WALANG NAGAWA si Nicole nang umalis sa Alfonso. Pakiramdam niya ay pasan niya ang mundo. Sobrang sakit ng mga pangyayari dahil hindi nila pwedeng ituloy ang kanilang pagmamahalan. Kaydaming tanong sa kanyang isipan kung bakit kay lupit ng tadhana sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang magpaubaya na lamang at ang tuparin ni Alfonso ang pangako nito sa ama. Napapikit na lamang siya at napaupo sa upuan na naroon. Alam niyang baka iyon na ang huli nilang pagkikita. Naging mahirap para kay Nicole ang mga sumunod na araw na wala na si Alfonso. Ang alam niya ay umalis na rin ito sa bahay nito at wala na siyang balita kung nasaan ito. Hindi niya alam kung paano ang mga araw na wala ang lalaki sa kanyang buhay. Pakiramdam niya nga ay dumaraan lang ang mga araw na hindi niya nararamdaman. Ang d

