THE REAL ME

2125 Words
Chapter Five -Marie- Nakatanggap ako ng text mula sa tuhan ni Daddy na ngayong ay susugurin nila ang hideout ni Julo De Lana isa sa kapatid ni Jax at ang lalaking mahal ko, handa kong gawin ang lahat basta magawa ko lang mabantay ang buong angkan nito dahil alam kong isa ang aking ama sa mga taong gustong mawala sa mundo ang mga De Lana. Pero hindi ako papayag na mapahamak ang kapatid nito kaya naman mabilis ang kilos na pumunta ako sa lugar kung saan naroroon ang hideout nito, hindi maaaring mapahamak ang isang De Lana lalo na kung dahil lang sa aking ama na walang ginagawa kung di ang magpahamak ng ibang tao para lang sa kanyang nais na kasamaan. Oo, anak ako nito at kadugo pero ayokong maging bulag-bulagan sa kung ano ang tama kaya kahit alam kong magagalit ito ay nagagawa ko pa rin itong kalabanin hanggang sa mapag-isip-isip nito na talagang mali ang kanyang mga ginagawa, sa totoo lang ay ayoko rin naman na mapaslang ito ng kahit na sino kaya hangga’t maaari ay gumawa ako ng paraan para maiwas ito sa gulo dahil kahit anong gawin ko ay ama ko pa rin ito. Samantalang hindi naman maalis sa akin ang kilig at kasiyahan dahil sa nagawa kong nakawan ng halik kahit sa pisngi lang si Jax, at ng makita kong natulala ng dahil sa ginawa ko dito. At dahil na rin sa pagkatulala nito ay nagawa kong makaalis sa harapan nito ng hindi nito nalalaman natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko ang tagpong yon at kung paano ko naisahan si Jax. Sa ngayon ay nangingiti pa rin ako kahit andito na ako sa loob ng kotse para pumunta sa lugar ni Julo para na rin tulungan ito sa tiyak na kapahamakan ng grupo nito hindi ko mapigilan na ngumiti kahit alam kong aasarin naman ako ng tatlong panira ng love life ko. “Boss, mukhang naka score kana sa nililigawan mo ah? At ang saya ng mukha mo, mukha kang t*nga yan!” Salita ni Gemma sakin habang pinupunasan nito ang paborito nitong baril na isang uri ng pistol. Hindi ko ito pinansin dahil sa akupado ng isip ko ang puso ko ngayon at masaya lang ako saka ayokong masira ang pag-iimagine ko ng dahil lang sa pang-aasar nito sa akin narimig ko pang nagtawanan sina Nicole at Mich. “Alam n’yo kung ganyan lang ang makikita ko sa inlove na tao, ayaw ko ng mainlove aba nakakabaliw pala?” Sabat naman ni Mich at nasa likod ito habang nakapikit at may suot pa ng shade na kulay black. Para lang itong natutulog sa likod at animoy walang pakiramdam, yun pala isa rin itong manggagatong para lang istorbuhin ang pananahimik ko. “Alam mo may punto ka Mich, pero itong si boss kapag nagmahal nakakamatay. Imagine hindi lang ang may my loves nito ang binabantayan natin kung di ang buong pamilya ng lalaking mahal niya. Aba! sa tingin ko kailangan nating maningil sa mga De Lana eh daig pa natin ang body guard ng mga ito sa dami ng kalaban nilang halos tayong lahat ang tumapos. Naku boss hindi ka pa man nakikila ng pamilya tiyak na boto sila sayo. Kaya galingan mo pa ha!” Natatawa namang sabat ni Nicole habang nagmamaneho. Masama na rin ang naging aura ko at makikita na rin sa akin na kaya kong pumaslang ng mga kaibigan kahit ngayon din mismo at hindi ako maaawang gawin yon dahil kailangan na rin mawala ng mga ito sa buhay ko. “Boss, akala kasi naming hindi ka pa gising sa panaginip ko hahahah.” Nang-aasar pang sagot ni Mich sa akin at saka tinignan ang hawak nitong cellphone na animoy nakatanggap ito ng text mula sa hindi ko kilalang tao. “Alam n'yo bilisan na lang ninyo dahil kapag hindi natin inabutang buhay si Julo, sisiguraduhin kong may susunod sa inyo, kaya kung ako sa inyo ayusin na ninyo n’yang trabaho n’yo kung ayaw n’yong mawalan ng sahod ngayong katapusan.” Galit ko turan sa mga ito. Nagsipag-ayos naman ito at naramdaman ko na lang ang mabilis na pagpapatakbo ni Nicole ng sasakyan, napangisi naman ako dahil alam kong takot na ang mga ito dahil nabanggit ko ang tungkol sa magiging sahod nila. Ilang million ang mga kinikita nito sa akin pero wala man lang ako nakikita sa mga ito na ari-arian o bahay man lang na pinatatayo. Dahil lahat sila ay sa hideout ko pa rin nakatira at ginawa na rin nilang apartment yon kaya minsan ay pinalalayas ko sila at hindi na talaga ako natutuwa sa mga ito. Nang makarating kami ay mabilis akong bumababa para iligtas si Julo, malalakas na pagsabog ang naganap pero hindi ko iyon ininda dahil alam kong kailangan ni Julo ng tulong at isa pa alam ko kung paano kumilos ang mga tauhan ni Daddy kaya naman madali lang talaga sa amin ang lahat ng ito. Nakikipagpalitan na rin ako ng putok at nakikita kong isa-isang tinatamaan ang kalaban namin, hanggang sa patuloy pa rin ang mga tauhan ko sa pakikipaglaban ay nakita ko na si Julo na nanghihina at mukhang malala ang naging tama nito sa likod, mabilis kong inutos na tapusin na ang labanan at wala silang ititirang buhay, dahil mahirap kung makakarating kay Daddy na may tumulong na ibang ninja sa mga De Lana. At sa isang iglap ay napatay namin ang lahat ng tauhan ng aking ama at hindi naman nila ako makikilala dahil sa may takip ang aming mga mukha at tangin mata lang kita sa akin. Sila Mich at Nicole ang naglinis ng paligid samantalang ako at si Gemma ang nagdala sa pinakamalapit na hospital para magamot agad si Julo at ang iba pa nitong mga tauhan, kilala ko ang mga De Lana na mapagmahal sa kanilang mga tauhan kaya alam kong masakit sa kanila kung malalaman nilang may mawawalang isang tauhan ng dahil rin sa kanilang kapabayaan. Nag-iwan na lang din ako ng isang sulat para alam ng mga kapatid nito kung saan nila pupuntahan ang mga sugatan. Papalabas na sana ako ng hospital ng makita ko Alex ang pinsan ko sa Ina magkasundo naman kami nito subalit wala itong alam sa tunay kong layunin at kung bakit ako nasa hospital na pinagtatrabahuhan nito. Isa itong doctor at ayokong idamay ito sa kung ano man meron akong laban. Pero nagulat ko ng makita ko sa gilid ng aking mata na nakatayo si Jax sa may pintuan ng hospital at alam kong sa amin ito nakatingin. Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya nagawa kong magpacute na lang muna sa pinsan ko para ng sa ganoon ay maiba ko ang iniisip nito, at hindi nga ako nagkamali dahil nakikita ko ang galit nito pero alam kong nagtataka rin ito sa suot ko ngayon. Nang mapansin kong nakatulala ito at malalim ang iniisip ay saka ako mabilis na umalis kahit hindi pa ako gaanong nakakapagpaalam sa pinsan ko. Sa isang iglap ay nasa parking lot na agad ako dahil kanina pa andon si Gemma naghihintay sakin. Makalipas ng halos na apat na araw ay hindi muna ako nagpakita kay Jax naiinis kasi ako dito dahil sa nalalaman ko nakikipagdate parin ito sa anak ng Chinese na yun. Na alam kong maganda ang babae pero s’ympre mas maganda pa rin ako, mas lalo lang ako naiinis dahil sa nalaman kong masayang nagkakasama ang dalawa. Andito ako ngayon sa mansion dahil sa pakiusap na rin ni Daddy na mag stay na lang daw muna ako dito ng ilang araw dahil sa nalalapit nakamatayan ng aking Ina. Pumupunta rin kasi kami sa puntod nito at kahit alam kong hindi relihiyoso ang aking ama ay nagagawa pa nitong magpadarasal para sa kaluluwa ng aking Ina subalit mas maganda sana kung totoong magiging madasalin ito ng sa ganoon ay tumigil na rin ito sa kasamaan. Alam ko rin namang walang panganip ngayon sa mga De Lana dahil kilala ko di Daddy kapag malapit na ang kamatay o kaarawan ni Mommy hindi ito gumagawa ng kahit na anong gulo o transaction, ang pokus lang nito ay nasa paghahanda para sa aking Ina. Kaya naman pati ang mga tauhan ko ay masaya din ngayon dahil nakakapagpahinga sila ng ilang araw, pero ngayon lang ito at alam kong sa susunod na araw ay muli kaming sasabak sa laban ng sa ganoon ay kalabanin ko ang lahat na magtatangka sa buhay ng taong mahal ko. “Oh, nariyan ka na pala Marie, tara na at kumain ala mo bang pinaluto ko ang lahat ng paboritong pagkain ng Mommy mo ng sa ganoon kahit wala na s’ya ay alam kong palagi pa rin natin s’yang kasama dahil hindi biro ang pagkawala nito sa feeling natin.” Nakangiting sambit sa akin ni Daddy at masayang kumakain ng mga pagkain na pinaluto nito sa kanyang paboritong chief. Nakita ko rito ang ibang kamag-anak nila Daddy at Mommy pati ang pinsan kong si Alex ay dumating rin pala. Lumapit naman ako kay Daddy para humalik sa pisngi nito bago ako umupo sa upuang nakalaan para sakin. Naging masaya ang kuwentuhan kasama ang pamilya ng aking mga magulang, hindi lang ako pala kibo sa kanila dahil wala naman ako masasabi dahil hindi ko rin naman kasundo ang mga ito. Matapoas ang araw na yon ay balik si Daddy sa pagpapahirap sa mga De Lana, at s’ympre balik na rin ulit ako sa pagharang noon. Wala na rin naman ako pakialam sa kung ano ang mangyayari sa pagitan namun ni Daddy dahil handa talaga akong kumpi sa alam kong tama at hindi sa mali. Alam ko ang lahat ng galaw ni Daddy dahil ang ibang tauhan nito ay sa akin din naglilingkod at alam kong hindi nila ako kayang traydorin dahil alam na rin ng mga ito ang mangyayari sa kanila oras na ako ang kinalaban nila. At saka ang alam ni Daddy ay wala akong pakialam sa kung anong meron s’ya sa mga De Lana, kaya naman malaya kong nagagawa ano man ang gustuhin ko. Papasakay na sana ako ng kotse ko ng marinig ko ang boses ni Alex mula sa aking likuran. “Cousin, aalis ka na ba? Sabay mo muna ako papuntang hospital may meeting kasi ako ngayong hapon, thanks.” Nakangiti nitong salita sa akin, at ang malala ay hindi pa man ako nakakasagot ay nakapasok na ito ng kotse ko at preskong nakaupo sa tabi ko, napangiwi naman ako sa sinabi nitong isasabay, eh parang gusto na nitong magpahatid sakin. “Bakit ba ang hilig mong gawin akong driver ha?” Nakasimangot kong sagot dito, pero tumawa lang ito at sumensyas na umalis na kami, naningkit namana ng mata ko dahil sa pagiging bossy nito sa akin. Kung hindi lang ako nagkaroon ng utang na loob dito hindi ko na ito papansinin pa nakakainis kasi ang pagngisi nito sa akin kaya naman pinaharurot ko ng mabilis nag kotse ko. At ako naman ngayon ang napapangisi dahil napapahawak na ito ngayon at nakikita kong natatakot na ito ngayon dahil sa bilis kong magmaneho at talagang nagoovertake ako sa mga kotseng nilalagpasan namin, muntik pa kaming mabangga pero nagkunwari na lang ako na hindi ko iyon nakita at saka ako nagkibit balikat sa kanya na animoy walang nangyari. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat mismo ng hospital nito at nagmamadali naman itong bumaba at masama ang naging tingin sa akin. Ngumiti lang ako dito at saka umalis ng sa ganoon ay hinsi na ito tuluyang magalit sa akin. Papaalis na sana ako ng makita ko si Jax na papasok ng hospital, nabalitaan ko rin na ngayon ang labas ni Julo kaya siguro ito narito para sunduin ang kapatid. Pero napakunot at napakuyom ang aking noo ng makita ko ang bisugong chinese na kasama nito at naka hawak pa sa braso ng lalaking pag-aari ko. At parang wala lang din kay Jax na hawakan siya ng babaeng yun. Napupunyos ko sa galit ng biglang mag-ring ang phone ko hindi ko sana ito titignan pero matagal tagal na rin itong nariring, kaya wala akong nagawa at sagutin ito habang ang tingin ko ay nasa dalawang papalayo sa aking paningin. "Siguraduhin mong inportante ang sasabihin mo kung ayaw mong tapusin ko na ang buhay mo ngayon.?” Irita kong sambit sa kabilang linya at hindi ko nakita kung sino ang caller, at wala akong pakialam kung sino man ito. "Boss, mukhang alam na ni Jax kung sino kang talaga?" Seryosong sambit ni Nicole sa akin. Nanglaki ang mga mata ko at mabilis na pinatay ang tawag at umalis sa lugar na yon para marating agad sa hideout, dahil kailangan kong malaman kung hanggang saan na ang nalalaman ni Jax tungkol sa tunay kong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD