Excited si Nicole na sinundo ang kanyang Nanay Lina sa airport. Kasama niya si Alfonso sa pagsundo at ang kanyang Tita Belen. Gusto nitong makita ang pagdating ng kapatid na matagal ding hindi nakauwi ng bansa samantalang si Alfonso naman ang naging driver nila. Tulad ng kanilang pag-uusap ni Eunice pinauwi na lang niya ang kanyang ina upang dalawa na silang mamahala sa negosyo na ibinigay sa kanya ng pinsan. Wala siyang planong pabayaan iyon lalo pa at alam niya na mahalaga di naman iyon kay Eunice. Dugo at pawis ang naging puhunan nito kaya kahit wala siyang pinaghirapan sa ibinigay nito ay gagawin niya pa rin ang lahat upang lumago pa lalo iyon. Ayaw niyang pagsisihan ni Eunice na binigyan siya nito ng negosyo. Tumatakbong niyakap niya ang ina. Napansin niya higit na matanda ito tingn

