Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta rito.
“Joke lang naman, e,” nakanguso kong saad.
“You and your craziness, Hexara!” inis na bulyaw ni Abuela. Nakapamewang ang isang kamay nito, habang ang isa ay nakahawak sa sentido niya, tila pinipigilan ang sakit ng ulo. Problemadong-problemado siya sa ginawa ko.
Nilagyan ko lang naman ng maliit na speaker ang maids’ room at nag-play ako ng sigaw ng parang kinakatay na babae. Hindi ko naman alam na mga duwag sila. Nagtakbuhan pa sa centro. Kaya nandito ako ngayon, sinesermonan habang sila ay nakahilera roon at nakayuko, parang mga batang napagalitan.
“Experiment lang iyon, Abuela,” saad ko at nag-beautiful eyes. “Hindi ko naman alam na takot sila, e. At saka, hello, ang aga pa kaya,” dagdag ko at bahagyang umirap.
Hindi makapaniwala si Abuela sa sinabi ko. Akma niya akong pipingutin, ngunit agad akong umiwas. Hindi halatang gigi na gigil na siya sa akin.
Buti na lang at hindi nakakaintindi ng Tagalog ang mga maids sa mansion ni Abuela, kung hindi, baka hindi na nila ako tulungan magtanim. Kami lang ni Abuela ang nagkakaintindihan, sobrang understanding kasi namin.
“You’re making my head hurt, Hex,” saad niya at umupo sa single sofa na kaharap ng inuupuan ko. “Go back to your duty, now!” utos niya sa mga maids.
Agad naman silang umalis, halos mag-unahan pa palabas.
Takot sila kay Abuela. Baka kasi i-katana sila. E di nawalan ako ng katulong sa garden.
Humiga ako sa long sofa at itinaas ang paa sa sandalan. Umabot ako ng grapes mula sa mesa at kinain iyon isa-isa. Mukha akong si Juan Tamad.
“Your father called.”
Napalingon ako sa sinabi niya.
Himala, tumawag ang pogi kong ama. Ano kaya ang kailangan noon? O baka nanghihingi siya ng permiso para ibenta ang lahat ng panda collection ko. No, no, erase, erase. He will never do that. Kahit naman tarantado akong anak, hindi niya gagawin iyon.
“Anong sabi?” tanong ko habang patuloy na kumakain ng grapes, pero hindi mapakali ang isip ko.
“You need to go back to the Philippines.”
Agad akong napabangon dahil sa sinabi ni Abuela.
“Ha?! Bakit?!” nanlalaki ang mata kong tanong.
“His business partner heard that you’re a good professor. You will teach three teenagers. Your father agreed. He knew how much you love teaching,” aniya habang kumukuha rin ng grapes.
Natulala ako.
Sinong hindi? Ako? Magtuturo ulit? After my father asked me to stop? Tapos ngayon pumayag siya?
“Abuela, hindi ba parang ang weird? Si Papa mismo ang nagsabi na tumigil ako sa pagtuturo dahil delikado, dahil kilala ang pamilya natin. Kaya nga ako nandito sa Spain,” aniko.
Nag-away pa kami noon. Kaya nga nilayasan ko siya at nandito ako ngayon sa Spain dahil may sama ako ng loob sa kanya. Tapos biglang pumayag siya?
Is he using me?
But no. I know my father. He might be short-tempered, pero hindi niya ako gagamitin sa negosyo niya. Hindi nga niya ako ipinagkasundo sa anak ng business partner niya kahit palubog na ang negosyo namin noong seventeen ako.
“You’re going to teach privately. That’s why your father agreed,” paliwanag ni Abuela.
Ang shala. Private teaching.
“Ilang taon ba?” tanong ko habang kumukuha ulit ng grapes.
Pag ako nalasing, kasalanan ni Abuela. Siya ang nagpa-harvest ng sandamakmak na grapes. Bakit ba kasi sa daming negosyo, alak pa? Hindi tuloy ako makaiwas sa wine.
“Nineteen. Triplets. I don’t know their names. Ask your father when you get home,” saad niya.
Parang gusto na talaga akong pauwiin.
“Kailan daw ba ako uuwi?” tanong ko habang umiinom ng juice.
“Tomorrow morning.”
Nanlaki ang mata ko at nabuga ko pa ang iniinom kong juice. Napaubo ako nang tuloy-tuloy.
Bukas agad?
Hindi man lang kami nakapag-bonding nang maayos?
Hindi na niya ako mahal. Joke. OA masyado, Hex.
“Where is your mind? In outer space? You frequently space out,” puna ni Abuela.
Natulala lang naman ako. Outer space agad? Hindi ba pwedeng nasa ulap lang muna? Atsaka, sinong hindi matutulala? Parang si Flash sa Sonic.
“Abuela, umamin ka nga sa akin,” seryoso ko siyang tinignan.
Nagulat siya, pero agad din niyang inayos ang sarili.
“Am I adopted?” tanong ko, seryoso, sabay paningkit ng mata.
Nangunot ang noo niya at tinignan ako na parang hindi makapaniwala.
“Are you out of your mind? You look exactly like your father,” saad niya.
Napatango ako.
Totoo naman. Kamukha ko si Papa. European siya, while my mom is half-Filipina and half-Spanish. Pero hindi ko kasing kulay si Papa. Hindi ako maitim, pero hindi rin ako sobrang puti. Ang mata ko naman ay nakuha ko rin kay Papa, color Blue.
Miracle baby din ako. Halos mamatay ako sa sinapupunan ni Mama. Hirap magbuntis ang pamilya namin, kaya isa lang ang anak nila Abuela at Abuelo. Ako rin, nag-iisang anak.
Masaya maging only child, pero minsan nakakalungkot. Hindi ko mararanasan magkaroon ng kapatid. Gusto kong may aalagaan, may poprotektahan.
Nanghingi nga ako ng kapatid kay Papa, pero hindi na raw pwede. Delikado na.
Hindi na ako nagpumilit.
Pinaramdam naman nila sa akin na hindi ako nag-iisa. Sinuportahan nila ako sa lahat, kahit sa mga pangarap na hindi nila gusto para sa akin.
Kaya lagi akong thankful. Pero minsan, napapaisip ako, ano kayang feeling na may kapatid? Yung may kaagaw ka sa pagkain, damit, at kung ano ano pa.
♪♪♪
Siguro kung may bayad lang ang pagiging mabagal kumilos, trillionaria na ako.
Kanina pa ako hinihintay ng driver sa baba. Ihahatid na ako sa airport. Take note, alas tres pa lang ng umaga. Bangag na bangag pa ako.
Buti na lang tinulungan ako ni Abuela kagabi sa pag-aayos ng gamit. Kaunti lang naman. Mga apat na malalaking maleta. Dala ko kasi ang flower seeds ko at mga libro ko. I cannot live without them.
"Hexara! Faster! Your flight is 4:30!" sigaw ni Abuela.
"Wait! Teka! Help me! I can’t carry this!" sigaw ko pabalik habang pilit binubuhat ang isa sa mga maleta.
Naiinis na ako. Ang bigat lalo na ‘yong puro libro.
Maya-maya, pumasok ang limang butlers at agad nilang kinuha ang mga maleta ko.
"You're so maarte!" sigaw ni Abuela mula sa pintuan habang nakikita akong halos maglupasay sa sahig sa inis.
“Sa inyo lang din naman ako nagmana,” bulong ko.
Tumayo na ako at lumabas ng silid. Kinawit ko ang braso niya at naglambing.
“Abuela, padalhan mo ako ng grapes ha? Gusto ko green, pero pwede rin purple. Basta maasim para masawsawan ko ng asin. Tapos pag may strawberry, padala ka rin please,” ani ko sabay puppy eyes.
“I will. But make sure to be a good girl. Less talk, less mistake. Don’t be stupid,” saad niya.
Grabe sa stupid. Minsan talaga naiisip ko na ampon lang ako sa pamilyang ‘to e. Kaunti na lang talaga magpapa-DNA test na ‘ko.
“Hindi naman ako stupid. Ang bait-bait ko kaya dito,” nakanguso kong saad.
“Behave? Really? You cause chaos in my mansion,” sagot niya na ikinahaba ng nguso ko. “Faster, Hex! Your flight is 4:30!” dagdag niya habang tinutulak ako palabas.
Nang makababa kami, naroon na si Manong Deb.
“Yung grapes ko ha? Wag mo kalimutan! Pag nakalimutan mo yan, magtatampo ako.” aniko habang nakanguso pa rin.
Nagpaalam na ako kay Abuela at sumakay sa kotse.
Habang umaandar ang sasakyan, kumaway ako sa kanya.
“Bye, Abuela! I love you!”
Ngayon, uuwi na ako.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Excited, nervous, o masaya?
Ang alam ko lang, pupuntahan ko agad ang girlfriend ko. Si Amyra.
Six years na kami. Apat doon ay LDR.
She’s a detective. Nagkakilala kami sa college. Akala ko noon girl crush lang, pero nahulog ako. Bading na bading ako sakanya dahil maangas siya noon.
Ngayon, uuwi ako.
At sisiguraduhin kong babawi ako sa oras.
“Señora, ya hemos llegado,” sabi ni Manong Deb.
Nasa airport na kami.
Agad akong bumaba at naglakad papasok. Halos lahat napapalingon sa akin. Main character energy. Enebe, eke leng te.
Naka-white turtle neck, black pants, YSL heels, at sunglasses kahit madilim pa.
Mukhang tanga lang pero at least maganda.
Confident akong naglakad papasok.
This is it, pansit.
Uuwi na ako.
See you, Philippines, sana hindi kana mabantot.