Chapter 14:Panalangin "Good morning, Ma'am! Dito ko na lang po ba ilalagay 'tong mga projects?" Sinara ko ang hawak kong libro at tumingala sa isang estudyanteng biglang lumapit sa akin. Si Rina pala iyon, isa sa mga estudyante ko sa section one. May hawak-hawak siyang maraming folders sa kamay niya, ganoon rin 'yong dalawang lalaki sa likuran niya. May dalawang lalaki at isang babae sa likuran niya sa tingin ko ay kasama niya. "Dito mo na lang ilapag 'yan," sagot ko at itinuro 'yong free space sa table ko. "Sige po, Ma'am!" Nangunot ang noo ko nang pagkangiti at sagot niya sa akin n'on ay sumulyap muna siya sa likod niya, nakita kong nagkatinginan sila n'ong lalaki sa likuran niya na parang nagu-usap silang dalawa na ang gamit lang ay mga mata. Hindi ko na naintindi iyon nang lumapit

