VI

907 Words
Claire's POV "Paabot ng ulam anak." Napangiti ako nang marinig 'yon. Kinuha naman ni Clark ang paksiw at inabot kay Papa. "How about you, babe? Gusto mo?" tanong niya sa 'kin. "Ayoko." "Paborito mo paksiw na bangus ah?" puna ni kuya Von pero nginitian ko lang siya. Umaakto kaming parang walang nangyari dahil ayaw na naming malaman pa ni Papa. Masyado kasi siyang maaalalahanin at baka atakihin pa siya. After a few minutes, naglagay ng laman ng bangus si Clark sa plato ko. Wala nang tinik 'yon kaya napangiti ako. Alam na alam niya kasing ayaw kong maghimay ng isda, kakilig! "Kamusta ka naman dito? Nakapaglibot na ba kayo?" "Aah hindi pa po." Sinulyapan niya kami, isa-isa naman kaming nag-iwas ng tingin, "Napagod po kasi sa byahe eh, ipinahinga na po muna namin yung buong araw." "Oo nga mahal, pinagpahinga ko muna sila at alam mo naman malayo ang byahe nila." "Aah, ganon ba? Oh sige, bukas mag boodle fight tayo ha?" kaagad akong naexcite sa sinabi niya. "Talaga Pa?" "Oo, magdadala ako ng mga alimango bukas at pusit." "Oh sige, sagot ko na yung mga tahong at mais," si Kuya Von. "Ako na sa panulak," si Kuya Miko. "Ako na sa dahon ng saging." Sabay-sabay kaming napangiwi kay Kuya Carlo. "Kahit kailan talaga napaka kuripot mo!" Binato ko siya ng kutsara. "Ganon pag pogi," makapal niyang sabi. "Kadiri!" Kinabukasan, isa-isa na kaming nabigyan ng mga tokang gawain. Pero nakalimutan naming kailangan pala ng magbabantay sa tindahan. "Ikaw na kaya Carlo, saan ka ba pupunta? Dahon ng saging lang naman ambag mo eh," si Kuya Von na iritang-irita na. "Ay! Grabe siya, ako na nga lang gwapo mong kapatid ginaganyan mo pa 'ko eh. Basta, may assikasuhin akong importante." "Ako na lang po." Kaagad kong ibinaba ang kamay ni Clark nang itaas niya ito para magprisinta. "Huy! Ano ka ba? 'Di ka naman marunong eh." "Marunong ako, may mga price naman na nakalagay sa bawat item 'di ba?" "Oo meron naman," si Kuya Miko. "Oh sige ikaw na bahala dyan ha? Tawagan mo na lang si Claire kapag may kailangan ka pa. Tara na!" Aangal pa sana ako pero wala na akong nagawa nang hilahin nila ako ni Kuya Carlo. "Bye babe!" nakangiting kumakaway sa akin si Clark kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ngitian siya. "Basta tawagan mo ako ha?!" "Ano ka ba ang laki-laki na niyan eh, kaya nya na 'yan." "Oo nga, kita mo laki ng katawan niyan oh" "Hay nako! Kayo pinagkakaisahan niyo boyfriend ko!" Clark's POV Pagpasok ko sa loob ng tindahan, halos familiar naman ako sa mga paninda kaya confident akong umupo sa may tapat ng mga garapon. "Pabili!" "Ano po 'yon?" "Oh! Sino ka? Pabili ako ng sardinas, tatlo." Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin kung sino ako, pero kinuha ko na lang ang binibili niya. "90 po." "Ito." Sunod-sunod ang mga bumibili at proud na proud ako dahil tama ang ginagawa ko. "Kuya, pa-load." "Ha?" "Load!" "Hindi kami nagloload ng wi-fi. Tindahan lang 'to." "Bobo, load ng cellphone! Ayon oh, kunin mo yung keypad na cellphone doon, i-load mo 'ko!" Nangunot ang noo ko sa bastos na batang 'yon. Tumikhim ako dahil sa pagkapahiya at kinuha ang sinasabi niya. Grabe, ganito ang laruan ko nung bata. Dito ako naglalaro ng snake noon. Pwede pala ito sa ibang purpose? "Alam mo ba ginagawa mo?" banat na naman niya. "Oo, teka!" "Kuya pabilis! Yung niluluto ko kailangan na ng vetsin oh!" reklamo ng isa pang bumibili. Dumadami na silang nakapila sa labas. "Wait, f*ck!" Hindi ko na alam kung anong napindot-pindot ko. Natahimik ang lahat nang biglang tumunog ang opening music ng game na bounce. Yung bolang kailangan makalagpas sa kung ano-anong obstacles. "Pffttt!" "Sabi na 'di niya alam eh." Nag-init ang tenga ko nang magtawanan at magbulungan sila. "Here!" Sabay abot ng cellphone. "I-load mo ang sarili mo," kunwaring galit kong sabi pero sa totoo lang, hiyang-hiya ako. "Ako vetsin, dali!" Inasikaso ko na silang lahat at nang matapos ang bata, ipinakita niya sa akin kung paano gawin 'yon. "Oh 'di ba Kuya madali lang? Ang laki-laki mong tao pero bobo ka. Kawawa ka naman." "Konti na lang talaga sasapakin na kita," bulong ko sa kanya. "Bigyan mo na lang ako ng stick-O kung gusto mong tulungan kita Kuya." "Tsk! Ano bang pangalan mo?" ikinuha ko nga siya ng Stick-O. "Nonoy." "Nonoy ha, ayusin mo ang pananalita mo. Ito oh." "Tengkyu!" "Nasaan si Fatima?" Isang kalbong matandang lalake 'yon. "Umalis ho, bakit po?" "Kuya, 'wag mo bibigyan 'yan!" Nonoy exclaimed. Pero bigla na lang siyang binatukan ng matanda. "Manahimik ka diyan. Umuwi ka na!" Maluha-luha ang bata dahil nang batukan siya ay tumana sa pasimano ng tindahan ang ulo niya. What a f*cking bast*rd. "Ikaw!" baling nito sa akin. "Kapatid ako ni Fatima, bigyan mo ako ng limang kilong bigas," pasimpleng umiiling sa likod si Nonoy pero pinili ko na lang bigyan ang matanda. Napaka dami niyang pinapakuha. Nang matapos ay inilagay ko sa pasemano ang supot at magcocompute pa sana nang bigla niya itong hilahin. "Oh, ilista mo na 'yan. Sabihin mo na lang sa kanila. Hahaha! Paldo na naman!" Mayabang na umalis ang matanda habang tumatawa ng nakakaloko. "W-what? Ni hindi ko pa na-compute 'yon!" "Sabi sa 'yo Kuya 'wag mo bibigyan 'yon eh," hindi pa natatapos ni Nonoy ang sasabihin niya nang may bago na namang dumating. "Naku, Kuya heto pa isa..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD