VII

976 Words
Clark's POV Isang payat at matangkad na lalake ang papalapit sa amin ni Nonoy. Malayo pa lang ay alam ko nang hindi normal ang galawan niya. "This one is smoking weed." "Ano po?" "Wala 'yon, sino ba 'yan?" "Si Kuya Caloy po 'yan." Pagtungtong niya sa tindahan ay tatabi-tabingi ang panga niya. Panay ang galaw ng ng bibig at mga mata niya na para bang gusto niyang i-stretch lahat ng facial muscles niya. "P-pre, sigarilyo." "Anong yosi pre?" I'm trying to sound casual. "Y-yung pula." Kaagad kong ibinigay ang gusto niya. "G-gagi HAHAHAHA!" Nagkatinginan kami ni Nonoy nang bigla siyang tumawa. "B-bakit?" "Ha? Anong b-bakit?" ngumiwi na naman ang mukha niya at kumindat kindat ang mga mata. "Bakit ka tumawa?" "'Di ako tumawa, hahaha! Noy, tumawa raw ako?" baling niya sa bata at sa gulat ko, bigla na lang naging diretso ang pananalita niya. "Hindi Kuya ah! Wala akong narinig." Traydor na bata! "A-adik ata tong nagtitinda hahaha!" Nag-apir pa sila habang tumatabingi ang ulo nung Caloy. Kinuha ko na lang ang bayad niya at hinayaan na sila. Nang makaalis ito ay lumapit sa pasemano si Nonoy. "Kuya!" "Traydor, tss." "Hahaha! Hindi kasi, adik kasi 'yon si Kuya Caloy." "Halata nga." "Kaya 'wag mo na papatulan ha? Balita dito may mga kaibigan 'yong sindikato," nangunot ang noo ko sa narinig. "Paano?" "Basta, iwasan mo na lang siya ha? Oh sige kuya, una na 'ko. Pag-aralan mo yung cellphone diyan para di ka na tanga. Hahahaha!" "Aba't!" Kumaripas na siya ng takbo kaya hindi ko na nagantihan. Hindi maalis alis sa isip ko ang Caloy na 'yon hanggang dumating na sila. Naging masaya ang boodle fight namin, ibang iba talaga ang seafoods kapag fresh from the sea. Claire's POV "It oh. " Nagtinginan sila sa akin nang lapagan ako ni Clark ng lamang ng crabs at hipon. "May kamay naman yang pangey na 'yan," si Kuya Carlo. "Hoy! Palibhasa wala kang pagka-gentleman sa katawan, puro ka kalib*gan!" Binato niya ako ng mais sa bibig habang sinisigawa ko siya, "Aray ko! Bastos!" "Papa oh! Kita mo 'yang anak mo ang bastos ng bibig!" "Bahala kayo diyan, malaki na kayo." Tumawa lang sila ni Mama habang kumakain. "Masiyado ka nga naman kasing spoiled Clara," si Kuya Von, "May dalawang kamay ka naman." "Ang sabihin niyo, inggit lang kayo!" Bumaling ako kay Clark, "'di ba baby? I want pusit din po." Nagpacute ako sa harap nilang lahat. "You're adorable, here." Sabay lapag ng pusit sa taas ng kanin ko. "Thank you!" "Tang*na, kadiri!" si Kuya Miko. "Bukas na bukas bumalik na kayo ng Pampanga, 'wag mo ng ibabalik 'yang kapatid namin, sa 'yo na 'yan!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Kuya Miko. Napansin ko, mula nung ipagtanggol ako ni Clark, mas naging magaan na ang pakikitingo nila sa kanya. May konting awkwardness, pero hindi na nila sinusungitan. "Kamusta ka pala sa tindahan kanina Clark? Pinagbantay ka raw ng apat na 'to? Hay nako Claire! Bakit hinayaan mo naman ang boyfriend mong mag isa doon?" si Mama. "Luh! Eh sila Kuya eh!" "Kami na naman! Eh pinilit mo ngang maiwan ang boyfriend mo!" Napaka sinungaling talaga. "Okay lang naman po tita, marami pong bumili. Pero there's this one guy na kumuha po ng mga paninda. Hindi po siya nagbayad, sabi niya kapatid niyo raw po siya." "Huh? Sino?" Nagkatinginan kami. Heto na naman ang mga kapatid ni Mama. "He didn't give me his name. Matandang lalake po na kalbo." Tsk! si Tito Fred na naman 'yon! Ikinwento ni Clark ang nangyari at hindi ko na naman maiwasang mahiya sa kanya. Napaka bastos kasi talaga ng mga kamag-anak namin. Nakakainis! "Hayaan mo, ako na bahala doon 'nak. Hay nako talaga." Ramdam kong inis din ang mga kuya ko pero wala na lang kumibo. Pagkatapos namin kumain, inutusan ako ni Papa na iikot si Clark malapit sa dalampasigan at ganon nga ang ginawa namin. "Ang sarap dito, parang araw-araw nasa bakasyon." Magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad at pinapanood ang papalubog na araw. "Kumportable ka naman ba rito?" "Yeah, medyo naninibago pero naaaliw ako." "That's good." "Clara my loves!" Nagulat ako sa sigaw na 'yon. "Theo!" Kabado akong napasulyap sa kanya. Pagtingin ko kay Clark at kunot-noo itong nakatingin sa kanya. "My loves! Kelan ka pa umuwi? Bakit hindi ko alam?" Kabababa niya lang sa bangka at halatang katatapos mangisda. Yayakap sana ito sa akin nang bahagya siyang itulak ni Clark. "Ano ba pre? Sino ba 'to?" "Aah Theo, si Clark. Boyfriend ko." "Boyfriend? Eh 'di ba ako ang pakakasalan mo?!" "What the hell is he talking about?" seryosong-seryoso na siya at kunot noong nakatingin sa akin. "Theo ano ka ba?" "Kaya pala ayaw sabihin sa akin ni Papa kung nasaan ka?" "Papa?" si Clark "Oo, ang Papa ni Clara Papa ko na rin. Ang Papa ko, Papa na rin niya." "Hahaha," pasimple akong pumagitna sa kanila. "Clark, si Theo kababata ko. Palabiro talaga 'yan, hehe. Theo, si Clark. Boyfriend ko." "Boyfriend mo talaga 'yan?" tumango ako. Si Clark naman ang binalingan niya, "Mahal mo ba talaga ang Clara ko?" "Yeah, got a problem with that?" "No, come. Come get with me. We talk over there," natampal ko ang noo ko sa mga pinagsasasabi nita. Sumunod naman si Clark sa kanya at naiwan ako roon. Sinenyasan nila akong 'wag susunod kaya wala akong nagawa. Jusko sana naman wala siyang sabihing kalokohan kay Clark baka pipiin siya non. ABANGAN... Nagulat ako nang bigla niyang ipasok ang kamay sa shorts ko, "I love this too, hahahaha!" "Baliw hahaha." Aalisin ko sana ang kamay niya sa shorts ko nang panlakihan niya ako ng mata. "Subukan mong alisin, pipisilin ko 'to." "Napaka sadista mo talaga." "Hihihi," minsan hindi ko na maintindihan kung cute ba siya o nakakatakot. Panay ang himas niya sa pagkalalake ko kaya wala na naman akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD