"THE HELL with you, Rigor!" bulyaw ni Amelia. "What do you want me to do? Puntahan si Nikko at sabihin na anak ko siya? Hindi ka ba talaga nag-iisip? For once kumilos ka naman para sa pamilya mo!" "Bakit sino ba ang nagsabi sa kanya na pumunta sa lugar na iyon? Hindi ba ikaw?" "Pero hindi ko sinabi na magpakulong siya!" "Expect the worst, Amelia." Inagaw niya ang bote ng alak sa center table at ibinato iyon. "f**k you! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Lahat ginagawa ko pero ano? Walang napupuntahan dahil hindi ka makontento! Nagpapakababoy ako. Nagpakasal sa lalaking hindi ko mahal para lamang masuportahan ang lahat ng mga kawalanghiyaan mo sa akin. Akala mo ba hindi ko alam? Dinadala mo lamang ang pera sa mga babae mo!" bulyaw niya sa lalaki. Nagulat pa siya ng sampalin

