Chapter Six
-JAX-
Andito ngayon ako sa pad ko dahil masama ang pakiramdam ko at dahil sa ilang araw na akong puyat at pagod para hanapin ang black ninja na tumulong sa aming magkapatid na hindi ko kilala kung sino nga ba sila o anong klaseng pagkato sila meron. Alam kong mga babae silang lahat at kahit pa ganoon at aaminin kong maging ang mga tauhan ko ay hirap na mahanap kung sino nga silang talaga. Ayoko naman humingi ng tulong kay Daddy, dahil alam kong magtataka lang ito sa kakayahan ko at baka kung ano pa ang isipin nito sa akin, lalo pa at tungkol sa babae ang hinahanap ko. Ilang araw na ring hindi nagpapakita sakin si Marie, at hindi ko alam kung anong nangayyari sa babaeng yon sumasabay pa ito sa dami ng iniisip ko kaya man double ang pag-aalala ko ngayon dahil sa hinahanap ko ang magiging makulit ng isang yon.
Dati rati kapag nalaman nitong andito ako sa pad ko ay bigla na lang ito susulpot na parang kabute sa harap ng pinto ko at magdadala ng kahit na anong pagkain na pwde nitong ibigay sa akin. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na ako ang sinusuyo ng babae pero sa huli ay nagugustuhan ko na rin ang ginagawa nitong pangungulit. Pero ngayon kahit anino nito ay hindi ko maramdaman bigla ako nag-alala sa kanya kaya naman nahahati ang utak ko ngayon dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko na hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Wala din akong mabuong plano dahil masakit pa ang ulo ko. Napapailing akong tumayo dahil parang mas sumakit ang ulo ko na parang binibiyak yung ulo ko, yung parang uminom ka ng magdamag kagabi at may hangover kinabukasan ganoon yong nararamdaman ko. Pero kahit anong klaseng alak ay hindi nasayadan ang lalamunan ko at wala akong planong mag-inom dahil nga sa pag-iisip ko kay Marie na ilang araw ko na ngang hindi nasisilayan o nakikita ang maganda nitong ngiti na sa akin lang nito pinakikita.
Nasabihan ko na rin naman si Migs, na ayusin muna nito ang mga trabaho ko sa opisina dahil kahit na kanang kamay ko ito ay ito rin ang personal secretary ko. Ayaw ko kasi kumuha ng babaeng secretary dahil nauuwi lang sa paglalandi sa akin at s’ympre alam na kung saan patungo ang bagay na yon, subalit bigla na lang ako nagsawa sa palaging ganoon na lang ang nangyayari sa buhay ko. Parang walang katapusang panandalian lang na saya ang nakukuha ko sa kanilang lahat, alam kong nagkakaedad na rin ako at kailangan ko na rin bumuo ng pamilya na tulad ng iba ko pang mga kapatid na ngayon ay masaya sa piling ng kanilang mga babaeng pinili para mahalin at gawing reyna. At isa pa madalas sa mga naging secretary ko ay nagiging kalaban kaya naman si Migs na lang ang gumagawa ng lahat para sakin kahit pa gaano ito kadilikado. Kilala ko naman ito mula ulo hanggang paa at malaki ang tiwala ko dito kahit pa malayo ito sa akin alam kong hindi ako nito lolokohin o magagawang kalabanin dahil alam nitong hindi rin naman ako madaling matalo. Muli akong naupo sa isang upuan dito sa sala ng marinig kong tumunog ang doorbell ng pintuan ko, lihim pa akong napangiti umaasang si Marie ito at may dalang pagkain na sabay pa naming kakainin ngayon tulad na lagi nitong ginagawa. Mabilis kong nakalapit sa pintuan para buksan kahit pa nakakaramdam ako ng hilo, subalit si Migs lang ang nakita ko at may dala itong paper bag na halatang pagkain ang laman nito. Lalo atang sumama ang pakiramdam ko dahil sa maling tao ang inaasahan kong makita ngayon, mabilis kong naibalik ang pagiging seryoso ko ng malamang hindi ito si Marie.
“Master, mukhang hindi ako ang inaasahan mong makita ngayon, ha? Hanggang nagyon ba hindi ka pa rin n’ya dinadalaw? At sa tingin mor in ba may ibang lalaki na s’yang nagugustuhan kaya naman hindi na s’ya nagpapakita s’yo dito sa pad mo? Nakangisi nitong sambit sa akin habang inaayos nito ang pagkain sa center table ko. Natatawa pa ito na animoy matutuwa sa kanyang pinagsasabi. Hindi ko naman malaman subalit alam kong gumulo ang dugo ko at parang gusto ko na lang paslangin ang lalaking makikita kong kasama ng babaeng yon.
“Pasalamat ka masama ang pakiramdam ko ngayon at baka makalimutan ko kung sino ka sa paningin ko, Migs.” Sagot ko dito at naniningkit ang mata kong tinignan ito. Napaayos naman ito ng tayo sa harapan ko at inabot na lang nito sa akin ang ipad nito na may lamang mga report sa kanyang mga naging trabaho sa ilang araw. Kanina lang ito dumating at mukhang gusto ko na lang ulit paalisin, tutal naman mukhang walang Magandang sasabihin sa harapan ko ngayon.
“Sabihin mo na lang kung ano ang kailangan mo, at sa tingin mo talaga babasahin ko yang report mo samantalang kaya mo naman sabihin sa harapan ko ngayon. Mabuti pa simulan mo na lang at wala akong panahon s’yo. Masakit ang ulo at baka hindi kita makilala at barilin na lang kita yan sa kinatatayuan mo.” Nakapikit kong sagot dito at ang ulo ko ay nasandal sa upuan habang ang aking kanang braso ay nakapatong sa aking mata, hindi ko kinuha ang inaabot nitong pagkain dahil sa wala akong sa mood kumain at parang gusto ko lang matulong na lang muna at kalimutan na rin ang lahat.
“Pasensya na po Master, nalaman na namin kung sino ang mga black ninja, may mga taong kayang sabihin kung sino at anong klase silang grupo. Ngun’t sa ngayon ay sinisigurado pa namin ang lahat at baka maging patibong lang ito ng mga kalaban n’yo. Kung tama ako sa aking mga hinala tungkol sa kanila ay ipapaalam ko po agad sa inyo, Master Jax. Masyado rin silang magaling magtago lalo na tunay nitong identity, wala kaming makita na kahit na anong record kung kaninong grupo sila kabilang at walang iniiwang bakas kung sino o ano man sila.” Malinaw nitong salita sakin at randam ko na rin ang pag-upo nito sa tapat kong upuan. Kahit pa masama ang pakiramdam ko ay alam ko ang mga nasa paligid ko at iyon ang isang bagay na tatak ng isang De Lana na tulad ko.
“Kapag sigurado ka na, ibigay mo sa akin ang lahat ng inpormasyon na makukuha mo o kahit naong record at ako mismo ang makikipagkita sa kanilang apat. Nasa nga lang ay hindi silang maging banta o bagong kalaban dahil kahit mga babae pa sila ay hindi ko sila hahayaan na Manalo sa akin. Pero sa ngayon bantayan mong mabuti ang loob at labas ng hospital kung saan naroroon ang kapatid ko, sigurado akong babalik ang mga kalaban nito para patayin si Julo, at hindi ko hahayaan na mangyari yon, Migs. Alam mong traydor sila at sigurado akong sasamantalahin nila na nasa hospital pa ito, kaya ikaw mismo ang inaasahan ko sa mga ganitong bagay. Magsama ka rin ng ibang tauhan mo tapat s’yo ng sa ganoon ay may makatulong ka sa lahat ng pinag-uutos ko s’yo.” Salita ko dito ng sa ganon ay maging aayos pa ring ang lahat kahit pa wala ako. Tumayo na ito at nagpaalam sa akin pero iniwan nito ang ipad na dala nito kanina para mamaya ay mabasa ko ang mga ilang report na naroroon. Halos ilang araw talagang masama ang katawan ko at walang ganang kumilos pa.
Palagi naman andito si Migs para tignan ang kalagayan ko o kung kaylangan ko ng magpadala sa hospital, subalit hindi ako ganoon kahina para mahospital pa. Lumipas pa ang halos tatlong araw ay naging mabuti na rin ang pakiramdam ko at nakapasok na ako ng aking opisina para tapusin ang lahat bago ako umalis papuntang ibang bansa at maramio din akong transaction doon. Subalit ganoon pa man ay nagawa naman ni Migs ang ilang trabaho ko at nagtagumpay din ito sa iba pa. Nagsabi ako kay Migs na ayaw kong mapaistorbo dahil gusto kong matapos ang lahat ngayon dahil bukas at lalabas na si Julo. At gusto kong ako mismo ang maghahatid sa bahay nito at kailangan na nitong gumaling ng sa ganoon ay hindi mapansin ni Mommy Arriya na may nangyari dito, isa pa naman na malakas ang pakiramdan non pagdating sa aming magakkapatid at wala kaming lusot oras na malaman nito ang totoo. Nakatuon ang pagbabasa ko sa isang folder ng kumatok si Migs sa aking pintuan. Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong meron lang itong dadalhin sakin na iba pang folder na kailangan kong tignan. Pero nagulat ako sa binigay nitong black folder at alam kong confidential ang laman nito tinignan ko muna ito bago buksan ang folder.
“Iyan na po ang hinihintay n ‘yo nasa loob ng folder na iyon ang pinuno ng black ninja, Master.” Kuno’t noo kong tinignan ang folder na nasa aking harapan sa hindi ko malamang dahilan ay kinakabahan akong malaman kung sino ang mga ito at kung bakit nila kami tinutulungan at kung ano ang totoong hangarin nila sa ginagawa nilang pagtulong sa amin na hindi ko man lang nauunawaan sa ngayon. Subalit halos takasan ako ng aking sarili at nang laki ang aking mga mata ng makita kung sino ito at kung anong klaseng pamilya ito nabibilang. Kaya naman muli akong napatingin kay Migs na may pagtataka sa aking mukha, pero tumango lang ito bago muling nagsalita sa harapan ko at ng maunawaan ko rin naman ang lahat.
“Yes, Master. Si Marie po na laging nakasunod sa iyo at ang black ninja sa larawan ay iisa lang po. At nalaman din namin na siya pala ang nag-iisang anak na babae ni Israel Del Carmen, ang inakala batang napatay noon, ay buhay na buhay pa. Nanatili siya sa ibang bansa para mag-aral at itinago rin s’ya ng kanyang ama ng sa ganoon ay hindi masala sa gulo. Ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang ama, bumuo siya ng isang grupo na may apat lamang na miyembro, nalaman din namin na wala itong balak na sumali sa kahit anong organisasyon at nalaman ko rin na ikaw lang pala ang tinutulungan nila. Tanging De Lana lang pala ang inililigtas nila, kahit alam nitong mortal kayong kalaban ng kanyang ama. Noong una ay nagtataka pa ako kung bakit ikaw lang ang laging tinutulungan pero napagtanto ko na ang Marie na kilala mo ay kamukhang kamukha ni Marie sa black ninja picture. Kaya naman gumawa ako ng isang paraan upang patunayan ang aking mga hinala at iyan po ang lahat na aking nalaman, Master.” Mahabang paliwanag nito sa akin na ikinatingin ko lang dito.
“Paano mo napatunayan na ang Marie na kilala ko at ang Marie Del Carmen ay iisa? Paano mo mapapatunayan ang lahat ng ito sa akin, Migs?” Maautoridad kong tanong dito at hindi inaalis ang aking mata sa picture na hawak mo mula pa kaninia. Maganda ito sa kanyang picture kahit pa may suot itong mask at astig talagang ang porma, mukha pa nga itong assassin kung titignan. Hinaplos ko ang picture nito at nakikita ko sa mata nito ang galit na hindi ko alam kung saan nagmumula.
“Ito po Master, makikita mo ang resulta ng DNA test na ako mismo ang nagbantay at siniguro ko na walang magiging problema o kahit na anong pangdaraya. Sinikap kong kumuha ng isang bagay na magpapatunay na iisa lang sila. Sa totoo lang po doon pa man ay may hinala na ako sa babaeng yon dahil sa tuwing nawawala s’ya ay meron namang nagliligtas sa inyo. Pero iniisip ko pa rin baka mali lang ako dahil sa apat na babae ang nagliligtas sa inyong magkakapatid, at saka alam din nating dalawa na lampa po ang babaeng yan sa maraming bagay. Subalit alam kong kailangan n’yo na rin po malaman ang totoo kaya naman po para mawala na rin ang hinala ko sa kanya at minabuti kong alamin na rin ng sa ganoon ay ikakatahimik ng isip n’yo, Master.” Kasabay ng pagsasalita nito ay inabot sakin ang isang puting sobra mababasa sa labas nito ang hospital kung saan ito ginawa. Unti-unti kong binuksan ang papel na puti at binasa ang nakasaulat dito at lalo akong naliwanagan sa mga nababasa at nakikita ko ngayon. Tama nga ang sinabi nito dahil ang resulta ay 99.99 % ibig sabihin iisang tao lang ang dalawa.
“Walang makakaalam nito Migs, kahit mga kapatid ko o ang sarili kong ama, sa ngayon ay kailangan nating itago ang totong pagkatao nito at baka bigla na lang ito umalis o lumayo ng hindi pa natin nalalaman ang totoong dahilan nito, nagkakaintindihan ba tayo? At isa pa kapag kasama ko si Marie, ay pangpanggap ka pa rin na walang alam ng sa ganoon ay hindi nito mahatala na may alam na tayo tungkol sa kanya, hindi niya pwdeng malaman ang mga sinabi mo ngayon sa akin. Hayaan mo akong kumilos na ayon sa plano at gusto ko, tutal naman mukhang hindi s’ya magiging kalaban o panganib dito na tulad ng kanyang ama?” Sabi ko dito at itinabi ang mga dokumento nito sa isang secret box na nasa loob mismo ng isang kabinet ko sa ilalim ng aking mesa.
“Pero Master, sa tingin ko rin po ay alam na ito ng inyong ama dahil alam n’yong walang lihim na hindi nito nalalaman kahit pa itago mo.” Salita nito sa akin at tumingin ng makahulugan. Napailing naman ako dahil alam kong tama ito dahil kaylan man ay walang naililihim sa aming ama na hindi nito nalalaman. Sa kanya kami galing at nakakasiguro akong kahit anong gawin ko at alam n anito ngayon.
“Hayaan mo lang si Daddy, natitiyak kong hindi s’ya makikialam sa plano ko. At kung sakaling magtanong s’ya alam mo na rin ang isasagot mo, Migs?” Makahulugan kong sambit dito at saka ako tumayo para pumunta sa side table at kumuha ng maiinom na alak, wala pa man akong balak uminom ngayon subalit mukhang kailangan ko ito ngayon ng sa ganoon ay mapakalma ang aking pakiramdam. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako makapaniwalang si Marie ang ninja na yon. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan n’ya subalit nakikita kong ang tao ng personalidad nito sa pagiging simpleng babae at sa ninja na nagkakasama ko sa labanan.
Tumango naman si Migs at mabilis na nilisan ang aking opisina, naupo ako at napapaisip sa mga nangyayari hindi ko suka’t akalain na si Marie at ang black ninja na tumutulong samin ay iisa lang. Mahabang panahon na rin itong panay ang sunod sakin, hindi ko na nga maalala kung kaylan ito nagsimulang sumunod o sundan ako dahil sa palagi lang itong nasa tabi ko at wala akong kalam-alam na ito pala ang nagiging tagapagligtas naming magkakapatid. Naalala ko pa kahit na anong gawin kong pagtaboy dito, ay hindi ito umaalis at lagi lang itong nakangiti sakin kahit napapahiya ko na rin ito sa maraming tao. Akala ko ay titigil na rin ito ng kausapin ko si Megan na isa sa mga tauhan ko para magpanggap na girlfriend ko kapag anyan si Marie. Pero hindi man lang siya Nnaniwala sa ginawa namin ni Megan at wala siyang pakialam kahit na sino pang babae ang kasama ko, kaya sa huli ay hinayaan ko na lang din.
Dahil nitong mga huling araw na hindi ito nagpapakita sakin ay hinahanap ko naman ang presenya nito sa paligid kung saan ako naroroon. Pero ngayon mas lalo akong naguguluhan dahil sa mga nangyayari, hindi ko talaga maisip na Anak ito ng isang taong matinding kalaban ng aming pamilya. At sa sobrang galing nito kumilos ay hindi ito nabubuking na sariling Ama. Kaya naman dapat kong malaman ang lahat dito at kung bakit niya kami tinutulungan, para lang kalabanin ang kanyang sariling ama. Hindi ba ito takot malaman ng kanang ama ang kanyang pinaggagawa? O sadyang walang kinatatakutan ang babaeng yon?