KAHIT NA UMALIS na siya sa kanyang bahay kung saan ay kapitbahay niya si Nicole ay lihim pa rin siya ng bumalik sa kanyang bahay upang makita lamang ang babae. Gamit ang bagong biling motor upang hindi iyon napansin ng kanyang mga kapitbahay. Labas pasok pa rin siya sa kanyang bahay at lihim na pinagmamasdan ang babae. Sa ganoong paraan man lang ay mabawasan ang pangungulila niya sa babae kahit pa hindi niya ito malapitan. Napapangiti na lamang siya sa tuwing na nakikita niya ang babae sa tindahan. Gustong-gusto niya itong lapitan, kausapin at yakapin pero alam niyang mali... Hindi na dapat.. Sa tuwing na nakikita niya ang lungkot sa mga mata ni Nicole ay lalo lamang nahihirapan ang kanyang kalooban. Gustong-gusto niyang pawiin ang lungkot ng mga yun. Nakita niya rin si Eunice at Jonath

