THE FIRST MEETING

2213 Words
Chapter Three -Marie- “Oh, boss andito kana pala” Sambit sa akin Mich na isa sa mga tauhan ko at nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Tama may hilim ko dahil kapag nalaman ng iba siguradong hindi ko mapoproteksyonan ang lalaking pinakamamahal ko. Una ko siyang nakilala nong nasa high school at kasalukuyan akong nakatira sa isang bahay ampunan pa ako, oo isa akong batang inambunan ng mga magulang ewan ko nga na kung bakit may mga magulang kayang iwan na lang ang kanilang mga anak. Gagawa sila ng bata at kapag lumabas na mundo ay hindi na nila kayang panindigan, iyan ang paniniwala ko noon habang nasa ampunan pa ako. Biktima ako ng human trafficking noong minsan may dumating na isang negosyante at lahat daw kami ay gustong kunin para pag-aralin, ayoko pa sana sumama noon dahil masama na ang kuton ko sa mga bagong dating. Pero walang nakinig sa akin at pati ang mga madre ay hindi naniwala sa kutob ko kaya wala akong nagawa ng ibigay na kaming lahat sa gustong kumupkop daw sa amin. Hanggang sa nalaman namin ang totoo at balak pala nila kaming ibenta sa mga Chinese para dahil sa isang club at ang iba naman samin ay para gawing parausan ng mga ito. Bata pa ako noon at walang kamuang-muang sa buhay natatakot man ay nilakasan ko ang aking loob nilabanan ang takot na nararamdaman hanggang sa dadalhin na kami sa isang hotel kung saan naroroon na dawa ang mga Chinese na gusto kaming bilhin. Subalit hindi pa man kami nakakarating sa b****a ng hotel ay nakarinig na kami ng putukan ng baril na mas ikinatakot naming lahat. Mabilis na napayuko kaming lahat at nagdadasal na sana ay maging ligtas pa kami ng gabing yon. Nakita ko kung paano nabaril ang ibang kasamahan kong bata dahil sa ginagamit silang panangga ng mga hayop na dumukot samin. Hanggang sa mahawakan ako ng isang kalbo at ginawa akong hostage nito para hindi siya mabaril ng mga kalaban nito, binalot ako ng matinding takot dahil alam kong magiging katapusan ko na rin ang gabing yon, lihim akong nanalangin para sa magiging kaluluwa ko na sana ay maging maayos kahit pa alam kong naging masama rin naman akong bata. Nasisilaw pa ako dahil sa matinding sinag ng ilaw na nagmumula sa papalapit na lalaki. Wala itong takot na binaril ang may hawak sakin at tinamaan ito sa ulo, nanghihina naman akong bumaksak sa sahig ngunit hindi pa man naglalapat ang likod ko dito ay may naramdaman akong sumalo sakin. Nanglalabo man ang mga mata ko ay nakita ko kung gaano ito kagwapo at suwerte ko pa dahil bago pa man ako lamunin ng dilim ay narinig ko ang pangalan nito Jax De Lana. Hindi ko man alam kung siya yun, dahil hindi ko nakitang lumingon pa ito sa tumawag sa kanya. Basta ang alam ko na lang ay ito ang pangalan niya. Ito ang lalaking malaki ang utang na loob ko dahil sa kanya hindi ko agad nakita si San. Pedro kung sakaling sa langit man ako mapupunta. Nang magising ako sa hospital ay isang ginang ang namulatan ko, nagtataka pa ako kung sino ito dahil hindi ko ito kilala, nahihilo akong bumangon pero inalalayan lang ako nito at pinainom ng tubig. Kinamusta nito ang pakiramdam ko pero tumango alng ako dito. Hanggang isang may edad na lalaki naman ang pumasok at mabilis akong niyakap at tinawag na anak. Umiiyak itong nakayakap sakin ng mahigpit at panay ang hingi ng “sorry”, na hindi ko maintindihan at kung sino nga ba ito? Naguguluhan man ay hinayaan ko na lang muna itong yakapin ako dahil sa nakikita kong totoo ang nararamdaman nito, hanggang sa ilang araw kong pamamalagi sa hospital ay pinaliwanag nito sakin ang lahat at kung sino nga ba itong talaga. Ikinuwento nito ang lahat, kung bakit ako napunta sa ampunan at kung bakit ako nawalay sa kanila ng aking nasirang Ina. Namatay daw ang aking tunay na ina dahil sa sobrang pag-iisip na hindi ako makita, kinuha daw ako noong bata pa ako at hindi nila rin alam kung paanong nawala ako sa kanilang feeling dahil sa bantay sarado ang buhay namin ng mga tauhan ng aking ama. At dahil doon ay labis na nahirapan ang aking ina, may sakit pala ito sa puso kaya hindi pwdeng malungkot o madamdam at nang dahil sa pagkawala ko ay ito s’ya ring paglisan nito na labis na ikinalungkot naman ng aking ama. Doon ko lang din nalaman ang tunay kong pagkatao. Ako pala Marie Del Carmen, ang pamilyang pinagmulan ko ay isa sa mga kaaway ng mga De Lana ang pamilya ng lalaking labis at lihim kong minamahal. Lingid sa kaalaman ng lahat ay ang grupo ko ang tumutulong kapag nasa panganib na ang magkakapatid na De Lana, kahit tauhan pa ng sarili kong ama ang makaaway ko ay ayos lang dahil alam kong una palang ay mali na ang mga gawain nito. Pinagsabihan ko na rin ang aking ama na itigil n anito ano man ang mga transaction na meron ito dahil alam kong darating ang araw na makakaharap kaming dalawa subalit hindi ako kakampi dito bilang anak dahil sa ayokong sumama sa layunin nitong baluktot. Subalita ayaw nitong makinig sa akin at pinagsabihan pa akong dapat na siya ang kampihan ko dahil kami daw ang magkadugo, pero hindi ako kaylan man maninindigan sa alam kong mali. Kaya naman wala akong nagawa kung di ang kalabanin din ito ng hindi nito nalalaman. Napabalik lang ako sa aking tamang pag-iisip ng tapikin ako sa balikat ni Gemma isa rin sa mga tauhan ko. “Masyado kang tahimik, wag kang mag-alala hindi ka pa rin mahal nun?” Natatawa nitong sambit sakin at saka naupo malapit lang sa akin, mga tauhan ko ang mga ito pero kaya nilang akong sabihan ng masasakit na salita dahil mga kaibigan ko rin ang mga ito at sila ang katulong ko para labanan ang lihim ang aking ama. “Gaga, malapit na akong mahalin nun, at sisiguraduhin kong hindi ka imbitado sa kasal naming dalawa.” Nakangisi ko naman sagot dito habang inaayos ko ang mga paborito kong baril. “Don’t worry hindi naman ako pupunta, dahil alam kong hindi naman matutuloy yang pinagmamalaki mong kasal?” Mataray din nitong sagot sakin kahit talaga ang mga tauhan ko mas matapang pang sumagot sakin, masama ko naman itong tinignan pero nakuha na agad nito ang aking ibig sabihin kaya naman mabilis pa sa alas-kuwatro na umalis ito sa tabi ko dahil siguradong mababaril ko na ito. Hanggang sa naririnig ko na lang ito tumatawa sa loob ng kanyang kuwarto pero hindi ko na lang din pinansin at napapailing na lang din ako. Inilapat ko ang likod ko sa sandalan ng inuupuan kong coach at ramdam kong kailangan ko na rin munang magpahinga dahil masakit parin kasi ang sugat ko mula sa huling labanan na pinuntahan namin. Hindi ko kasi alam na nagkasugat pala ako sa tagaliran sa labanang naganap ng iligtas namin ang magkapatid na De Lana, nangsugurin nila ang isang kuta ni Daddy sa isang liblib ng lugar sa palawan. Nahubad ko na ang t-shirt ko ng biglang pumasok si Nicole ang IT ng grupo ko. Ito ang nagsisilbing mata naming sa laban dahil mabilis ang mga technique nito pagdating sa computer, kahit ata tulog ito ay gumagana ang mga kamay sa pagpindot ng keyboard sa laptop nito. “Hindi pa ba magaling yan, ilang linggo na yan ha...? Halika tignan natin baka labasan na yan ng tren?” Napapailing na rin nitong tanong sa akin at saka na ito lumapit sa tabi ko, napapangiwi na lang ako sa mga tauhan kong mga may sayad sa utak. Ganito sila kapag walang laban at nasa loob lang kami ng isang lugar pero kapag na gitna ng laban hindi mo sila makikitaan ng hindi seryoso, matatalino ang mga kaibigan ko at alam kong hindi kakayanin na kalabanin ang sarili kong ama kung hindi sila ang makakasama ko. “Awww,,, baka gusto mong dahan-dahanin masakit eh.!” Gigil kong sabi dito halos ikakapos ko na nanghininga dahil sa sobrang sakit talaga, kung di ko lang kailangan ng tulong nito ay kanina po pa rin itong binaril. “Magtiis ka ayaw mo pa kasi magpadala sa hospital para matahi ng ayos eh.” Inis naman sagot sakin ni Nicole habang nililinis ang sugat ko, ayos din sumagot ang isang ito sa akin. “Boss, magpadala kana kasi walang doctor sa ating apat saka mamatay ka n’yan ng maaga at tiyak na hindi mo mapakasalan ang dream boy mo?” Nang-aasar naman na salita ni Gemma, habang nasa may kusina at nagluluto ng pahunan. “Oo nga boss, sayang virgin kang mamatay hindi mo man lang natitikman ang luto ng langit.?” Sagot naman ni Mich. At sabay pang tumawa ang dalawa na mas ikinainis ko dito. “Mabuti pa magsilayas kayo kung ayaw ninyo pagbabarilin ko kayo.” Kinasa ko na ang baril ko at itinutok sa mga ito, mabilis naman nawala ang mga ito kahit na si Nicole na gumagamot sa sugat ko ay bigla na lang din naglaho. Napapailing akong nahiga sa kama ko at pumikit para makatulog at ng hindi ko gaanong maramdaman ang sakit pero Kinabukasan ay muli akong bumalik sa building ni Jax para dalhan ulit ng pagkain ng makasalubong ko ang isang tauhan nito na si Kuya Leo, isa sa mga kanang kamay nito dito sa loob ng kanyang building. “Kuya Leo” Masayang tawag ko dito at sakaa ko lumapit sa puwesto nito. “Oh, ikaw pala Marie kamusta na ba ang pangliligaw mo kay Master?” Tanong nito sakin at natawa pa. Napanguso naman ako dito dahil halatang inaasar naman ako nito. “Ayos naman Kuya, malapit ko ng mapasagot ang suplado mong boss.” Nakangiti kong sambit dito at napatapik pa ako sa balikat nito. “Ganon ba sige, mabuti yan kaso mas maganda kung bibilisan mo kasi balita ko ipapakilala siya ngayon sa isang pamilyang kasing yaman din nila.” Pabulong na sabi nito sakin, na ikinawala naman ng ngiti ko. Kung kanina ay masaya pa ang ngiti ko ngayon naman ay parang gusto kong sumabog at magwala ng dahil sa nalaman ko “Alam po ba n’yo kung kaninong pamilya s’ya ipapakilala?” Pag-uusisa ko dito at nagkapokus lang ang tingin ko sa sasabihin nito dahil ayokong may isang salita akong hindi ko maririnig mula dito. Napakamot pa ito sa kanyang ulo at tumingin sa paligid bago muling bumulong sakin. “Ang sabi-sabi ay isa sa anak daw ni Mr. Anthony Chen, yung Chinese na ka business patner ng kanilang pamilya. Pasensya ka na Marie eh! Narinig ko lang naman ang balitang yan sa mga kasaman ko.” Sabi nito, napapatango na lang ako at nagpasalamat inabot ko rin ito ang isang lunchbox na may lamang lutong ulam. Ito na lang ang bayad ko sa impormasyon na binigay sakin nito. Hindi ko ito pwdeng bigayn ng pera dahil alam ng mga ito ay mahirap lang ako. Habang naglalakad ako iniisip ko kung sino ang Mr. Chen na sinasabi ni Kuya Leo at kung sino ang anak na babae nito. At ng maisip ko na kung sino na ito ay mabilis akong pumara ng taxi para makauwi na dapat kong makilala kung sino ang karibal ko mahirap lumaban sa taong hindi mo kilala. Nasa harap ako ngayon ng computer at tinitignan kung sino ang Anak ni Mr. Anthony Chen na yon. “Zhane Marie Chen” Basa ko sa pangalan nito ng makita ko ang social media nito. Magaganda ang post nito at sa tingin ko ay isa rin itong businesswoman, kung sa katawan naman ay para itong modelo ng mga underwear dahil aaminin kong maganda rin ang hubog nito at natitiyak kong mapapalingon ang mga kalalakihan oras na makita ito sa mga beach habang naka suot ng swimwear. At sa kung paano ito manalita ay nakikita kong maayos at disente naman itong babae pero hindi ako makakapayag na isang tulad lang nito ang aagaw sa akin, sa lalaking mahabang panahon kong iningatan at inalagaan. “F*ck ka name ko pa ang bruha.” Napalakas ang pagsasalita ko kaya napasugod ang mga tauhan ko sa loob ng aking kuwarto. “Boss, anong problema?” Tanong sakin ni Mich na may dalang toothbrush at hala kung ano ang ginagawa nito ngayon. “Bakit boss, basted kana ba kay dream boy?” Natatawa namang sabi ni Gemma sakin. Tinignan ko naman ito ng masama at mabilis na pinaputukan ngunit mabilis din itong nakatakbo at nakalabas ng bahay. “Mga p*tang *na kayo lumayas kayo dito, masakit na nga ang puso ko dadag-dagan n’yo pa mga h*yop kayo?” Malakas na sigaw ko sa mga ito. Naririnig ko pa ang mga tawanan ng mga ito, pero hindi ko na lang ito pinansin pa at muling nagpokus sa ginagawa ko sa pagtingin sa social media ni Ms. Chen. Pinag-aralan ko ang lahat ng kilos ng dalaga at kung saan ang nagiging tambayan nito dahil alam kong may tinatago rin ang isang ito na kailangan kong malaman ng sa ganoon ay makagawa agad ako ng mga paraan para mapaalis ko agad ito sa landas naming dalawa ni Jax my future husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD