CHAPTER SIXTY-THREE

2257 Words

NAGULAT pa si Nikko nang makita si Jonathan sa kulungan. Gusto niya itong sugurin ng suntok daw sa pagtatangka na naman nito sa kanyang asawa. "Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong nito. Napatingin ito kay Eunice. Kausap nito ang mga pulis upang pormal na magsampa ng kaso laban kay Nikko. "Ano ba sa tingin mo? Hindi pa ba obvious? Gusto kitang ipakulong sa pagtatangkang pagkidnap sa aking asawa," sagot niyang ikinagulat ni Nikko. "Asawa?" napangisi si Nikko. "Hanggang ngayon ay ilusyunado ka pa rin Jonathan. Nakakaawa ka," napapailing wika ni Nikko sa kanya. Binalingan pa nito ang mga nakakulong na naroon. "Mga kakusa, narinig niyo ba yun? Asawa niya raw ang babaeng mahal ko?" wika pa ni Nikko sa mga kasamahan pagkatapos ay nagtawanan ang mga ito. "Alam niyo ba ang lalaking 'yan?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD