HALOS sabunutan ni Amelia si Ara sa sobrang galit. Pakiramdam niya ay wala itong ginagawa para maisakaturapan ang mga plano nila. Ang masakit pa wala pa naman sila sa kalagitnaan ng plano ay umaayaw na ito. “Ayoko na! Pinagbantaan na ako ni jonathan na kapag nalaman niyang hindi siya ang tunay na ama ng dinadala ko ay ipapakulong niya ako. Paano na lang ang anak ko kapag nakulong ako? Maaalagaan niyo ba siya?” sagot ni Ara sa kanya. “Bullshit!” sigaw niya sa babae. “Sige saktan mo pa ako?” palaban na sigaw ni Ara sa kanya kaya natigilan siya. “Tama na ang kadramahan Tita Amelia. Tama na ang pagpapanggap. Ayoko ng magpanggap na Tita kita at Tito ko ang kabet ninyo na si Rigor dahil alam naman ang totoo. Hindi ba?” “Shut up!” bulyaw niya sa babae. “Baka may makarinig sayo,” pagbabawal ni

