Chapter 13:Ikaw Lamang "Love, ni-cash mo 'yong pagbili mo sa automatic dishwasher?" Lumingon ako kay Trystan at inilingan siya. Narito na kaming dalawa sa kwarto, alas diyes na nang gabi ngunit hindi pa kami natutulog dalawa. Actually, nakatutok lang siya sa phone at ako naman ay nage-edit ng lesson para bukas. Ngayong gabi lang kasi ang free time ko dahil may mga ginawa ako kanina at iyon ay 'yong pamimili, pagluluto, at paglalaba. Kanina, inayos ni Trystan iyong niluto ko. Dinagdagan niya ng tubig at binawasan iyong sauce ng adobo para hindi umalat. Mabuti na lang at inayos niya kaya nakakain kami nang hindi na kinailangang um-order pa sa labas. Sa susunod talaga ay magc-check ako kung gaano karami ang ilalagay. Wala naman kasing nakalagay doon sa journal kaya taktak lang ako nang tak

