Chapter 18:Life Goes On Ilang linggo ang nakalipas nang mawala si Rina. Matapos niyang mai-libing kinabukasan n'ong ikahuling burol niya ay doon na ako nagising na wala na nga talaga siya. Hindi na ako pumunta n'ong libing niya dahil may nilakad rin kami ni Trystan noong araw na iyon. Nabanggit ko rin sa kaniya ang lahat-lahat nang nalaman ko, sinabi ko ang lahat nang sinabi sa akin ni Harper sa akin noong huling burol ni Rina. Hindi ko naman kasi is-sikreto iyon kay Trystan dahil pati siya ay kuryoso sa kung sino 'yong nagbibigay sa akin ng bulaklak. Ngayong wala na si Rina, wala na akong matatanggap na ganoon... Pagbalik namin sa eskwela lahat, noong mga pa-unang araw na wala na si Rina ay naging mahirap para sa ibang kaklase niya lalo na kay Robi na may gusto pala kay Rina. Kawawang b

