Chapter 17:The Truth Bakit kasalanan ko? Bakit parang naging kasalanan ko pa? Paano ko naging kasalanan? Anong ginawa ko? May nagawa ba ako? Paano naging ako? May nasabi ba ako kay Rina para gawin niya iyon? Bakit ganoon siya magsalita... Bakit ganoon sila magsalita sa akin? Bakit wala akong ka-alam-alam sa mga nangyayari? Bakit galit na galit sa akin si Robi? Bakit ako ang sinisisi niya gayong alam kong wala naman akong kasalanan? Bakit naging kasalanan ko? Bakit ganoon ang mga salitang binitawan sa akin ni Rina? Ano bang ginawa ko sa kaniya, sa kanila para ganituhin nila ako? Bakit? Ano? Paano? Ang dami na namang tanong na bumabagabag sa isipan ko ngayon ngunit palagi na lang akong walang nakukuhang sagot para sa mga katanungang iyon. Wala akong ibang maisip kung 'di iyong nangyari kan

