Chapter Twenty-three -Marie- Nagising akong nakatali na, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat pero ang huli kong natatandaan ay may pumalo sa ulo ko ng malakas na bagay at nawalan ako ng malay. Hindi ko rin maintindihan, pero alam kong nakita ko si Papa bago ako mawalan ng malay. Nakita ko ang maladimonyo nitong pagngisi sakin, at masasabi kong hindi si Papa ang nasa harapan ko ngayon. Pilit kong kinakalas ang tali sa aking kamay pero napaka higpit nito at hindi ko kayang tanggalin. Nasa ganoon akong ayos ng bumukas ang pintuan, nasilaw pa akong sa naging liwanag na nagmumula don. Inakala ko tuloy na kinukuha na ako ng langit ngunit nawala ang imagine ko ng makita ko kung sino ang nakatayo sa aking harapan. Wala iba kung di ang kawangis ng aking Papa. Pero sigurado akong hindi

