Hindi ako agad nakapagsalita. Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Kalix at lumapit pa sa akin. "Kailangan mo ng masanay, abuela. You'll witness more as the days go by lalo na at gusto mong magka apo agad." ngingisi ngisi niya pang pahayag na ikinalaki ng mga mata. Muntik na akong mabilaukan ng sarili kong laway sa narinig pero pagtingin ko kay abuela ay nagningning agad ang mga mata niya. "Sana maabutan ko pa ang apo ko." may bahid ng lungkot sa boses niya kaya agad lumapit sa kaniya si Kalix. "Ano ka ba, abuela. Of course maaabutan mo pa. Just don't skip your check ups and of course, your meds." marahan ang boses ni Kalix. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti. Bigla akong na curious kung anong nangyari sa parents niya. Ang sinabi lang kasi ni Natasha ay maaga daw namatay eh.

