? Bitawan mo nga damit ko." inis niya agad na asik. Mabilis ko namang binitawan ang damit niya. Hindi ko napansing hawak hawak ko pa pala iyon. "Ano bang trip mo sa buhay? Iniwan mo nalang ang mga bisita natin kanina. Mabuti na lang at tuloy na si abuela. Ano na lang ang iisipin niya kapag—" "Bisita mo sila. Wala akong bisita dito." Putol niya sa sinasabi ko at naglakad papalapit sa akin. Kitang kita ko ang inis sa mukha niya. Pero imbes na matuwa ay hindi ko maintindihan ang sarili dahil nakakaramdam ako ng konsensya. Hindi ako to. Wala akong konsensya eh. Napadako ang tingin ko sa katawan niya ng hanggang tuhod niya na lang ang tubig. Unti unting umawang ang labi ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. What the f*****g hell is happening to me? Bakit ako nasesexyhan sa kaniya? She's wearing a red two piece. Kahit hindi ko man aminin, alam ko sa sariling bumagay iyon sa kutis niya. "So bakit ka nga nandito? Anong kailangan mo?" tanong niya ng makalapit. Bahagya akong lumayo sa kaniya at pasimpleng huminga ng malalim. Tangina, parang nagmumukha akong bakla nito eh. "Hinahanap ka ni abuela. Tsk. Kung saan saan kasi nagsususuot. Nang aabala ka pa." may inis sa boses kong saad. Kumunot ang noo ko ng pinulot niya lang ang nakalapag niyang dress at agad na naglakad pabalik sa bahay. "What the hell are you doing, woman?" inis kong singhal habang napatitig sa matambok niyang pwet na umaalog sa tuwing humahakbang siya. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Uuwi na? Ano pa bang gagawin? Sabi mo hinahanap ako ni abuela eh." sikmat niya pa at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis ko siyang hinabol ay hinawak ang braso niya. "Ano ba!" singhal niya at winaksi ang pagkakahawak ko. Dumako ang tingin ko sa braso niya at parang may bumara sa lalamunan ko ng makitang namumula iyon at bakat na bakat ang aking kamay. Wala sa sarili ko iyong hinawakan at pinakatitigan. Shit. “A-Anong nangyari diyan?” nauutal ko pang tanong kahit alam ko namang kasalanan ko. “Tanong mo sa sarili mo.” inis niyang asik at tinalikuran na naman ako. Mabilis ko siyang pinigilan. “Ano na naman ba?! Alam nakakaimbyerna ka ha.” singhal niya pa. “Maglalakad ka ng naka ganiyan? Conservative si abuela, baka hindi niya magustuhan.” sikmat ko. Napatingin siya sa sarili katawan bago ako inirapan at tinalikuran na naman. Napanganga na lamang ako at wala ng nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Hindi ko din mapigilang purihin ang pwet niyang umaalog talaga. Nakakagigil iyon pero alam kong hindi pwedeng panggigilan kahit asawa ko na siya, baka bigla niya lang akong suntukin kapag ginawa ko yun. Pero may naisip naman akong paraan. Napangisi ako. Walang sinuman ang nakaka tanggi sa karisma ko eh. I’m sure kagaya din siya ng ibang babae. Wala namang masama kung aakitin ko siya para maka score. Asawa ko naman siya eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD