ILANG ARAW na silang nasa Tagaytay dahil sa kanilang honeymoon. Walang katumbas na kasayahan ang nararamdaman nila. Ang ganda ng lugar marami ring halaman na pawang namumulaklak dahil farm ang naturang rest house. Nagmistulang paradise ang lugar lalo na kapag gabi. Tamang-tama sa kanilang dalawa na nagpupulot-gata. Hindi ganun kainit ng mga oras na iyon kaya naglagay sila ng makapal na comforter sa garden malapit sa puno ng mangga upang matanaw ang ganda ng kalangitan at doon ay humiga sila na parang mga bata. Naalala niya tuloy noong mga bata sila. Parati silang nasa kubo at doon nila binubuo ang kanilang mga pangarap na magkasama. Kung alam niya lang noon na silang dalawa pala ang magkakatuluyan sana ay mas naging matibay pa ang kanilang pagmamahalan para hindi na humantong sa sakitan a

