MADALING araw na sila nakatulog ni Jonathan dahil marami silang pinag-usapan kagabi. Ayaw niya pa sanang magising dahil mabigat pa ang talukap ng mga mata niya pero napilitan siya nang mapansin na wala na sa tabi niya si Jonathan. Kinapa niya ang cellphone at tinangnan ang oras. Alas-sais palang ng umaga. Nagtataka siya dahil hindi naman ito maaga kung magising kaya hinanap niya ito sa kabahayan. Tulog pa rin ang mga magulang niya ganoon rin ang anak kaya saan ito nagpunta. Kinabahan tuloy siya baka mamaya ay may plano na naman ang Mama Amelia nito at pinagtangkaan ang buhay ni Jonathan...Kinabahan siya sa mga naisip. Tumuloy kaagad siya sa bakery nila baka sakaling nagpaalam ito doon dahil 24 hours naman silang bukas at hindi nga siya nagkamali dahil nag-iwan ito ng sulat. Pinapasunod si

