NAPATINGIN si Nikko sa larawan na hawak niya. Larawan daw iyon ng anak ni Eunice at Jonathan na ngayon ay nasa kanyang harapan. Simula nang malaman niya na alam na ng kanyang ina kung saan nakatira si Eunice ay hindi na siya mapalagay. Wala siyang gustong gawin kundi ang makita ang babae at makasama muli. "Hi!" wika niya sa batang lalaki na naglalaro sa plaza. Mukha naman itong kasama at abala sa pagbabasketball. Hindi maikakaila na anak nga ito ni Jonathan. Napatitig sa kanya ang bata. "Kaibigan ako ng Papa Jonathan at Mama Eunice," wika niya pa kaya napangiti ito. "Talaga po? Kasama mo ba ang Papa ko?" "Nasa Maynila pa siya at maraming trabaho. Gusto mo bang sumama sa akin? Kumain tayo sa labas tapos tatawagan ko ang Mama Eunice mo para sumama sa atin," pang-uuto niya pa sa bata na

