Chapter 19:Self-Centered Pagkatapos ng pagkikita namin ni Tate ay hindi pa ako umuwi. Kinailangan niyang makauwi agad dahil may kikitain pa siya tungkol sa trabaho niya kaya nang maghiwalay kami ay doon na ako sa mall dumeretso para mamili ng mga gamit na kailangan ko. Bibili pa ako ng isang ream ng bond papers dahil kailangan ko pang maghanda para sa second grading examination ng mga estudyante. Kailangan ko na rin ng stock ng pens, sign pens, highlighters at iba pang kailangan ko. Mga school supplies ang kailangan ko kaya sa bookstore sa loob ng mall ako dumeretso. Naisipan ko ring bumili ng ilang libro na pwede kong basahin kapag wala akong ginagawa. Noong College kasi ay naging hobby ko ang pagbabasa dahil sa dami nang mga binabasa ko kaya naisipan ko ring magbasa ng mga libro na hin

