Chapter 20:Hanggang Kailan? Kinaumagahan, pagkagising ko ay wala akong makapa sa tabi ko. Nang maidilat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang makitang wala si Trystan sa tabi ko, ni hindi nga man lang nagusot iyong parte ng kama kung nasaan siya. Patayo na ako ng kama nang bigla kong masipa 'yong laptop ko na nakalimutan ko pang itabi kagabi. Hindi ko na lang inintindi iyon at tumayo na lang para makapag-ayos na. Inalis ko muna sa isipan ko si Trystan, iniisip na baka nasa baba na 'yon o nauna nang pumasok. Hindi ko man lang siya nakausap kagabi dahil nakatulog ako agad, isa pa, ni hindi ko alam kung pumasok na ba siya agad dito sa kwarto kagabi matapos ng hindi pagkakaunawaan naming dalawa, hindi ko nga rin alam kung dito ba siya natulog o ano. Naninibago ako, nagtataka... At nalu

