Chapter 6

1211 Words
RED's POV Pagkapasok ko sa mansion ay agad kong tinanong si Mayla kung nasaan si abuela dahil ang sabi ni Kalix ay hinahanap daw ako nito. "Ah ma'am, nasa kwarto pa po si senyora. Tulog pa po eh pero magigising na din yun maya maya." magiliw na sagoy ni Mayla kaya napakunot ang noo ko. "Huh? Akala ko hinahanap niya ako?" taka kong tanong. Kumunot din ang noo niya at napakamot pa sa batok. "Eh ma'am, paano po kayo hahanapin ng tulog?" tanong niya pa kaya napabuntong hininga na lang ako. Nilingon ko si Kalix na nakasunod sa akin at agad na napansin ang titig niya sa pwet ko kaya masama ko siyang tiningnan. Bastos ang gwapong— ay este gagong to. Bastos na nga sinungaling pa! Hayss mga lalaki talaga! "Ahh sige, Mayla. Salamat, mukhang may sinungaling pala sa pamilyang to." saad ko kay Mayla, parinig na din kay Kalix. Nanlaki ang mga mata ni Mayla at mukhang nagulat sa tinuran ko. Totoo naman! Nag martsa na agad ako pa akyat ng hagdan para makapag bihis na. Plano kong tumulong sa pagluluto ng hapunan ngayon. "Basa ka. Kapag ikaw nadulas sa hagdan—" Hindi niya natapos ang sinasabi ng bigla kong itinaas ang gitnang daliri ko sa kaniya habang tuloy tuloy lang ang lakad ko. Pagkapasok sa kwarto namin ay agad kong ini lock ang pinto. Baka kasi sumunod siya. Dumiretso ako sa banyo at nagbanlaw ng katawan. Madiin kong kinagat ang ibabang labi habang nakatitig sa braso kong may bakat parin ng kamay niya. Tumingala ako at huminga ng malalim. Hindi ka pwedeng sumuko, Red. Hindi pwede. Para sa dalawang milyon mananatili ako dito pero hinding hindi ako mag papa api sa lalaking yun. Pagkalabas ko sa banyo ay napansin kong kumakatok siya sa pintuan. Nagbihis muna ako ng damit bago ko siya pinagbuksan. "We need to talk." bigla niyang usal pagkabukas ko ng pinto. "Mamaya na lang. Tutulong muna ako sa pagluluto ng hapunan." simple kong sagot bago siya nilampasan kahit pansin kong may sasabihin pa siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya agad akong napaigtad. Akala ko kasi hihigpitan niya na naman. Ang sakit kaya ng hawak niya sa akin kanina! Napaluha pa ako! Mabilis niya akong binitawan ng mapansin ang pag igtad ko. "S-Sorry." nag aalinlangan niya pang pahayag bago ako tinalikuran at pumasok sa kwarto namin. Umirap na lang ako at nagtungo sa kusina. Naabutan kong nag uusap sina aling Dolor, Mayla at dalawang kasambahay kaya napatigil ako sa paglalakad. Napangisi ako ng marinig na nagchichismisan sila tungkol sa bagong hardinero daw. "Ay ma'am! Nandiyan po pala kayo!" gulat na bulalas ni Aling Dolor kaya agad akong lumapit sa kanila. "May bagong hardinero?" nakiki usyoso ko ding tanong. Napangiwi sila sa tanong ko. "Ay naku si ma'am nakikichismis din." Natatawa pang usal ni Mayla kaya napanguso ako. "Bawal ba yun?" tanong ko naman. Nagkatinginan silang lahat at ilang segundo lang ay isinali na nila ako sa chismis. Napunta ang usapan namin kay Kalix kaya mas nag enjoy ako sa pakikinig. "Ay naku ma'am, sobrang sungit ni sir talaga! Pero malaki naman magbigay ng tip yan kaya go go go parin kami!" bulalas ni Marie, isa sa mga kasambahay na kachismisan ko. "Halata naman talaga. Buti na nga lang gwapo siya eh. Akala ko nga matanda na ang papakasalan ko." saad ko naman kaya natawa sila. "Totoo bang hindi mo gusto si Kalix, hija? Ano ba tawag sa sitwasyon niyo sa ingles? Yung pinagkasundo lang yung kasal?" tanong pa ni aling Dolor. Tumango naman ako. "Opo. Arrange marriage. Si senyora at si mommy po ang nagkasundo eh." nakangiwi kong pahayag. "Ahh. Ano bang itsura ng mommy mo? Sigurado akong maganda din siya kasi ang ganda ganda mo eh. Kras ka nga ng anak kong binata eh kahit kanina ka lang niya nakita." wika pa ni alimg Dolor kaya nanlaki ang mga mata ko. "Ay talaga ho? Hindi po ba siya natatabaan sa akin?" gulat kong tanong. "Hindi ka naman mataba eh! Ang sexy niyo kaya ma'am." singit naman ni Lalay, isa pang kasambahay kaya napangiti ako. "Talaga?" Tanong ko sa kanila. "Oo nga hija. Naku! Kaya naiintindihan ko ang anak ko kung bakit ka niya gusto." nakangiti pang pahayag ni Aling Dolor. "Ang bata bata pa ni Marco manang ah. Bakit niyo hinahayaang gumanyan?" Napatigil kaming lahat sa pagchichismis ng marinig ang boses ni Kalix. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at mukhang kanina pa nakikinig sa amin. "Ay sir! Ah hehe kanina pa po kayo diyan?" kinakabahang tanong ni Marie. Umayos ng tayo si Kalix at naglakad papalapit sa akin. Hinila niya ang upuan na malapit sa kinatatayuan ko at doon pa talaga umupo. "Nagbibinata na ho kasi ang anak ko sir kaya naiintindihan ko naman." sagot pa ni aling Dolor. Walang ka ngiti ngiti sa gwapong mukha ni Kalix at napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang tumitig sa akin. "Pero nagkakagusto ho ang anak niyo sa babaeng may asawa." seryoso niya pang pahayag. Natahimik si aling Dolor at nanghihingi ng tawad akong tiningnan. "Pasensya na ho kayo sir, ma'am." paghingi niya pa ng tawad. "Ay wag po kayong mag sorry manag. Ayos lang naman sa akin at crush lang naman yun. Di naman ako tulad ng iba diyan." Pagpaparinig ko pa. Nagsi excuse agad sina Mayla, Marie at Lalay ng medyo naging kakaiba ang hangin sa paligid. "Tapusin ko lang ho ang niluluto ko." paalam pa ni aling Dolor. Susunod na sana ako sa kaniya pero bigla akong pinigilan ni Kalix. "Sit." masungit niyang saad. Tinaasan ko siya ng kilay at nameywang ako sa harapan niya. "Ano ako? Aso mo?" asik ko pa. Nahugot siya ng malalim na hininga. "Sit down. Please." wika niya pa, mas marahan na ang boses. "Bakit ba? Tutulong ako kay aling Dolor—" "Let her do her job, Natasha." putol niya sa sinasabi ko pero mas lalo akong nainis doon kaya tinalikuran ko siya pero nanlaki ang mga mata ko ng may kalakasan niyang hinila ang palapulsuhan ko kaya ang ending ay bumagsak ako sa kandungan niya. Napanganga ako sa gulat lalo na ng iniyapos niya ang dalawang braso sa bewang ko at napansin ko ang pag ngiti niya. Nang mabalik ako sa huwisyo ay sinubukan kong itulak siya at tumayo pero mas humigpit ang pagkakayapos niya. "A-Anong ginagawa mo?" nauutal ko pang usal. Mas lumapad ang ngiti niya. "Pinipigilan kang mahulog?" sagot niya pa. Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng itinaas baba niya ang dalawang kilay at tila tinutukso ako. Wala sa sariling umigkas ang kamay ko at nasampal siya. "oww.." daing niya pero pilyo parin ang titig sa akin. Kumabog ng husto ang aking dibdib at sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Hindi ikaw si Kalix!" sikmat ko kaya natawa siya. Mabilis kong ini atras ang mukha ng bigla niyang inabante ang kaniya. Ngumuso pa ang gago. "Ay so sino ako?" tanong niya pa. "Hindi ko alam! Nasaan si Kalix?!" bulalas ko pa. "Anong nangyayari— oh dios mio!" mabilis akong tumayo ng makita si mama Emilia sa b****a ng kusina. Makahulugan siyang ngumiti at pumalatak pa talaga. "Gosh! At this age, I didn't know na makakaramdam pa pala ako ng kilig sa inyong dalawa." wika ni mama at humagikhik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD