Chapter Twenty-four -Jax- Nakasakay na ako ngayon sa aking sariling motor pupunta sa lugar na binigay ni Gemma kanina. Isang patibong lang kasi ang natanggap kong address kanina. Mabuti talaga at tinulungan kami ni Gemma para mahanap namin sila Marie. Malapit na ako sa lugar kaya naman minabuti kong bagalan na lang muna ang takbo. Pinatay ko agad ang makina at tinumba ko ang motor sa isang magubat na paligid, walang gaanonh dumaraan kaya naman nadali na rin para sakin ang ayusi ang mga dala ko. Suot ko ang salamin na pwde makakakita sa dilim. Nagpalit na rin ako ng damit na parang ninja na halos mata lang din ang makikita sa aking mukha. Ito ang naisip ni Gemma para hindi agad ako makilala ng kalaban at madali rin ang pagkilos ko habang nakikipaglaban sa mga ito. Nang masigurado kong

