Kelseay
Nakaalis na ang sangganong iyon pero hindi pa rin kumakalma ang maharot kong puso. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Tipong bumibilis ang puso ko at parang nakukuryente ako.
Noong hinalikan niya ako ulit sa ikalawang pagkakataon, katulad iyon ng unang halik niya: suwabe, nakakatunaw, nakakatindig-balahibo, at higit sa lahat, nakakabaliw. Aaminin kong kamuntikan na akong magpadala sa tukso. Kung hindi pa kami inistorbo ni Tatay, siguradong goodbye pearly shells na ang peg ko.
"Kung bakit ba naman naging marupok ka, Kelseay!" sermon ko sa sarili ko habang nagpapagulong-gulong. "Kailangang labanan mo na sa susunod ang pang-aakit niya! ‘Wag kang magpapadala sa kanya, naiintindihan mo?" dagdag ko pa. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at doon ibinuhos lahat ng mga hinanaing ko.
Muli kong inalala ang mga nangyari kanina. Iyong maaamo niyang mga mata, ang makakapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at higit sa lahat, ang mala-rosas sa pula niyang mga labi.
"Susko, Kelseay Jade! Tama na ang pagpapantasya, nagiging m******s ka na," patuloy kong kausap ang sarili ko, kasabay ng pagtapik ko sa mukha ko.
Akma ko nang ipikit ang mga mata, pero ang mapang-akit niyang mukha ang nasisilayan ko.
Jusmiyo, Marimar! Namamaligno na ata ako. Kailangan ko nang magpakonsulta sa albularyo bukas!
"You're driving me crazy, sweetheart. I want to taste those lips again."
Para bang sirang plaka, paulit-ulit sa pandinig ko ang katagang iyon. Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok sa sobrang frustration.
"Agh! Ako yata ang magiging baliw nito! Walang hiya kang sanggano ka. Mababaliw na talaga ako nito," nanggigigil kong saad.
Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sa tuwing pipikit ako, ang nakakalokong mukha ng sanggano ang bumubungad. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. Hindi na siya nawawala sa sistema ko, at hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.
Nang makaramdam ako ng uhaw, kaagad akong tumayo sa kama. Marahil ay tulog na siya kaya panigurado akong hindi niya mararamdaman ang presensiya ko. Parang natuyo ang lalamunan ko at gusto kong uminom ng maraming tubig.
Dahan-dahan kong tinungo ang kusina, doble-ingat para hindi makaistorbo. Nang marating ko ang kusina, kaagad akong kumuha ng baso. Binuksan ko ang mini ref at kumuha ng malamig na tubig. Nakainom ako ng dalawang baso, at patalikod na sana ako nang bigla kong naramdaman na may humawak sa akin.
"Ay tao ka!" impit kong tili habang nakahawak sa dibdib ko.
Susko! Hindi pala tao, kundi sanggano ito. Bakit gising pa siya?
"Nananadya ka ba?" mataray kong tanong.
"Ano na naman ba ang ginawa ko?" inosenteng tanong niya pabalik.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat? Tsaka isa pa, bakit gising ka pa?" muli kong tanong.
"Well, akala ko kasi may magnanakaw eh, kaya napabangon ako. Malay ko bang ikaw pala 'yan," aniya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Tsk! Ewan ko sayo. Tabi nga, matutulog na ako." Kaagad ko siyang itinulak, pero sadyang malakas siya at hindi natinag. Nahawakan niya ang braso ko.
"Alam ko namang hindi ka nakatulog dahil nabitin ka eh. Well, ngayon walang istorbo at mahimbing ang tulog ni Dad. Pwede na nating ituloy ang naudlot kanina," mapang-akit niyang sabi. Medyo may kadiliman sa pwesto namin, pero naaaninag ko pa rin ang mala-demonyong ngiti niya.
"Walang tatapusin dahil walang nasimulan, naiintindihan mo? Pero kung hindi, aba, i-google mo," singhal ko.
"Why are you so defensive, sweetheart? As far as I remember, nagustuhan mo ang nangyari kanina kaya 'wag ka—"
"Oh, shut up!" putol ko. "Hinding-hindi na ulit mangyayari iyon, naiintindihan mo? Hindi na ako magpapaakit sa’yo, sanggano ka!" bulyaw ko.
"How can you be so sure, sweetheart? Kaya kong gawin 'yun anytime, anywhere. Especially here," aniya at lumapit kaya napaatras ako. Bigla niya akong na-corner sa mesa, kaya napatukod ako.
"S-Subukan mo lang talaga at sisigaw ako!" banta ko.
Sumilay sa kanya ang nakakalokong ngiti. Naaamoy ko ang mainit na hininga niya at naaamoy ko rin ang repleksyon ng ilaw sa mukha niya.
"Scared?" mapanuksong tanong niya.
"Scared mong mukha mo! Nauulol ka na naman, Lean," sagot ko. Hindi ko maipagkaila ang mabilis na t***k ng puso ko at ang pamilyar na kiliting dulot ng hininga niya.
Isang malawak na pagngisi ang namutawi sa mukha niya.
"It sounds so sexy when you say my name. Can you repeat it again? I want to hear more," napapakagat-labing sabi niya.
Jusmiyo, Marimar! Bakit ang hot niya? Bakit natutukso na naman ako? Bakit?
"A-Ano ba? P-Pakawalan mo na nga ako. Matutulog na ako," aligagang sabi ko.
Susko po! Puso ko, baka tuluyan nang ma-fall!
"Say it again, sweetheart. Say my name. I want to hear that again," aniya.
"M-Matutulog na talaga ako. Alis na kasi." Pilit ko siyang tinutulak pero mas lalo pa niyang dinidikit ang katawan niya sa akin.
Manyakol kang Herodes ka!
"Come on, sweetheart, I'm waiting. Say my name. Or else..."
"Or else ano?" hamon ko.
"Or else I will eat you here," seryosong saad niya.
Susko! Forever manyakol talaga! Bwisit!
"Fine! Lean. Happy?" inis kong sabi.
"Nah. I want you to say it in a sexy and seductive way," aniya habang kumikislap ang mata.
Pinandilatan ko siya sa sinabi niya. "No way! Ayoko. Alis na sabi eh. Sisigaw talaga ako rito nang rape."
"Sige, sumigaw ka. Tototohanin ko talagang re-r**e-in kita," banta niya. "Just say my name in a sexy and seductive way. After that, you'll be free," pagkukumbinsi niya.
"Agh! Fine!" Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago tingnan siya. "L-Lean," pikit-matang sabi ko.
"Oh God! You're so—Aist. Never mind. Goodnight, sweetheart. Wet dreams," aniya saka kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi bago niya ako iniwan.
Geez!