Epilogue

611 Words
Fir hates fireworks. Not because she was named after it but it always reminds her of a happy family she once had. A sad memory she can't forget. Dale loves fireworks. It gives him life. It gives him chance. Fate brings them together. Would an easy-go-lucky guy be able to heal the bitterness in a woman's heart? Can he give another color and meaning to a woman's fireworks memories? Or their meeting will only change his positive perception about fireworks? ___________________________ "Fir, it's late. We need to hurry. Baka hinihintay na tayo ng daddy mo." Sigaw ng mommy niya. Nakakunot noo na ito habang hinihintay siyang bumaba. Agad siyang lumapit at niyakap ito. "Sorry po, di ko kasi mahanap yung ponytail na binili ni Dad last week." Nakalabi niyang wika. She knows her mother, konting lambing lang niya wala na ang inis nito. She is Fireworks, the the only daughter of Wienna and Fierry del Mundo. Her parents owned one of the largest textile companies in the country. Their main operation site at Laguna alone houses over 5,000 employees. Kaya napagdesisyunan na kaniyang ama na dito na rin sa Laguna manirahan. Though they're that wealthy, her parents thought her to live simply. Kaya kahit ganun karami ang empleyado nila sa kanilang factory ganun naman ang ikinonti sa bahay nila. Meron lang silang nag-iisang katulong na simula nung dalaga pa ay katulong na ng pamilya ng kaniyang ina. She adores her parents. Ang kaniyang mommy ay mas piniling manatili sa kanilang tahanan at alagaan siya at ang kaniyang daddy naman ay nagfocus sa kanilang negosyo kaya naman napalago agad nito sa maikling panahon. Mahal na mahal ito ng kanilang empleyado dahil napakabait nitong boss. Kasalukuyan nga silang papunta sa party na inihanda ng kaniyang ama para sa empleyado nito. It's a yearly tradition. Dad would always let his employee enjoy even for 1 day. At for sure may pafireworks naman ito. Obsessed ito masyado sa fireworks kaya nga ipinangalan siya dito. Nung bata pa kasi raw ito malayo sa bayan ang tirahan kaya kahit anung pilit sa kaniyang lolo at lola na pumunta sa bayan upang manood ng fireworks at bagong taon ay hindi nito magawa. Kaya ngayon, ginagawa nito ang taunang fireworks para sa mga anak ng empleyado. "Fir, I'll just look for your dad. Behave ka ha. Punta ka na muna dun sa bahay kubo na nilaan sa atin baka nandun na sina J'dion. Laro na muna kayo.", bilin ng kaniyang mommy. Hinanap niya ang kaniyang pinsang si J'dion. Ng makita niya kasama ang kaniyang tito Josh and tita Jaydee. Nag-iisang kapatid ng kaniyang ama ang tita Jaydee niya. Si J'dion naman bukod sa pinsan ay inituring na rin niyang best playmate, bestfriend at kapatid. Habang naglalaro sila nakarinig sila ng malakas na putok. Sumunod ay mga taong nagtatakbuhan at nagpapanic. Agad na nakaramdam siya ng kaba. "Dad, Mom?"sigaw niya habang tumatakbo patungo sa direksyong pinagkakaguluhan ng mga tao. Hindi na niya inalintana ang tawag ni J'dion sa kaniya. Isiniksik niya ang sarili sa kumpol ng mga tao. Ng mapagtagumpayan niyang makaalpas sa mga tao, and as she looked down she saw her father on the ground. "Dad! Dad!" Tumakbo siya palapit dito. Niyakap niya ito habang patuloy na sumisigaw. Sa nanlalabong paningin nakita niya ang kaniyang mommy na papalapit pero bago pa man ito makalapit ay tumumba na ito. Agad itong dinaluhan ng mga tao. "Mommy!"sambit niya sa nanghihinang tinig. Sa labis na bigat ng dibdib sa mga nasaksihan hindi niya nakayanan. Nawalan siya ng ulirat habang nanalanging sana panaginip lang ang lahat, that she would soon wake up in bed with her dad and mom on her side.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD