BLACK NINJA

2386 Words
Chater Four -JAX- Kanina pa ako nababagot sa meeting na meron kami ngayo at kasama ko sila Daddy at Mommy sa isang Chinese restaurant. Nakipagset kasi ng appointment si Mr. Anthony Chen kay Daddy pero dahil makulit si Mommy na makilala si Mr. Chen ay isinama na lang niya ito, at tinawagan ako ni Daddy dahil nais daw akong makilala at makita ng matandang Chinese. Matagal na itong ka business partner ni Daddy dito sa China, at kilala na rin dito ang matanda kaya naman hinmdi na rin nahirapan si Daddy na makapagtayo dito ng ibang business ng dahil na rin dito. Subalit kilala ko si Daddy hindi ito haharap sa isang tao kung wala itong naaamoy na hindi maganda, at natitiyak kong sa naganap ngayong pag-uusap ay may uuwi ng luhaan. Maayos naman itong pagdating sa business world na meron ang pamilya ko pero sa nakikita ko sa mga mata ni Mr. Chen hindi tungkol sa business ang gusto nito sa pamilya ko, kung di ang ireto ako sa anak nitong babae na kasama nito ngayon at malagkit ang tingin sakin. Napapangisi pa ako dahil mukhang disente ang babaeng nasa harapan ko pero alam kong hindi ito ang tunay nitong pagkatao, iba din ang pinakikita nito sa kanyang mga social media post kaya naman unang kita ko pa lang dito at hindi na rin maganda ang aura ko dito. Maganda na hangga’t maaga pa ay alam n anito ang totoo na hindi ko siya gusto kong babae. Akala siguro nito hindi ko kilala ang kanitong klaseng babae, puwes nagkakamali s’ya dahil kilala ko ang lahat ng klase ng babae at isa ito sa hindi ko gustong makasama. Napapakamo’t na lang ako sa aking batok dahil sa sobrang pagkabagot, hindi ko alam pero parang may nakatingin sakin mula sa malayo. Iginala ko ang aking paningin pero wala akong makitang kahina-hinala kaya naman nagpokus na lang muna ako sa pagkain. Ang totoo hindi ko malunok ang pagkain dahil hindi ako mahilig sa Chinese food mas ok pa ako sa pagkaing Italian at Korean food gusto ko talaga ang lasa ng mga ito. "Son, are you okay?" Mahinang tanong ni Mommy sa akin, napansin na rin siguro nito ang kawalan ko ng gana. Sasagot na sana ako dito ng matanaw ko ang isang babaeng nasa kabilang mesa at palihim na sumisilip sa newpaper na nakaharang sa mukha nito. Kahit hindi ko lapitan ay kilalang kilala kung sino ito. Napapangiti akong isipin na hanggang dito talaga ay kaya niya akong sundan, hindi naman ako nainis o nagalit ang totoo mas napangiti pa nga ako ng mapagtanto ko na ito siguro ang panay tingin sakin kanina pa. Napaharap ako kay Mommy at nagpaalam na pupunta lang sa restroom. Tumango naman ito sakin at nag excuse na rin ako sa mga taong kasama namin roon. Nang makaalis ako sa mesa ay mabilis akong umikot sa kinaroroonan ni Marie para gulatin ito. Pasilip na sana ito ng pigilan ko ang kamay nito at ipinatong sa balikat nito ang baba ko at ngumiti ng ubos ng tamis. "Are you looking for handsome like me?" Magiliw kong tanong dito, napayuko naman ito at malaya kong nakikita ang pamumula ng pisngi nito. Napapangiti akong hindi ko maintindihan ng makita ko ito ngayon. Pero nagulat ako sa ginawa nitong mabilis na paghalik sa pisngi ko at mabilis na umalis sa harapan ko. Napatulala ako at hindi agad nakapagreak sa naging turan nito sakin. Nang matauhan ako ay mabilis ko itong hinanap sa paligid pero, wala kahit anino nito. Hinanap ko ito maging sa labas ng restaurant pero wala na ito. Hanggang sa isang kamay ang humawak sa braso ko, ang buong akala ko ay siya na pero nawala ang ngiti ko ng makita na ibang babae ito. "Babes, sino ang hinahanap mo? Mabuti pa bumalik na tayo sa loob dahil hindi pa tapos mag-usap ang mga magulang natin." Nakangiti nitong sambit sa akin ni Zhane Marie ang anak ni Mr. Chen. Ngayon ko lang naisip na kapangalan pala nito si Marie ang babaeng ninakawan ako ng halik malalagot talaga sa akin ang isang yun, dahil sa susunod hindi lang halik ang kukunin ko dito napapangiti na lang ako habang iniisip kung ano pa ba ang pwdeng kunin ko dalaga yon. Samantala naiireta ko naman tinignan si Zhane Marie pero baliwala lang dito ang galit na pinapakita ko. Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa braso at mag-isang akong naglakad pabalik sa mga magulang ko hindi ko na rin ito pinansin pa dahil pinapakita nitong pagkagusto sakin. Hinayaan ko na lang na matapos ang lahat ng araw na yon, dun muna ako tumuloy kila Daddy sa mansion dahil na rin sa pakiusap ng aking Ina, pinagbigyan ko na lang ito dahil matagal na rin naman kaming hindi nagkakasama. Wala din kasi ngayon ang iba kong kapatid dahil busy rin ang mga ito sa kanya kanya nila business o buhay pag-ibig. Kinabukasan ay maaga akong nagpasundo kay Migs ng sa ganoon ay makabalik na gaad kami ng bansa dahil meron akong kailangan gawin sa office ko at marami pa rin akong mga meetings na hindi ko pa rin natatapos dahil sa biglaang patawag ni Daddy sa akin. Subalit ng makasakay naman ako ng kotse ay biglang tumunong ang phone ko at si Julo ang caller, nagtaka pa ako kung bakit ito tumawag pero mas pinili ko pa rin ang sagutin ito ng sa ganoon ay malaman ko kung ano ang nangyayari dito ngayon. "Bro, need ko ng back up. Paubos na rin ang mga tauhan ko at may tam ana rin ako na ambush kami at hindi ko pa rin kilala kung sino sila bro." Malat na sambit sa akin nito sa kabilang linya at naririnig ko rin ang putukan at alam kong nahihirapan na rin si Julo ngayon. "Julo, parating na kami h’wag mong hayaan na muli ka pang tamaan ng bala dahil siguradong mananagot ka kay Mommy pilitin mo munang magtago ng sa ganoon ay maging safe ka hanggang sa makarating kami yan.” Mabilis namang pinaharurot ni Migs ang kotse alam na rin naman nito kung saan kami pupunta. Habang nasa bayahe pa kami ay tinawagan ko na rin ang lahat ng tauhan ko na malapit lang sa location ni Julo ng sa ganoon ay mas mabilis rin makarating ang mga ito kung sakaling hindi pa man kami nakakarating sa eksaktong lugar nito. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa lugar ni Julo, nguni’t laking pagtataka ko na parang walang nangyaring labanan dito dahil sa malinis na ang lugar. Nagtataka kong tinignan ang mga tauhan kong naunang dumating doon ng katinginan pa ang mga ito at parang walang gustong magsalita sa akin. "Explain?" Maikli pero mauotoridad na utos ko sa mga ito para ipaliwanag ang mga nangyayari dito? Nagmamasid na rin ako sa buong paligid at alam kong may umayos ng lahat ng ito. “"Master, ito na rin po ang nakita namin ng dumating kami dito. Mabilis rin naman po kaming nakarating dito dahil nasa malapit lang po kami pero wala na po kaming nakita na kahit na ano at maging ang mga nakalaban ni Master Julo at hindi na rin namin nakita pa, mahirap man po paniwalaan ay iyon po ang totoo.” Paliwanag ng tauhan ko at inaabot sakin ang maliit na papel, mababasa dito ang address ng hospital kung saan dinala si Julo at ang mga tauhan naming sugatan. “Migs, ayusin mo ang lahat ng ito. Alamin n’yo kung sinong h*yop ang may gawa nito at iharap n’yo ng buhay sa akin nagkakaintindihan ba tayo?” Utos ko at saka na rin ako umalis para pumunta sa address ng hospital na hawak ko ngayon. Tumango naman ito sakin at mabilis ang pagkilos ng mga ito na sundin ang lahat ng utos ko. Papasok na ako sa hospital ng makita ko si Marie na nasa may nurse station at kinakausap ang isang doctor, makikita ang pagiging close ng mga ito kaya naman napayukom naman ang aking kamao. Subalit lalapit na sana ako dito ng mapansin ko ang suot nitong black pants at black t-shirt kung titignan mabuti para itong assassin lalo na kung lalagyan ng mask ang mukha nito. Pero ipinaling ko ang aking ulo sa aking naiisip dahil malayong mangyari na marunong itong makipaglaban. Dahil nakita ko na ito kung paano mangatog ng magkaroon minsan ng putukan sa parking lot ng aking building. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakaalis na pala ito sa nurse station at hindi ko alam kung saan naman ito nagpunta. Mabilis na lang ako naglakad para makarating sa operating room sakto namang tapos ng operahan si Julo dalawa pala ang tama ng baril nito sa likod at kailangan ng agarang operation. Na isang kuwarto na ito at nagpapahinga kasama nito sa loob ng kuwarto si Joger ang kanang kamay nito. At tulad ni Julo ay kakatapos lang din ito gamutin dahil sa dib-dib naman ang tama nito, pero pasalamat na lang din at maayos na ang mga ito dahil hindi ito maaaring malaman ni Mommy at siguradong malalagot kaming lahat dito. Babangon na sana si Joger ng pigilan ko ito dahil alam kong sariwa pa rin ang mga sugat nito. Natanaw ko naman sa kabilang kama si Julo at wala paring itong malay at pero alam kong magiging ok rin ang isang ito alam na rin ni Daddy ang nangyari at alam kong kumikilos na rin ito ng sa ganoon ay malaman kung sino ang nasa likod ng mga ambush na nangyari sa kapatid ko. Ito pa naman ang isang bagay na ayaw-ayaw ni Daddy ang masaktan ang isa man sa amin, sinabihan kami nito na masaktan na kami sa ibang bagay huwag lang galing sa kaaway dahil tiyak na lalabas daw ang pagkademonyo ng aking ama oras na isa sa amin ang masaktan ng aming mga kaaway. Nakaupo na si Joger ng muli ko itong tinignan nakayuko ito at makikita sa kilos nito ang labis na pagsisi dahil sa nangyari sa kanyang Master Julo nito. Lahat kasi kami ay binigyan ni Daddy ng mga tauhang na sa kanya mismo galing, sa dami naming kalaban hindi alam ni Daddy kung sino ang pwdeng pagkatiwalaan. Kaya naman limang lalaki din ang pinili nito para makasama naming sa lahat ng oras at lahat ng ito ay dumaan sa matinding pagsubok bago mapabilang sa aming grupo. Ang totoo mayayaman din ang mga tauhan namin kung tutuusin nga hindi nila kailangan na magtrabaho samin bilang kanang kamay o tauhan ng aming pamilya. Subalit ginusto nilang maglingkod sa amin dahil galing rin ang mga ito sa dating tauhan ni Daddy, ewan ko ba pero malalapit kami sa mga taong mahilig tumanaw ng mga utang na loob sa amin. Wala na rin naman kami magagawa kung gusto nilang sumama sa amin kaysa pagbigyan ang kanilang mga sariling buhay, pero kaylan man ay hindi kami naging madamot sa mga ito dahil kahit anon goras nila gustuhin na umalis ay ayos lang rin naman sa amin dahil alam namin na gugustuin pa rin nilang magkaroon ng sariling pamilya na masasabi nilang kanila talaga. Pero dahil na rin sa pangalan na meron kami ay hindi naming maiiwasan na makakuha ng mga taong magiging tapat samin. "Joger, alam kong hindi ito ang tamang panahon para magtanong ako sayo? Pero alam mong kailangan ko na rin malaman ang lahat ngayon, kaya simulan mo na rin magkuwento bago pa man dumating si Daddy?” Mahina kong tanong dito habang nakaupo sa isang upuan na malapit lang sa kama ni Julo. “Master, papalabas na kami ng hideout ng makarinig kami ng malalakas na pagsabog, nagtago kami para maghanda sa laban pero nakita kong marami sa mga kasama ko ang nasugatan at namatay. Kasama ko si Master Julo at alam kong may tama na rin ito dahil sa pagbaril mula sa likuran nito, bago pa man siya tumawag sayo may dumating na mga black ninja. Ang akala ko ay galing sa mga kapatid n’yo ang tulong pero huli ko na rin nalaman na ibang black ninja ang tumulong sa amin, nagtataka man ay hindi na rin ako nakapag-isip ng tama dahil alam kong malala ang tama ng Master ko. Tutulungan ko sana ito kaso may tumama sa dibdib ko at doon na rin ako unti-unti nanghina, pasensya na po Master Jax dahil sa hindi ko nabantay ng tama ang Master ko. Hayaan po n’yo at ako ang haharap sa inyong ama ng sa ganoon ay maipaliwanag ko ng husto dito ang mga nangyari. Patawad po Master Jax.” Nakahuyo nitong at nakita kong nagpahid ito ng hula, kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi pa rin nito hinayaan na masaktana ng aking kapatid kahit pa nasa gitna sila ng labanan. Hanggang sa naisip ko ang sinabi nitong black ninja? “A black ninja?” Kuno’t noo kong tanong dito at napatayo na rin ako sa may binata para kumuha ng alak, at inisang lagok ko iyon. “Yes, Master black ninja helped us. Hindi ko sila kilala pero alam kong mabubutisilang tao? Wala rin akong idea na sila ang tutulong sa amin dahil sa wala naman po akong mga black ninja na hindi kasi sa pamumuno n’yong magkakapatid. Sa totoo lang po Master Jax, sadyang magagaling silang lahat at nagawa nilang matapos ang labanan ng ganoon kabilis, pati ang paglilinis ay parang baliwala na rin sa kanila." May pagtataka rin sa kuwento nito pero hinayaan ko na lang muna ito dahil ayokong malaman nito wala akong alam tungkol sa black ninja na sinasabi nito. Nakakainis mang isipin pero mukhang kailangan ko na rin malaman kung sino nga ba ang black ninja na malimit na tumulong sa amin. Mas labis akong napapaisip kung sino nga ba ang mga black ninja na sinasabi nito, at kung tama ako ng hinala iisa lang kaya ito sa black ninja na tumulong sa akin noong nakakaraang linggo. Dapat ko ng makilala ang mga ito, at baka merong kapalit ang ginagawa nitong pagtulong sa aming magkakapatid, sambit ko na na lang saking isipan at saka muling uminom ng alak sa basong hawak ko. Napatingin naman ako kay Joger at nakikita ko naman nagsasabi ito ng totoo, at sa ngayon ay nakatingin na rin ito sa kanyang Master na hanggang ngayon ay ayaw pa rin gumising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD